Unang Salita:

128 9 10
                                    

Ano nga ba tayo?

"How he treats you is how he feels about you. Don't try to decode it, it is simple. If he acts like he does not care. He does not care." © (Photo above ☝)

Freya Elleisse Dominique

Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi mo dapat mahalin.

Pwedeng Professor mo 'yan at estudyante ka nya. O boss mo at empleyado ka. O kaya ay mahirap sya, mayaman ka.

O kaya ay pwede ring katulad ng sitwasyon ko. Katulad ko, magkaibigan kayo. At kahit anong gawin mo, hanggang doon lang talaga kayo.

Hindi mo pwedeng bigyan ng malisya ang mga sweet gestures nya kasi nga bestfriends kayo.

Hindi ka pwedeng mag-assume kapag sweet sya sa'yo kesa sa ibang babaeng nali-link sa kanya kasi nga bestfriends kayo.

Hindi ka pwedeng umasa. Hindi pwedeng mahulog ka. Hindi pwedeng humigit pa sa pagkakaibigan ang turing mo sa kanya.

Kasi alam mo na once na sumubok kang humakbang sa linyang di mo dapat tapakan, maraming pwedeng masira at mawala sa'yo--sya at ang pagkakaibigan nyo.

Hindi ka pwedeng umiyak sa harap nya kapag may ibang babae syang kinukuwento sa'yo.

Hindi mo pwedeng ipahalata na nasasaktan ka kapag sa iba sya nakatingin. Kapag hindi ka nya nakikita gaya ng pagkakakita nya sa ibang babaeng kaedad mo.

Hindi ka pwedeng mag-demand na parang girlfriend kasi in the first place, wala namang kayo.

At higit sa lahat, hindi mo pwedeng itanong kung ano bang meron sa inyo dahil mas malinaw pa sa sikat ng araw na kayo nga ay hanggang magkaibigan lang.

Kaya kahit na alam mo sa sarili mo na matagal ka ng nahulog sa kanya. Na hindi mo na sya nakikita bilang ang lalaking takbuhan mo, bestfriend mo. Na hindi na lang basta kaibigan ang turing mo sa kanya. Alam mo rin na kailangan mong pigilan ang sarili mo. Hindi ka pwedeng mahulog. Hindi ka pwedeng umasa. At mas lalong hindi ka pwedeng masaktan dahil hindi ikaw ang mahal nya.

Kasi alam mo na walang kayo, kasi alam mo na hindi pwede noong simula pa lang. At higit sa lahat, kayo ay magkaibigan lang.

........

A/N: This is my first story ever so please, kindly support me with this one. Thank you. And yes, its plot is all about bestfriendzoned and everything. Ewan ko ba, feel ko talaga magsulat ng mga masasakit na story. Haha. Lablab.

-Ate Elle 💓

4.29.17 (1:39 AM)

Published: May 2, 2017

Ano nga ba tayo? Where stories live. Discover now