Unang Kabanta: Nagmahal lang naman ako
"I didn't mean to fall in love, but I did. And you didn't mean to hurt me, but you did" © (Photo above☝)
"Too bad, nahulog akong mag-isa. Nahulog ako ng hindi nya alam, ng wala syang kamalay-malay kaya hindi nya ako nagawang saluhin. Nasasaktan tuloy ako ngayon dahil malalim ang pinagbagsakan ko. Pero naisip ko rin, kung sakali bang alam nya...sasaluhin ba nya ako? Parang hindi rin kasi. Dahil hindi nya kayang mahulog kasama ako." -Freya Elleisse Dominique
Freya Elleisse Dominique
"The Roman and Greek Mythology has--" Our Professor in World Mythology stopped from talking about our topic when we heard a knock.
Ang strikta at matandang dalaga naming Propesor ay agad na pumunta sa pintuan at mula doon ay iniluwa ang isang napakagwapong nilalang na tila ba isang Greek God na bumaba sa lupa.
"Yes, Mr. Christian Crisostomo Suarez?" Buong-buo pa talaga ang pagkakabanggit.
Napakamot naman sa ulo nya ang lalaki at agad akong itinuro gamit ang kanyang nguso. Halatang nainis ito sa pagbanggit ng aming Propesor sa kanyang buong pangalan. Ayaw nya pa naman sa pangalan nya, maka-luma raw eh.
"What's with the.." and my Professor even demonstrate the nguso thingy and swear, nakakatawang tingnan. Kitang-kita ko nga ang grabeng pagpipigil ng tawa ng mga kaklase ko.
"Ma'am, huwag nyo na pong uulitin ang pag-nguso kasi hindi ho bagay sa inyo. Mukha po kayong matandang bibe na may mahabang nguso." Matapos nun ay agad na pumasok si Cris sa aming silid aralan ay walang pasabi akong hinila palabas. Mabuti na lang at nadala ko ang lahat ng gamit ko.
Si Ma'am naman ay naiwang nakatulala dun at malamang ay nanggagalaiti na iyon sa galit ng mahimasmasan.
"Mr. Suarezzzzz." Rinig na rinig pa namin ang napakalas na sigaw ng aming matandang Professor.
Pareho kaming natawa pero agad din akong tumigil at tinitigan sya ng masama. Baka kasi akalain nya na natutuwa ako sa kanya which is hindi. Naiinis ako dahil basta-basta nya na lang akong hinila. Gusto ko pa naman ang topic namin ngayong araw.
"Saan ba tayo pupunta? At ano na naman ba ito, ha, Cris?" Mataray na tugon ko sa kanya. Saglit akong tumigil kaya napatigil din sya. Hawak nya pa rin ang siko ko.
Bigla syang ngumisi ata agad akong inakbayan. "Naku, ang bestfriend ko, ang aga-aga, nagsusungit." He then pinched my nose. Hinampas ko sya at pinagbawalang gawin iyon pero paulit-ulit lang nyang ginawa kaya umalis ako mula sa pagkaka-akbay nya.
Hindi na rin kasi ako makahinga. Naghuhumerentado na ang puso ko kapag ganoon ako kalapit sa kanya. Baka bigla na lang akong atakihin sa puso kapag hindi pa ako lumayo sa kanya.
"Ang bestfriend ko naman, nag-dalaga lang, sumungit na." Then, he grinned. His annoying smile. Nakakainis. Nakakainis kasi sa mga ganyang ngiti nya ako nahulog.
"Huwag mo akong ma-bestfriend, bestfriend dyan," Huwag mong isampal ng paulit-ulit kung ano lang ang papel ko sa buhay mo. Ouch.
Tinarayan ko sya at muli syang tinanong. "Ano bang kailangan mo? Bakit kailangan mo pa akong hilain palabas ng klase? Yari na naman ako nito kay Ma'am Alido eh." Tukoy ko sa aming matandang Professor na ubod ng strikta.
"Eh, kasi si mama pinapapunta ka mamaya sa biglaang party na gagawin nya. Ikaw daw date ko." Naglalakad na kami ulit papunta sa parking lot habang dinidetalye nya sa'kin ang dahilan ng biglaan nyang paghila sa'kin.
"Eh, pwede mo namang hintayin na lang na matapos ang klase ko. Last subject ko na yung World Mythology. Mayayari ako kay Ma'am Alido eh. Kapag ako nagkaroon ng 1.5 ngayong term, kukutusan kita." Banta ko sa kanya habang binubuksan nya ang pinto ng kanyang kotse at pinapapasok na ako.
YOU ARE READING
Ano nga ba tayo?
General FictionIn a game called love, the first one who falls is the loser. And yes, I'm a loser because I fall in love with my bestfriend who can never love me back.