Till Death Do Us Part

40 1 2
                                    

<Chris POV>
<After ordination>

Yep. Tapos na po ang ordination ko at today I am already a Father. Sa araw na iyon, I was able to make my friends reunite again. I was able to make my family be united once more and I was able to fulfill a promise I had made 11 years ago, to a special person in my life, who became my inspiration and motivation para magpari ako.

The night before my ordination, I have texted and chatted all my friends and relatives to attend the said event. In that momentous event, I want everybody to be there. But one person got me, Aizel.

Eleven long years ago when I blocked her from my Facebook account, para makamove-on. Tama kayo ng basa, para makamove-on. I have fallen inlove with a girl na akala ko ay forever ko na. Isang malaking akala. Now I promised to her na magpapari ako, kasi tinatawag ako ng Panginoon at dahil gusto ko siyang paglingkuran.

Speaking of her, I unblocked her and messaged:

"Hi, Aizel. Ginagamit mo pa rin ba 'tong account mo na 'to? I presume, oo, kasi you just changed your profile picture a week ago. Sorry ha? Natagalan. Natagalan bago muli kitang kausapin. Gusto ko lang iparating sa'yo na ordination ko na bukas at iniimbitahan kitang pumunta para makita mo na tinupad ko ang pangako ko sa'yo. Yun lang. Aasahan kita bukas, salamat."

Gaano ba ako kahanda? Gaano ba ako katapang para suungin at tugunan ang tawag ng Dakilang Lumikha? Ito ang mga tanong na pinilit kong masagot. Bago ako matulog ay nanalangin ako na sana ay may mga himalang mangyari sa ordination ko...

*Ordination Day (After ceremony)*

"Paano ba yan, Chris? Di ka na namin matatawag sa pangalan mo? HAHA kasi Father na itatawag namin," ani Jake.

"Oo nga, pare. Bakit ba 'tong bestfriend natin eh nagpari? HAHA," biglang usisa ni Mark.

"Mga walang hiya kayo. HAHAHAHA ako pa rin naman 'to. Pwede niyo naman akong tawaging Chris, kagaya mg dati. Walang magbabago sa samahan natin!" sabi ko sa barkada ko.

"Paano ba yan, Chris? Di ka na pwedeng mag-aasawa. Ikaw na ang magkakasal," sabi ni May.

"Ay teka, mausapan ang kasal, balita ko ikakasal na si Aizel. Oo, ikakasal na pala siya. Pinapaattend nga niya tayong lahat na mga naging classmate niya nung high school," ani Beng.

Isang biglaang kurot sa dibdib ang naramdaman ko na para bang nabasag ang puso ko. Pero alam kong kailangan na talagang kalimutan ko yun dahil sa Diyos na ako dapat umibig.

"Oh, Chris. Para kang plano jan ah, di madrawing ang mukha mo. Teka, mahal mo pa rin ba? Uy bawal yan ha," sabi ni Jake sabay akbay.

"Hindi!" sarkastiko kong sagot.

Habang nag-uusap kami ng mga barkada ko ay isang pamilyar na boses ang nadinig ko. Isang boses na 11 years kong di na rinig at sigurado akong sa kaniya yun.

"Father, pwede ba tayong mag-usap saglit? Sa labas?" tanong ni Aizel.

"Hoy, Chris! Wag kang magpapadaig sa tukso! HAHAHAHA," sumbat ni Mark tapos nagtawanan ang tropa. Walanghiya talaga 'to.

"Wag kang mag-alala, brad. Ang Diyos ang bahalang promotekta sa akin," sagot ko.

Naglakad na kami palabas ng simbahan at nagpunta sa isang malaking puno sa gitna ng plaza ng simbahan.

"Chris, bakit ka nagpatuloy? Hindi ko inaakalang gagawin mo talaga," sabi niya sa akin na maluha-luha.

"Aizel, ginawa ko yun kasi gusto kong tuparin ang promise kong magpapari ako. Gusto kong tugunan ang tawag ng Diyos," sagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon