{8}

1.8K 57 1
                                    

"Bakit ka nakawig?" pambungad na tanong ng matalik kong kaibigan pagkapasok niya pa lang sa sarili niyang kuwarto.

Bago ko sagutin ang una niyang tanong, inalis ko muna ang pelukang nakakabit sa aking buhok.

"Ikaw nga talaga 'yan! Hindi ako makapaniwala, putek," saad niya.

"So ready ka na ba?" umupo ako sa kama niya.

Tumabi siya sa akin. "Kanina pa, Bo."

"Nung pinagbubuntis pa ako ni mama, gustong-gusto talaga nina papa at mama na babae ang unang magiging anak nila. But apparently, based sa ultrasound, lalaki ang anak nila," panimula ko.

"At ikaw 'yun," pagsingit niya.

"Yes, obviously. And naikuwento ko naman na sa'yo dati na namatay si mama dahil sa akin, diba?"

"Oo oo. At kung iiyak ka na naman sa pagkukuwento niyan, mabuti pang itigil na natin 'to," pang-aasar niya. Naalala ko ang tinutukoy niya. Kinuwento ko kasi sa kanya dati na namatay si mama nang ipanganak niya ako at sobra-sobra ang iyak ko nun. Hindi niya naman ako masisisi dahil hindi ko man lang nakilala ang sarili kong ina. Hindi niya talaga alam kung ano'ng gagawin niya dati para aluin ako.

"Hindi naman kasi 'yun 'yung point dito. May hindi ako sinabi sa'yo. Si papa. Sobra ang galit niya sa akin. Mula nang wala pa akong isip, ako na ang sinisisi niya sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang babae. At 'yun na. Sa hindi ko malamang kadahilanan, itinuring niya akong babae," pag-amin ko.

"What the fuck? Bakit niya gagawin iyon?" malakas nitong tanong.

"Gaya ng sinabi ko kanina, hindi ko nga alam."

"Baka may psychiatric problem siya."

"Iyon din ang iniisip ko pero bakit sa akin lang naman siya may problema. Okay naman siya sa ibang tao eh. Though okay rin naman kami minsan kapag nagkukunwari akong babae. Pero kung hindi.." umiling-iling pa ako.

"Siya ba ang may gawa sa pasa mo minsan?" usisa niya.

"Oo. Pinagbubuhatan niya ako ng kamay kapag naaabutan niya akong nakajersey o nakashorts sa bahay. Iyon din pala ang dahilan kung bakit masyado siyang istrikto sa akin. Talagang babae ako sa isip at puso niya. At gago, hirap na hirap na ako, Bo," paglabas ko ng aking hinaing. Tumingin ako kay Dave. Mukhang may pagkalito pa rin akong nababanaagan sa kanya.

"Eh bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Edi sana natulungan kita," parang may panunumbat sa kanyang tono. Napatayo pa kasi siya.

"Uy huwag ka namang magalit sa akin oh. Hindi mo alam kung gaano kahirap 'yung pinagdaanan ko," sagot ko naman.

"Yun nga. Kung hindi ka naglihim sa akin, baka may nagawa pa ako para mabawasan ang naranasan mong paghihirap," seryoso na talaga si Dave. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Pero bakit ganyan na lang siya magreact? Ako ang biktima rito oh.

"Nahihiya ako okay!" hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na magtaas ng boses. "Kung sinabi ko kaagad sa'yo, baka hindi tayo ganito katagal naging magkaibigan. Base sa ugali mo, alam kong pagtatawanan mo lang ako o baka dahil sa kadaldalan mo, buong campus makakaalam na ng sikreto ko."

"Ah ganun? Ganun pala ang tingin mo sa akin? Huwaw! Five years tayong naging magbestfriend tapos iyon pala ang pagkakakilala mo sa akin? Ang sakit, Bo. Ang sakit, tangina. Kasi ang buong akala ko okay tayo dahil kapatid na ang turingan natin pero bakit ganun?" nagsisimula nang kumuyom ang kanyang mga kamao. Napasobra yata talaga 'yung sinabi ko kanina.

Sikreto 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon