IV

30 3 0
                                        

"Baby"? Magkapanabay na sigaw nina Ivy at Andrew. Hindi ko na sila pinansin at binitbit ko na lang ang bag ko. Makaalis na nga rito. Ng malapit na ako sa pinto ay tinawag ako ni Andrew.

"What's going on Lance?" Dumagundong ang boses ni Andrew sa loob ng room. Nilingon ko siya at nginisihan.

"Oh! Nothing." Narinig kong napaungol dahil sa inis ang mga babaeng kasama ni Ivy ngunit di ko na sila pinansin. Tuloy tuloy na akong lumabas.

Habang naglalalad ako papuntang canteen ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nangyari. Nakita ko ang pamumula ng mukha nya and I find it cute. Alam kong nagulat siya ng kinausap ko siya. At mas lalong nagulat ng tinawag ko siyang baby. Ang cute nyang tingnan nung bigla siyang tumakbo palabas ng room. Hindi ko lang nagustuhan ang paghawak niya sa kamay ni Kent. Kahit na ba alam kong mag bestfriend lang sila pero may kirot pa rin akong naramdaman sa puso ko. This is new to me. Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng nararamdaman ko ngayon. Siguro naaawa lang ako sa kanya.

Awa lang ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? Gutom lang siguro ako kaya kung ano ano na lang ang naiisip ko. Pero hindi mawaglit sa isip ko ang mapupula nyang mga labi na minsan ng humalik sa akin. Pagpasok ko sa canteen ay ipinilig ko na lang ang ulo ng sa ganun eh mawala na ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Kakain na lang ako ng marami di pa naman ako nakapag breakfast kanina dahil sa sobra kong excited na pumunta ng school. Pagkabili ko ng pagkain ay nagtungo na ako sa bakanteng mesa na nasa sulok ng canteen at sinimulan ko ng kumain.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng canteen ngunit di ko makita sina Sarah at Kent. Saan kaya sila nagpunta? Natutok ang mata ko sa mga estudyanteng pumasok sa canteen. Napabuntong hininga ako ng magtama ang paningin namin ni Andrew at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Pagkatapos nilang bumili ng lunch ay naglalakad sila papunta sa akin at inilapag sa mesa ang pagkain

"Tapos ka na palang kumain Lance. Hindi mo man lang kami hinintay." Ani Mike.

"Ang bagal nyo kasing kumilos nagugutom na ako. Di kasi ako nagbreakfast kanina dahil late na ako nagising." Maagap kong sagot.

"Saan ka nga pala nagpunta kahapon?" There something on the way Andrew looked at me. Para bang may gusto siyang itanong sa akin.

"What is it Andrew? I know your dying to ask me something."

"Saan ka nagpunta kahapon Lance?"

"Bakit interesado ka sa kung saan ako pumunta kahapon Andrew?"

"Just asking Lance. Hindi naman siguro mahirap sagutin ang tanong ko, di ba?" Napansin kong medyo naging uneasy ang mga kasama namin sa mesa. Napuno ng tensyon ang paligid namin.

Tinitigan ko siya sa mga mata nya. "Dinala ko sa ospital namin si Sarah para doon magamot." Rumehistro ang pagkagulat sa mukha ng mga kasama ko mesa. Napatiim bagang si Andrew.

"Bakit mo ginawa yun Lance? Bakit?" Hindi na nagawang itago ni Andrew ang pagkainis sa akin. Nakakuyom na rin ang mga kamao nya.

"Your asking me why Andrew? Ano sa tingin mo ang rason kung bakit ko siya dinala sa hospital?" Mahinahon kung tanong sa kanya.

"Ginagalit mo ba ako Lance? Hindi mo ba nakita ang ginawa ng pangit na yon sa girlfriend ko? Magkaibigan tayo so nararapat lang naman siguro na sa amin ka kumampi, di ba? But you choose to help that bitch." Malakas ang tinig ni Andrew kaya nakuha niya ang attention ng lahat ng mga kumakain sa canteen.

"Anong masama sa pagtulong ko sa kanya Andrew? As you can see she's also hurt. Besides, alam natin pareho na walang kasalanan si Sarah sa nangyari kahapon. I've been looking at her the whole time so kitang kita ko nang sinadyang patirin ng spoiled brat mong girlfriend ang paa ni Sarah." Mas lalong namula dahil sa galit si Andrew. Hinablot niya ang kwelyo ng uniform ko ng akmang aalis na ako. Marahas kong tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa kwelyo ko.

When Destiny Leads Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon