The Process

1 0 0
                                    


'Ayoko na, ayoko na talaga!"

Yan ang sinabi ko after ko makipag break sa boyfriend ko. Akala siguro niya tatanggapin ko pa rin siya after nang mga ginawa niya sakin. Mataas ang patience ko pero hindi to extent na masasaktan ko na ng todo ang sarili ko.

Nag-iiyak ako buong gabi, nasaktan ako pero nasip ko, hindi ko na siguro kawalan pa ang nangyari sa amin ng boyfriend ko. Minsan kasi kailangan na nating bumitaw sa taong ayaw na talaga sa atin, kasi tayo lang rin ang masasaktan sa huli.

Kinabukasan, hindi ako pumasok sa school, napuyat kasi ang mata ko sa kakaiyak at walang gana ang katawan ko para bumangon. Bigla nagvibrate ang phone ko.

"Nica is calling"

"Oh nic—"

"Ano na naman ba ang rason mo, ba't ka nag absent?" tanong nya

"Masama kasi pakiramdam ko nic, i-copy mo na lang ako ng notes please" sabi ko habang nakahiga pa rin.

"Ah ganun ba? Sige puntahan na lang kita dyan after class, itetext ko na lang si mommy para makapag paalam ako"

"Sige nic, thank you. Dala ka na rin foods hahaha" tinatawanan ko na lang ang sitwayon ko par di niya mahalata ang totoong rason ng pag absent ko.

"Ou sige na, palagi naman kasi. Pagaling ka na dyan. Bye."

In-end ko na ang call namin ni Nic, sure ako apagalitan na naman ako nun pagdating niya. Noon pa kasi, di na nya talaga bet ang boyfriend ko. Pero di ako sumunod sa mga sinabi niya sa akin hanggang sa nangyari na naman ito at nasaktan na naman ako. "Hay naku, move on na kasi Lorie"

--

3:40pm

Nakatulog pala ako, di ko na talaga namalayan ang oras sa kakatulog. Ganito ba talaga ang ma heart broken, walang gana sa lahat? Hapon na pala kailangan ko nang bumangon baka dumating si Nica makikita na naman niya akong ganito, ayoko na namang mastress yun.

(Door knocked)

Baka si Nica na yan, kailangan kong mag ayos.

Inayos ko ang sarili ko para magmukha akong tao pag nakita ako ni Nica, grabe talaga ang epekto pati mukha ko pumangit na haha parang naging maganda naman. Pinulot ko rin ang mga gamit na kinalat ko kagabi.

Binuksan ko agad ang pinto pagkatapos.

"Lorieee! Kamusta ka? Okay ka na ba?" (Nica hugged me)

"Hmm okay na naman ako, nakapag pahinga na rin" kalma kong sabi

"Ano ba kasing nangyari at nagkakaganyan ka? Hmm siguro nag away na naman kayo ng lalaki mo."

Ito na yung sinasabi ko eh, malalaman rin niya talaga ang totoo. Sasabihan ko na lang talaga to baka sakaling ma okay ako at mabalik ako sa normal.

"Kasi Nic, hmm hiniwalayan ko na si Jay"

Tumawa siya

"Nica naman oh, di ako nag jo-joke ha" anong nakakatuwa sa sinabi ko, na praning na siguro tong kaibigan ko.

"Kasi naman ine expect ko na ikaw na naman ang hiniwalayan niya, buti naman at natauhan ka na?" sabi ni Nica nang tumabi na siya sa akin.

Nang tumabi na siya bigla akong humagulhol sa iyak at niyakap ko siya ng sobrang higpit, nabigla si Nica sa ginawa ko.

Alam na alam niya na kailangan ko talaga ng makakausap ngayon, kaya pasalamat na rin ako na may kaibigan akong ganito. Dahil kahit may nagagawa na akong mali palagi pa rin siyang nandito para damayan ang mga kadramahan ko/

"Eh labs, ano ba kasing nangyari?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon