PINAHARUROT ni Enzo ang sasakyang Koenigssegg Competition Coupe X sa kalsada ng Maynila. It was the first time he ever drived so fast on the road. Sa iisang bagay niya lang namamaneho ng ganoon ang kanyang kotse. And that's when he and his cousins held a race.
"Shit," usal niya nang sumulyap sa kanyang wrist watch. Lalo niyang binilisan ang kanyang pagmamaneho. He will be totally late for his cousin's wedding. Ikakasal na ang pinsan niyang si Lynd sa nobya nitong si Shenise and Lynd will go hysterical if he'll be late. He is the best man and he thinks he'll be the worst kapag na-late siya ng kahit na isang minuto. Binalaan na siya ni Lynd.
Magda-dalawang taon na siya sa Maynila. Kasama niyang umuwi ang kanyang dalawang pinsan sa Pilipinas nang maka-graduate si Lynd. They are planning to put up businesses in the Philippines. At nauuna doon ang restaurant niya.
Culinary Arts ang tinapos niya noong kolehiyo siya. He had always adored cooking. Lingid sa kaalaman ng marami, magaling siya sa kusina. Ang buong akala lang kasi ng mga tao ay sa paglalaro lang siya ng babae magaling. Hindi alam ng mga ito na may ibubuga din naman siya sa ibang bagay.
He chose to be a chef because he has an undeniable interest in cooking and food. Bihira iyon sa isang lalaki pero gusto niya iyon. People sometimes think that it is less macho for a man cooking in the kitchen. Pero wala siyang pakialam. Nobody can mess with his interest.
Nang dumating siya sa simbahan ay nakita niyang tila hindi mapakali si Lynd na pabalik-balik sa paglalakad. Lihim siyang napangiti. Sigurado siyang umiinit na ang ulo nito.
"I'm here!" sigaw niya nang makababa sa kanyang kotse at patakbong pumunta sa harap ng simbahan.
"Shit 'Zo! You're still a sucker in being on time!" sermon sa kanya ni Lynd na halata ang inis.
He smiled. "Oh come on, Lynd. Pasensya ka na talaga. I'm just five minutes late. Don't ruin your day with that frown, smile." Nilakihan pa niya ang kanyang ngiti para lalong makubinsi ang pinsan.
Napatirik lang ito ng mata at saka naghanda na para sa pagsisimula ng seremonyas.
Bahagya siyang nagulat nang may humila sa kanya. "You are a bad man, Lorenzo," ani Tita Clara na inayos ang kanyang coat and tie tsaka ang kanyang buhok. Tita Clara is like their second mother.
Nginitian niya na lamang ito. "I'm sorry Tita. Napuyat ako eh."
"Hmm," tanging wika lang nito na may pagdududa sa boses.
Mahina na lamang siyang natawa. Sigurado siyang alam ni Tita Clara ang ibig niyang sabihin ng 'puyat'. And that would be his almost daily habits. Women.
Clearly, he is a playboy. From head to toe, the playboy physique defined him. Mula sa ayos ng buhok niya, sa estilo ng pananamit, sa mga matang nang-aakit at sa mga labing pinagpapatayan ng mga babae. Women would always swoon when they see him.
Nagsimula na ang kasal. The wedding was just a simple one. Mga malalapit lang din na tao ang dumalo. Pero hindi pumayag ang ina ni Lynd na hindi i-cover and kasal kaya may iilang mga kumukuha ng videos sa paligid.
The' bride looked exceptional in her white dress. Simple lang pero napalutang niyon ang kagandahan ni Shenise. It was the first time he thought Lynd was a lucky bastard.
When he sat in his designated place and the ceremony has started, he found himself bored and jaded. Hindi siya mahilig um-attend ng kung anu-anong selebrasyon na walang halong kasiyahan. And weddings were one of the things that he hated attending.
Nilingon niya si Ethan at nakita niya itong pumuporma na sa ibang bridesmaid na siyang kasamahan ni Shenise sa trabaho. But he was sure, Ethan was just playing. Ang mga simpleng babae ay hindi nito type. He was up to brats and socialites.
BINABASA MO ANG
Charm Me with Your Heart (published by PHR)
RomanceWritten: 2010 Published: 2010 by Precious Hearts Romances The Legardas Book 2 - Enzo's Story Enzo Legarda set out charms like consecutive bullet shots. Mapalad na ang babaeng hindi mahuhumaling sa kanya. If he would want a woman, he'd have her beggi...