1 vs. 1Nagsimula na ang laban. Nasa kanya ang bola at dinidribble nya. Nakatingin lang sya sakin. At sa hindi nya inaasahan. Nakuha ko ang bola.
(Tingin pa more!)
Tumawa ako habang dinidribble ko ang bola sabay shoot. Ayos pasok!
1-0
"Suko ka na ba?" Pagmamayabang ko.
"Anong suko?! Suko mo to. Di ako susuko no! Tyaka 1-0 palang kaya ko yan habulin"
"Hahaha okay!"Dinidribble ko ang bola, nakatingin lang sya sakin at chinechemopuhan nya kung pano nya kukunin yung bola sakin.
(MVP ata to ng school namin)
Ngumisi lang ako at bigla ko ng shinoot ang bola. Ayooos pasok na naman. Mukhang may libre na ata ako ah.
"Ano? Kaya mo pa? Hahaha!" Pang aasar ko.
"Sus easy lang yan. 2-0? Kaya pa yan!"Nasa kanya na ang bola. Dinidribble nya yung bola tinatry ko kunin kaso konting konti na lang mayayakap ko na sya, nasa likod nya kasi ako, isang galaw ko na lang baka may mahawakan ako sa kanya, bigla nya ako tinulak at tumakbo at ayun nashoot nya. Pasok.
2-1
"Okay! Okay!" Napahands up na lang ako at tumawa.
Tumingin lang sya at nagsmirk.
Patuloy ang laro!
Nasakin ang bola, pag dribble ko, bigla nya ako binunggo at kinuha yung bola. At nashoot na naman.
2-2
"Oh ano?! Last game na lang. Mukhang may libre ako ah"
"Akala mo lang yun. Hahaha" Pang aasar ko.Patuloy pa rin ang laro!
Last game na lang. Nasa kanya ang bola, dindribble nya na tas hinaharangan ko sya para di nya maishoot yung bola. Bigla nyang naisip na tumalon sabay shoot, bigla din ako tumalon para iblock ko yung bola. Biglang..
Oh shit..
Na out of balance ako. Bigla akong bumagsak sa ibabaw nya. Napahawak na lang ako sa likod, ano itsura namin? Ayun nakapatong sa kanya habang nakayakap. Natulala kami parehas. Siguro mga 1 mins or 2 kami nagkatitigan. Pero bigla syang umiwas sa tingin ko, bigla kong narining yung bola nagshoot sa ring.
"YES! NASHOOT YUNG BOLA! Pano ba yan?! 2-3 na!"
Bigla kaming umayos at tumayo. Buti na lang wala ng ibang tao sa court.
"OH ANO?! ASAN NA LIBRE? DAYA NITONG LALAKENG TO OH" Pagaapura nya habang nagpapagpag ng damit at ayos sa sarili at inayos nya din yung sumbrero nya.
"Oo na ito na!" Habang inaayos din ang sarili.
"Ayos! Bait talaga!" Tuwang tuwa habang sinasabi nya yan.
"Tsk" Napaiwas na lang ako ng tingin.Sabay na kami lumabas ng court.