Part 2

322 2 0
                                    



BASKETBALL

Malapit lang court samin, mga 40 na lakad hahaha. Nakita ko na walang tao sa court.

(Ano jak?! Basketball pa?)

Pumunta na ako sa loob ng court at buti na lang may nakita akong bola sa tabi ng ring. Sino kaya nakaiwan nun? Sige hiramin ko muna.

Pag kuha ko ng bola, di na ako nagdalawang isip na maglaro.

(Pero magisa ka lang jak!)

Sanay na ako magisa! Dejoke. Pag shoot ko ng bola. May bigla akong nakita naglalakad na babae. Uhh! Wait, icoconfirm ko lang kung babae to. Nakajersey tas nakawhite shirt na v-neck tas naka sumbrero pa. Tomboy ata to eh.

Tiningnan ko sya simula ulo hanggang paa. Habang dinidribble ko ang bola.

Bigla syang tumingin sakin at parang masama pa ata.

"Anong tinitingin tingin mo?" Masungit nyang pagkakasabi.
"Huh? Ako? Wala! Wala!" Umiwas na lang ako ng tingin at naglaro na lang.

Bigla ulit ako napatingin sa kanya. At nakita ko may nilabas syang bola sa bag nya.

(Maglalaro ba to?)

Sa hindi inaasahan, bigla na lang ako nagsalita.

"Ahh.. Maglalaro ka ba?"
"Obvious ba?" Pagtataray nya sakin.
"Ah okay! (Sungit nito nagtatanong lang!)"

Inismidan nya lang ako at tumayo na sya at kinuha na yung bola sa tabi nya. At nagdribble na.

Di na ako naglaro kasi feeling ko pag ginamit ko pa tong court, awayin pa ako nito. Sungit sungit. Maganda sana. Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak ko ang bola. Sya naman naglalaro. Magaling pala tong masungit na to ah.

Bigla kong naisip na umuwi na lang at matulog. Inaantok na rin ako eh. Paalis na ako ng court at iniwan na ang bola sa tabi.

"HOY!"

Napatingin ako kung saan man nanggaling yun. Nagulat ako nakatingin sakin yung babae.

"Ahh.. Ako ba tinatawag mo?" Sabay turo sa sarili.
"Hindi, hindi. Nanay mo tinatawag ko. Aakitin ko sana magbasketball kami baka kasi magaling sya"

Sungit naman this girl. Napakamot na lang ako sa ulo.

"Syempre joke lang diba?! Malamang ikaw, sino pa ba nandito kung hindi tayo lang dalawa diba?"

Sabi ko nga!

"Tara laro tayo!"
"Huh?" Pagtataka ko.
"Uulitin ko pa?" Pagsusungit na naman nya.
"Ah eh..."
"Ano?! Dali! Duwag pala to eh" Panghahamon nya sakin

Ako? Duwag? Nagpapakagentleman lang ako baka kung mapano pa to pag ako kalaban nya sa basketball. Syempre baka masiko ko sya o baka may mahawakan akong di ko inaasahan sabihan pa ako nitong manyak.

"Ano na!! Dalian mo!" Pagmamadali nya.
"Sige na nga!" Napakamot na lang ulit ako sa ulo.
"Ayooos! Tutal napapayag kita. Maglalaro tayo 1v1, kung sino matalo manglilibre"
"Deal! Libre lang pala eh"
"Tara!" Tumango lang sya at biglang ngumiti.

My Ideal GirlWhere stories live. Discover now