CALEIGH'S POV (Caelum Handler)
Oh my gosh!
From her aura, alam kong malakas na talaga si Klein but I didn't expect na ganito sya kagaling.
Sinabi nyang isa syang shadow manipulator pero sa ipinakita nya sa arena ay masasabi kong hindi lang iyon ang auxilium g mayroon sya.
At ngayon nga ay sasabihin na nya kung ano pa ang auxilium nya.
"I am the......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
secret. Walang clue."
Napasimangot ako sa tinuran nyang iyon. "Ang daya mo naman eh. Ano nga iyon?" pangungulit ko sa kanya.
"Tsaka ko na sasabihin sayo." nakangiti nyang sabi.
At mukhang desidido syang huwag munang ipaalam kaya hindi ko na sya pinilit pa. Ayoko namang makulitan sya sa akin at baka bawiin pa ang pagiging magkaibigan namin gayong kakakilala lang namin kanina.
By the way, I'm Caleigh Rain Locksoun, 17 years old and the Caelum handler or air power user at member ng Quae Tracto.
Matapos ang identification exam ay ipinaliwanag pa ni Rix ang ilang rules and regulations na mayroon ang school. Ipinakilala din nya ang ilan sa mga namamahala dito at matapos noon ay pinalabas na kami sa stadium.
"Klein, saan ang dorm mo?" tanong ko.
"Eh? Wait lang." May kinuha syang papel na nasa bulsa nya. "Element Heaven."
Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon. hinawakan ko pa sya sa dalawang balikat. "Sa Element Heaven ka talaga?"
Tumango naman sya. "Ito ang nakasulat eh. Tingnan mo." Iniabot pa nya ang papel sa akin.
Agad ko iyong kinuha at tiningnan.
"Eliezel Klein AleRhia
Element Heaven Dormitory
Class Z"
"Oh, 'di ba?"
Tinitigan ko sya. "Magsabi ka ng totoo. Hindi ka talaga shadow manipulator, noh?"
"Shadow manipulator nga ako pero special ability ko lang iyon. Ang main power ko ay hindi ko pa pwedeng sabihin pero mukhang alam mo na kung ano iyon." Hinawakan nya ang kamay ko. "Tara na. Alam kong doon din ang dorm mo." sabi nya sabay hila sa akin.
Kung pagbabasehan ko ang sinabi nya, then posibleng iyon talaga ang main power nya.
Aish!
Bahala nga sya kung ayaw nyang sabihin.
•••••••••••
Nang marating ang dorm namin, nandoon na sina Nathaniel at Shawn na pareho ding dito sa Elements Heaven tutuloy.
"Bakit kasama mo ang babaeng iyan dito?" tanong ni Keith.
"Dito ang dorm nya. Pinakita nya ang registration form nya." sabi ko.
"Eh? Hindi naman sya kabilang sa Quae Tracto, 'di ba?" singit ni Linus.
"Aba, malay namin. Basta dito sya pinadala." inis na sabi ko tsaka ako maglakad papasok ng dorm.
BINABASA MO ANG
2nd Dimension: ENRHIA (My Enchanted World)
FantasyNow, i welcome you all to this wonderful place.. A place that full of magics and mysteries.. A world who accepts for who and what i am.. . . . Welcome to EnrHia.. My Enchanted World.. Dimension Series #1