Chapter 8

1.8K 27 4
                                    

Just because libreng mag-sorry ay may karapatan ka nang manakit.

CHAPTER 8

The kiss made it official. Or was it the I love you? Kung ano man yun, ramdam kong nag-iba yung dynamics ng relationship namin. Dati kasi feeling ko hilaw na fishball, hindi na nga naprito, wala pang sauce. Pero ito kami ngayon matamis na, hot and spicy pa. Hindi ko alam kung may LSD ba yung laway nya o sadyang malandi lang pala talaga ako at ngayon ko lang nalaman pero walang araw na lumipas na di na kami naghahalikan.

"Bakit wala kang sinalihang org?" Tanong nya isang araw habang tumatambay kami sa favorite spot namin sa Sunken Garden. Uso ang orgs o organizations sa U.P. pero never akong nahumaling sumali.

"Hindi ko lang makita yung point kung para saan yun, feeling ko dagdag gawain lang." Sagot ko sa kanya.

"Okay lang ba sayong sumali ako sa isang org?" Bigla nyang tinanong at tumingin at sumimangot ako sa kanya.

"Oo naman. Kelan ba kita pinagbawalan?"

"Baka kasi pag sumali ako, may mga hapon na di na tayo magkakasama kasi may tambay hours akong kailangang i-fulfill." Sagot nya. Medyo di ko nagustuhan yung idea na di kami magkakasama araw-araw, nagkaroon ako ng separation anxiety issue bigla. Pero ayokong sabihin at ipaalam sa kanya -- ayokong magmukha akong clingy at lalong ayokong lalabas na masyado akong desperada para pagbawalan sya.

"Cool lang yun." Sabi ko. "Kung gusto mong sumali eh di sumali ka, okay lang sa akin at least magkakaroon ako ng mas mahabang time para mag-aral." I lied and unfortunately, he bought it. Akala ko ba supposedly nalalaman ng boyfriend mo kung anong iniisip mo? Hindi pa yata uso dito kay Ryan ang 'read between the lines.' Bulong ko sa sarili ko habang sumusubo ng fishballs.

"Bakit napakamaaral mo, Raya?" He asked. "Feeling ko tuloy ang sama kong estudyante kasi ako papetiks-petiks lang samantalang ikaw naman aral ng aral. Ako, natutuwa na sa dos na GWA ko last sem, ikaw naman hindi pa rin masaya sa University Scholar standing mo."

"Marami akong gusto at sa tingin ko pag nag-aral ako makukuha ko ang mga yun."

"Tulad ng?" He asked.

"Gusto kong makakuha ng scholarship sa labas ng bansa, gusto kong mag-travel, gusto kong makasalamuha ng iba't ibang tao at gusto kong maging isa sa pinakamahusay sa field na pinili ko."

"Ang lungkot naman." Sabi nya at napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Saan ako lulugar sa lahat ng mga plano mo?" He sighed. "Parang lahat sayo nakaplano, samantalang ako okay lang na pasado lang sa mga subjects ko."

"Syempre kasama ka naman." Sabi ko at todo ang pigil ko sa kilig ko. Nakakahiya naman kasing kiligin sa harap ng taong kinakakiligan mo. "Baka wala ka pa sa phase na yun, ako kasi na-propel maging mature kasi dalawa lang kami ni Kuya at kadalasan sya yung nag-aastang bunso. Samantalang ikaw, tatlo kayo at puro babae mga kapatid mo kaya siguro na-baby ka nila."

"Hindi naman. Para mo namang sinabing astang-bata ako."

"Wala namang masama kung mag-aastang bata ka." Sagot ko. "Teenager ka pa naman, kung trenta ka na pero astang-bata ka pa rin eh aba magpatingin ka na nun kasi di na yun normal." I quipped and he laughed before he grew serious. "Nasabi mo na ba sa Kuya mo yung tungkol sa atin?"

"Hindi pa." Sagot ko. "Kailangan ba talagang malaman ni Kuya na tayo?"

"Hindi naman. Pero hindi ka ba takot na malaman nya tapos magagalit sya sayo?"

"Paano naman nya malalaman eh wala nga syang oras para sa akin?"

"Ahh. Okay." He replied sighing.

Once Upon A Fishball [PUBLISHED by Bookware]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon