Uno

9 0 0
                                    


UNO

Nandito ako ngayon sa bookstore. May hinahanap kasi akong libro about sa programming. Pakiramdam ko kasi nangangalawang na ako dahil medyo nakakalimutan ko na yung mga dati kong napag aralan. Yep, 2nd year college na ako, taking the course of computer programming... Kaso, dahil halos isang buwan na din akong hindi nakakapasok ay medyo hindi na ako nakakasabay sa mga napag aaralan. Medyo nalulungkot ako kasi hindi ko naman masyadong magagamit etong course ko kasi malapit na din naman akong mamatay, pero anong sense ng pagiging malungkot at pagmumukmok sa isang tabi kaya eto ako ngayon self study.

Halos mapa aga pa ang pagkamatay ko sa kakahanap ng nakakalokong libro. Nasaan kasi ang librong yun? Imposibleng wala man lang sila ni isang module non dahil book store to. Magwawala na sana ako dahil kanina pa ako paikot ikot dito kakahanap ng pesteng libro nang mahagip ng mga mata ko ang isang shelve na nasa sulok. Lumapit ako sa shelve at habang papalapit ako ay unti unti ko ng nakikita ang hinahanap ko. Lumiwanag ang mukha ko ng tuluyan ko ng makita at makumpirma ang librong kanina ko pa hinahanap 'Turbo C++.' Sa wakas nakita din kita! Kaso ang problema ay kung paano ko kukunin ito. Anak ng! Ang ganitong kahalaga at kagandang libro ay ilalagay nila sa tuktok ng bookshelve? Samantalang ang mga walang kahala halaga at mga walang kwentang libro ay dinidisplay at binibida sa mga tao. Ang mga ganitong educational books ay hindi dapat itinatago kundi ipinapakita ang kahalagahan sa mundo. Balak ko sanang maghanap ng mag aasist sa akin kaso halos lahat ng pwedeng mag asist ay nawawala dahil may iba silang tinutulungan. Haiist! Mukhang kailangan ko talagang tulungan ang sarili ko.

Malapit na talaga akong maiyak. Hindi ko kasi talaga maabot yung libro. Bakit ba kasi nasa taas ang  librong yon? wala pang nag aasist, kanina pa ako pabalik balik humahanap ng paraan para makuha yung libro kaso wala talaga. Ito lang ang pinaka malapit na bookstore dito sa lugar namin kaya hindi pwedeng sayangin ko lang ng basta ang pagkakataong to. Hindi ganon kahaba ang pasensya ko pero pinipilit ko padin kasi wala namang mangyayaring maganda kapag yun lang ang lagi kong pinapairal.

Pilit ko pading inaabot yung libro sa taas ng shelf ng may isang kamay na hindi naman akin ang umabot at kumuha ng libro. Kamay palang alam ko ng lalaki ang kumuha non, malamang isa sa mga staff ng bookstore ang naawa na sa akin at nagkawang gawa na. Pakiramdam ko kumulay ang mundo ko ng may tumulong na sa aking kumuha ng libro. After the day when the doctor announced that I have a brain tumor which is malignant and cancerous, I came to the desicion that I should smile often. Para naman mabawas mabawasan ang bad vibes na dulot ng sakit ko.

Ngumiti ako ng malawak at masayang lumingon sa staff na tumulong sakin para magpasalamat. "Thank you--" sandali akong napahinto sa pagsasalita dahil pakiramdam ko ay bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Bigla nalang akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. I try to compose myself again para maitago ang gulat na nilikha ng lalaking nasa harap ko ngayon. "K-Kean?" puno ng aligaga kong tanong. Pambihira! Bakit nandito ang lalaking yan?

"Daniel?" takang tanong nya ng makita ang mukha ko. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko ng marinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko. Nagkaka High Blood Pressure nanaman ata ako.

"Daniella! Daniella hindi Daniel! Daniella.. Daniella..Daniella! o kung ayaw mo ng Daniella, STACEY!" gigil kong sabi sa kanya. Pakiramdam ko halos lahat ng tao na nandito sa bookstore ay nakatingin sa amin lalo na sa akin pero wala na akong pakialam, tuluyan na ata akong inaatake ng highblood at pasensyang kanina ko pa tinitimpi.

Yes, my name is Stacey Daniella Randalle. Tawag sa akin ni mama, papa at kuya ay Daniel kahit ayaw ko, tas nakikisali pa ang lalaking to e hindi ko naman sya kamag anak. Kaibigan kasi ni kuya ang kolokoy na to at dahil sanay na sanay si kuya sa pagtawag sa akin ng Daniel ay malamang na addopt niya ang pagtawag sa akin ng ganon. hmmp..gaya gaya. Alam naman nya na ayaw ko ng Daniel dahil tunog talagang lalaki pero wala syang pake basta yun ang tawag nya sa akin tapos.

"Ok..Ok.. Nagulat lang ako at nakita kita dito. Ano bang ginagawa mo dito Daniel?" napa ngiwi nanaman ako ng marinig kong tinawag nya ulit ako sa pangalang Daniel. Nakita nya ang reaksyon ko sa pagtawag nya sa pangalang yon pero para lang syang inosenteng bata na nagtataka at nagtatanong sa isip kung ano ang masamang ginawa nya.

Nandito kami ngayon sa park na malapit sa pinanggalingan kong bookstore. Bago pa ako mapikon ng sobra kanina ay kinuha ko na yung libro at binayaran sa cashier. Dahil naka sunod lang sya sa akin non ay pinabayaan ko nalang at sinabing pumunta muna kami sa coffee shop para bumili ng frappe. Pumayag sya at pagkatapos naming bumili ay inaya ko sya dito sa park para mas refreshing ang hangin.

"It's been 2 years. Long time no see Daniel.." pang babasag nya ng katahimikan. Eto nanaman sya sa Daniel nya, pakiramdam ko bumibigat nanaman ang pakiramdam ko. Kinalma ko ang sarili ko at sinabing ngumiti lang para masaya. Malay mo mapaaga ang pagkamatay ko, tas nasaktuhang pikon ang itsura ko edi ang pangit naman non.

"Yeah. Long time no see!" muling tumahik ang paligid. Wala naman kasi akong ibang sasabihin kaya bakit ako magsasalita. Pero sa palagay ko lang, siguro nga ang awkward ng wala ni isang nagsasalita sa amin. "Ahhm.... How's life?" nakita ko namang napatiim bagang sya sa tanong kong yon. Opps! wrong choice of words.

"Never good as my fvcked up dream." walang bahid ng ekspresyon nyang sabi. Haiist! sabi ko na nga ba mali yung sinabi ko at mukhang mali din ang pagkikita naming to. Well... kailan ba naging tama?
"So-sorry."

"Why are you saying sorry?" wala pading ekspresyon nyang sabi. Naiinis na ako, alam naman nyang short tempered ako tas sasabayan pa nya. Pagpapasensyahan ko na nga lang at baka masira pa yung mga plano ko. Nabasa ko kasi sa internet na para maging masaya ka, isang paraan ang pag ngiti sa araw araw, wala kang mapapala kapag nakabusangot ka at yaan pa ang papatay sayo.

"Walang patutunguhan ang usapang to, mabobobo lang tayo pareho. Ang mabuti pa, manahimik nalang tayong dalawa. Ahmm... may earphone ka ba? pahiram naman ako!" ngiting ngiti kong tanong sa kanya. Pakshet kasi yung earphones ko naiwan sa bahay, hilig ko pa naman makinig ng music.

"Wag ka ngang ngumiti! nakakairita ka kanina pa! bakit ka ba ngiti ng ngiti ha?" natigilan ako sa sinabi nya. Mukhang naiirita nga sya sa akin.

"Ahhm...Ano kasi Kean... ang totoo nyan.... mamamatay na ako." buong katotohanan kong sagot sa kanya habang hindi padin naalis ang ngiti sa labi ko. Muli nanaman kaming kinain ng katahimikan. Tiningnan ko lang si Kean talagang bakas ang pagkagulat sa mukha nya.

"Thats not a good joke--"

"But I'm not joking--"

"Damn it! Stop Joking!" galit na sigaw nya sa akin. Nagsisimula na akong matakot sa kanya. Naala ko nung huli nya akong sinigawan, umiyak ako.

"B-but I'm not--"

"Stop. It." panghahamon nya. huminga muna sya ng malalim bago ulit magsalita. "Bakit nagagawa mo pang ngumiti kung talagang mamatay ka na?" nagulat ako sa tanong nya. Mukhang malaki din ang problema nya sa ngiti ko. Medyo nalungkot ako pero hindi ko sya masisisi kung yun ang nararamdaman nya.

"Bakit? ano bang gusto mong maramdaman ko?" pagsisimula ko. Halatang nagulat nanaman sya sa sagot ko pero pinagpatuloy ko lang ang pagsasalita. "Kapag ba mamamatay na ako, kailangan ko ng umiyak at magmukmok? May isang tao na nakapag sabi sakin na... hindi magiging maganda kung pupunuin mo ang natitirang araw ng buhay mo sa pagmumukmok at pagsisisi sa Diyos ng nangyari sayo. Bagkus, gawin mo ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa pero gusto ng puso mo para naman bago ka mamatay, ay masasabi mong nagawa mo yung mga kailangan mong gawin... Hindi ba?"

"Ano bang nangyari sayo?" Shit happen Kean, Shit happen.

"Know what? I made a list, my life goals before I die. At first it was 60, but now, its down to 15!" pag iiba ko ng usapan. Hindi na sya sumagot pagkatapos non at maya maya pa ay nag offer na syang ihatid ako pauwi.

"No thankyou, Mang Gard is in the area. He'll bring me home." ngumiti ulit ako sakanya para sabihing okay lang.

"Pwede bang wag ka nalang ngumiti? Kahit kagaya nalang nung dati. Siguro kahit wag ka nalang magpakita ng emosyon. Okay lang sakin yon, wag ka nalang ngumiti." nakita ko ang pagkuyom ng kamao nya. Bakit ba nya sinasabi ang mga yan? Ano bang gusto nyang sabihin? "Hatid nalang kita kay Mang Gard." pagbabago nya sa usapan.

Pumayag nalang ako pero walang nagsalita sa amin hanggang makarating sa kotse kung saan nag hihintay si Mang Gard. Nakita ko ang gulat na ekspresyon ni Mang Gard ng makita kami ni Kean pero agad naman nyang binawi yon para pag buksan ako ng pintuan. Pumasok na ako sa loob at nagpaalam nadin at nagpasalamat kay Kean para sa paghahatid sakin. Nakita ko si Mang Gard na nakatingin sa akin mula sa rear view mirror. Halata sa mata nya ang malisya sa nakita nya kanina.

"Wag ka ngang ganyan Mang Gard. Tumingin ka sa daan at baka mabundol pa tayo." pagmamaktol ko. Napaka ususero talaga nito ni Mang Gard, ke lalaking tao hmmp!

"Ano po bang ginagawa ko Young Lady?" ako ba pinagti tripan nito ni Mang Gard? "Pero sige, bakit ho ba kayo magkasama ni Sir Kean kanina?"

"Nakasalubong ko lang sa bookstore!" pagdidipensa ko sa sarili. Eto nanaman si Mang Gard, pagti tripan nanaman ako.

"O ba't defensive ka?"

"Hindi ako defensive! Ang kulit mo kasi!"

"Wala namang masama kung magkikita kayo ng ex boyfriend mo sa bookstore hindi ba?"

"Mang Gard!!" umakyat ata lahat ng dugo ko sa mukha ko kasabay ng pagbigat ng loob ko. Napatingin nalang ako sa labas ng bintana habang si Mang Gard ay pinagtatawanan ako. Ang matandang to, walang magawa sa buhay kundi inisin ako.

Kean Franco. Classmate ko sya mula highschool, kaibigan ng kuya ko, at dating mag kaklase ang mga nanay namin. Lagi nya akong inaasar non, sa lahat ng bagay, even in my name, kung paano ako tawagin nila kuya.

And yes.... Kean Franco is my ex boyfriend.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

10 Days Before I DieWhere stories live. Discover now