Chapter 1

26K 408 28
                                    

NAPAMURA si Ethan nang marinig ang pagkalampag ng pinto sa kanyang condo unit. Para bang gusto nitong brengkahin ang kanyang pinto. As far as he was concerned, walang dumadalaw sa kanya sa kalagitnaan ng gabi.

Sinipat niya ng tingin ang table clock. "Shit! Eleven P.M.!" Muli niyang isinubsob ang mukha sa kanyang unan nang tumigil ang pagkatok.

He was tired and he lacked sleep. Nag-uumpisa pa lamang na tuluyang makatulog. Kakauwi niya lang mula sa isang late night meeting kasama ang architecht ng hardware na pinagpaplanuhan niyang itayo sa Laguna. Nitong mga nakaraang araw ay mag-isa siya dahil ang kanyang dalawang pinsan na sina Enzo at Lynd ay tila may mga sariling mundo kung saan banned siya. Both twerps were inlove.

Isang napakalakas na katok ang kanyang narinig na ikinabigla niya kaya nauntog siya sa headboard ng kama. "Dammit!" usal niya habang hawak ang bahaging nauntog bago tuluyang tumayo at tinungo ang pinto. "What the hell?! Do you know what time it is?" agad na asik niya bago binuksan ang pinto.

"Yes Nathaniel. It's time you get an attitude fix."

Agad siyang nagmulat ng mata. Tila natakot ang kanyang antok at bigla nalang nawala nang makilala ang boses. "M-mama! N-naparito po kayo?"

His mother's expression looked like the evil witch in Snow White's fairytale. Tumaas ang kilay nito. "Bakit Nathaniel? Hindi na ba ako pwedeng pumunta ng Pilipinas para kamustahin ka?" Pagkasabi no'y dire-diretso itong pumasok sa kanyang silid.

Ngumiwi siya bago napalo ang noo. That was an unusual happening. Kahit kailan ay hindi siya pinuntahan ng kanyang ina para lang kamustahin. His mother was too busy with work. At alam niyang hindi ito dumalaw para lang kamustahin siya.

His mother was one of the top earning business tycoons in the country. Nagsisimula na rin itong gumawa ng pangalan sa labas ng bansa kaya mas pinili nitong doon manirahan. She was into cosmetics and beauty products.

Hiwalay na ang kanyang mga magulang. Sampung taong gulang siya nang tuluyang maghiwalay ang mga ito. Minsan lang silang magkitang mag-ama. His father was running a series of travel agencies around the world kaya paikot-ikot ito sa mundo. He lived with his mother's family home pero malapit siya sa pamilya ng kanyang ama. His mother never deprived him from the love of the Legardas.

Napakamot siya ng batok nang makitang tila nandidiri ang ina sa lugar. "H-hindi naman sa gan'on 'Ma. Hindi lang talaga ako sanay na dumadalaw kayo. I missed you, 'Ma."

His mother glared at him. Kung mayroon siyang bagay na kinatatakutan, that would be Elena Legarda, his mom. "Oh stop this bullshit, Ethan. Bakit ka dito tumutuloy? Hindi ba't sinabi ko na sa mansyon ka titira?"

Naloko na, anang isip niya. Ang mansyon na tinutukoy ng ina ay ang ipinatayo ng kanyang Lolo Henrick para rito. Doon sila nakatira bago lumipad ng America. Siya, para mag-aral ng kolehiyo at ang kanyang ina para sa negosyo nito.

He took up Business Management. Pagkatapos ng iilang taong experience sa Amerika ay lumipad siya ng Pilipinas kasama ang kaniyang dalawang pinsan. They started some business in the Philippines. Bukod doon ay nakumbinsi niya rin ang ina na mag-invest sa car company ng pamilya ng kaibigang si Luke.

Magdadalawang taon na siya sa bansa. Halos kalahating taon lang siya tumira sa mansyon at naghanap din ng condo na matutuluyan. He can't last living in a house with maids watching his every move.

"Malayo kasi ang mansyon, 'Ma. It'll take some time to reach the heart of Manila kung araw-araw akong uuwi. So I decided to buy a condo unit. But I visit the mansion almost every day." It was a lie. Simula nang lumipat siya sa condo ay mabibilang lamang sa kamay kung ilang beses siyang dumalaw doon.

Heartless Romantic (as published by Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon