CHAPTER 7

4 1 0
                                    

Chapter 7: Start

Elle's POV

"As I was saying this past few weeks, our school is going to celebrate its 25th Foundation Week Anniversary. In other means, it will be a two-week no classes for the whole academy, due to the big and extra-special celebration of our school. With regards to this, I have decided that your mid-semester outputs will be connected with this..."

Ipinagpatuloy lang ni Ms. Cabrera ang pagdi-discuss sa output na gagawin namin for the school's foundation week, habang ako'y busy sa pagsusulat ng kung ano-ano sa notebook ko, dahil kanina pa ako inaantok.

Sino ba naman ang hindi aantukin matapos magyaya ni Jas ng isang buong araw na movie marathon at walang tayuan sa harap ng tv sa lounge room sa bahay. And taking note na wala siyang pakialam kung may pasok man kami o wala kinabukasan.

Oh man, why do I have such best friend like him?

Habang busy ako sa pagsusulat ng kung ano-ano sa notebook, lumingon sakin ang katabi ko sa kanan.

I saw it coming with my peripheral vision, since I am so busy with my stuff.

"Bes," pangungulit sa 'kin ni Cass.

"Hmmm?"

"Anong plano mo?"

"Saan?"

"Sa foundation week,"

Umiling lang ako sakanya at nagkibit-balikat sa sinabi niya.

Honestly, I really don't know what to do in that week. Bukod sa paggawa ng outputs for the mid-semester, wala na.

Bumalik na sa harapan ang tingin ni Cass, habang patuloy parin ako sa pagsusulat dito sa notebook ko.

Nagsimula ng magdiscuss si Ms. Cabrera sa kanyang lesson today, kaya wala akong ginawa kundi ang magsulat nalang ng mga sinusulat niya sa board.

Half day of classes went well, kaya ngayon, halos humiyaw sa tuwa ang mga kaklase ko sa pagri-ring ng bell, sign that it is already lunch break.

*KRIIIIIIING*

Tinigil ko ang pagsusulat sa notebook ko at isinara ito bago ko iangat ang ulo ko para tignan ang mga kaklase kong naguunahan sa paglabas sa room, na akala mo'y may feeding program sa labas at mauubusan sila ng pagkain.

Inaayos ko ang mga gamit ko para lumabas na rin nang marinig ko ang isang sigaw mula sa isang pamilyar na boses. "Ielle!"

Inangat ko ang ulo ko para tignan ang hinala ko. And yes, it's him, Jas.

It's almost a month na din simula nang mag-enroll siya dito sa SCA.

"Oh? What do you need?" Tanong ko sakanya habang naglalakad na ako palabas ng room.

"Wala naman. Yayayain lang kitang kumain. Na-miss ko lang kasi ang best friend ko."

Lumingon ako sakanya with my unbelievable face. "Really, Jas? Really?"

"Yes. Why? Mukha ba akong nagbibiro?" May halong pagtataka sa tono ng boses niya.

"Myghad Jas! Halos araw-araw ko nang nakikita ang mukha mo. Then na-miss mo ako?"

Medyo tumigil kaming dalawa sa paglalakad papuntang cafeteria. I roam around my sight only founding out that we are in front of the College building.

Hinarap ko ulit ang best friend ko na ang mukha ay hindi maipinta ngayon.

"Why Ielle? Hindi mo ba na-mimiss ang best friend mo?"

Wait. Am I dreaming, or did I just heard a sound of a pleading child from him?

Ang galing talaga magpa-awa effect nitong mokong na 'to.

"Jas, nakakasawa naman na kasi ang mukha mo. Halos sa bahay ka na nga matulog e. Ghad! Magsawa ka naman please."

I left him there and started to walk again to find my way to the cafeteria.

Maya-maya, naramdaman kong may braso na umakbay sa akin.

"Wala talaga akong laban sa kamalditahan mo Ielle," Napangisi ako ng palihim sa sinabi niya.

Malambing siya, mataray ako. Kaya ang ending, ayun, siya ang laging talo.

Pero hindi naman ako mataray ng todo. I just use that if I want to tease or piss some person, or self defense, maybe.

I do have my bubbly side too. Especially sa best friend ko.

Pagdating namin sa cafeteria, naghanap na kami ng upuan at umorder si Jas ng pagkain namin. He knows me too well kaya hindi na niya ako tinanong kung anong pagkain ang oorderin ko.

Pagbalik niya sa table namin, he has one two-deck tray na super daming laman ng pagkain. Pizza, fries, burger, pasta and more! Name it! Kaya mananaba ako kapag kasama ko siya e. Hindi niya talaga ako hinahayaang magutom.

Inilapag na niya ang tray na dala niya at nagsimula na kaming kumain.

"Ang dami naman nito Jas,"

Dinapuan niya ako ng tingin, at binalik ang tingin sa mga pagkain na kanyang inilalapag sa lamesa bago siya nagsalita.

"Konti lang kaya 'yan," Napalingon ako sa sinabi niya. Konti? Talaga lang ha. "Konti? Seryoso? Ang dami kaya. Sure ka ba na mauubos natin 'to?"

Itinabi na niya ang tray na pinaglagyan nung pagkain tyaka tumingin sa'kin ng nakangisi bago nagsalita.

"Sa'yo pa lang hindi na kasya 'yan e," natatawang sabi niya.

"Aba naman talaga Jas! Grabe ka sa'kin! Konti lang kaya ako kumain,"

"Talaga lang ha Ielle,"

"Talagang-talaga," ismid kong sabi sa kanya, tyaka kami nagsimulang kumain.

Habang nakain kami ay marami kaming napagusapan ni Jas. 'Yung mga nangyari sa kanya sa abroad, and kung anong pakiramdam ng mabuhay sa abroad.

Base sa mga kwento niya, siguro kung ako 'yung nasa kalagayan niya, mahihirapan ako magadjust. Lalo na sa edad niya nung umalis siya ng bansa.

Parang ang hirap para sa isang bata na ilayo siya sa lugar na kinalakihan niya.

Nang malapit na kaming matapos kumain ni Jas, ay may nabanggit siya sa'kin.

"Ielle, remember Trent? Kamusta na kaya siya," tanong niya sa'kin.

Trent? Sinong Trent? Sa pagkakaalam ko wala naman na akong ibang kababata bukod kay Jas.

"Ang tagal na nung huling beses ko siyang nakita," dagdag pa niya.

Baka naman kaibigan niya abroad, hindi niya lang nake-kwento sa'kin.

"Trent? Sinong Trent, Jas?" balik 'kong tanong sakanya.

Napalingon sa'kin si Jas ng may halong pagtataka. "Hindi mo kilala si Trent?"

"Huh? No," sabi ko sakanya. "Ngayon ko lang narinig 'yung pangalan na 'yan," dagdag ko pa.

Matagal akong tinitigan ng may pagatataka ni Jas. Para bang inaalisa niya na wala talaga akong kilalang 'Trent' na sinasabi niya. "Huy!"

Para namang bumalik sa katawang lupa niya ang kanyang isip na kanina pa ata naglalakbay habang nakatitig sa'kin, 'nung tinawag ko siya.

"H-ha?"

"Anong 'ha' Jas?" tanong ko sakanya. "Kanina ka pa nakatitig sa'kin pagkatapos 'kong sabihin na wala akong kilalang 'Trent',"

Para naman siyang natauhan sa sinabi ko at tumikhim muna bago nagsalita. "A-ah, oo nga, wala ka palang kilalang Trent,"

Tumango ako at saka nagsimulang ayusin ang mga gamit ko bago tumayo para pumunta sa next class ko.

"Tara na Jas, male-late na tayo," pag-aya ko sakanya.

Tumayo naman siya atyaka ako inakbayan bago kami sabay na naglakad para sa next class namin.

Strange FeelingsWhere stories live. Discover now