Promise. {Ongoing}

352 4 1
                                    

Lahat tayo, may kanya-kanyang nakaraan na gusto nating kalimutan, itapon o ibasura. 'Yung tipong, nasasaktan ka lang pag naaalala mo. Kahit na sabihin nating nagkaron ka ng kasiyahan sa taong 'yun, nasaktan ka pa rin niya. 'Yung gabi-gabi umiiyak ka kasi minahal mo yung taong yun. Katulad ko, may ka-m.u ako dati, dahil sa edad kong 'to, I'm not allowed to have a  boyfriend yet. Strict ang parents eh. He is Charles. Hearthrob. Gwapo. Mabait. Sinong hindi mai-inlove sa kanya right? Umamin ako sa kanya back then, tapos after nung confession ko sa kanya, bigla siyang nagbago sakin- in a good way. Araw-araw niya akong hinahatid sa classroom, laging tumatabi sa akin sa cafeteria, etc. Sabi sakin ng mga kaibigan ko, pag ang lalaki daw kasi, nalamang may gusto ka sa kanila, lalapitan ka nila, or worse, liligawan ka pa. Hindi ako naniwala dun, kasi malakas ang paninindigan ko na may gusto na talaga sakin si Charles back then, di niya lang siguro masabi. Pero lumipas ang mga araw, nanlamig siya sakin, hindi niya na ako pinapansin, wala na.

Ako nga pala si Yas. Yasmin Chua. 3rd year high school na sa pasukan. Lilipat ako ng school, due to my parent's work. Sanay naman na ako eh.

5:00 am - First Day of School

Tumunog na alarm clock ko. Gising na ako. Tumulala muna saglit, tapos kumain at naligo na rin. Sasabay kasi ako ni mommy eh. Pupunta rin siya dun sa bagong school. 

"Ano na nak, ready?" Sabi sakin ni mommy.

"Yes ma." Matumal kong sagot.

Mamimiss ko yung mga kaklase ko sa dati kong school. Hay nako. Baong pakikitungo na naman ang gagawin ko dito. Yun yung mahirap eh. Tss.

Nakadating na kami sa school. And yung school, sobrang laki. Natuwa ako, since mahilig akong maglibot and mapag-isa. Naghahanap na ako ng spot kung saan ako pwedeng tumambay.

Pumunta kami sa office. May kinausap si mommy, samantalang ako, manghang-mangha pa rin. May nakita akong kumpol ng mga students. Nakita ko 3rd year din sila.

"Nak, go make some friends na ha. Mom will be going to work." Sabi sakin ni mommy sabay halik sa noo.

 "Ok my, ingat ka po." Ang marahan kong sagot.

Bigla-bigla akong tumungo dun sa mga kumpol ng 3rd year. Bigla akong nilapitan ng isang magandang babae, nakangiti. Tatakbo to ng president sa student council malamang. Pero maganda siya, tsaka mukha siyang approachable.

"Hi! Transferee ka no?" Sabi niya, bago pa man ako may maisagot, may dinugtong na agad siya. "I'm Ashley, and you are?"

"Yas."

Bigla siyang tumalikod, sabay taas ng kamay dun sa mga ibang kaklase namin.

"Hey you guys! We have a pretty transferee right here oh!" Bigla niyang sigaw. 

Na flatter naman ako dun, pretty daw. Hehehe. Pero feeling ko pinapain niya ako, parang sila yung mga isda tapos ako yung bait. HAHHAA. Oh well, papel.

Binibigay nila yung kamay nila sakin para makipag-kamay. Tapos biglang may sumingit.

"Hi, I'm Tim." 

Biglang huminto yung tibok ng puso ko.

Promise. {Ongoing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon