Ang gwapo niya. Sobra. Yung mata niya, maga-gwapuhan ka talaga. Maputi, matangkad. Lahat na ata ng hinahanap ko sa isang lalaki nasa kanya na.
"Hello, I'm... Yas." Nangangatal kong sagot.
At biglang nag-bell. Pumunta na kami sa classroom namin. And, ang laki nang classroom compared sa dati kong school. And tyempo ako, dun pa mismo sa tapat ng aircon. Malamigggg. Brrr~
Nagpakilala ang isa't isa. Isa lang natatandaan ko eh, yung tumatak sa isip ko. Si Terence. Bad boy eh. Parang walang pakialam sa mundo. Ayoko nang ganung lalaki. Siguro kaya tumatak siya sa isip ko kasi natatakot ako sa kanya. Sigang-siga eh.
Oh well, si Tim. Hay nakoo. Ang gwapo talaga.
Lumipas ang mga araw, tumatabi sa'kin si Terence. Leche. Hindi ko siya ka-close. Ayoko sa kanya eh. Bad boy kasi. Tapos super siga pa, parang walang ganang mag-aral. Jusko.
"Ba't ka tumatabi sakin Terence?" Badtrip kong tanong.
"Malamig dito eh, bakit ba." Pasigaw niyang sagot.
Hay leche. Ayoko talaga ng ganyang ugali. Tila papatayin ka eh. Nakakaasar. Di ako makakwento ng maayos kasi nandyan siya. Tae siya.
Lumipas ang mga buwan, at tumatabi pa rin sain si Terence. Hanggang nung second quarter na, sinabi ng teacher namin na magtabi na nga lang daw kami dahil laging wala siya sa assigned seat niya. Great. Ngayon stuck na ako sa kanya.
Pero sa totoo lang, hindi naman talaga siya ganun kasamang ugali. Mabait siya. Masayahin. Gentleman.
"Yas, kayo na ba ni Terence?" Tanong ni ashley.
"Huy, hindi ah. Pano mo nasabi?" Natatawa kong sagot.
"Wala lang, kasi lagi ko kayong nakikitang mag-kausap at magkatabi. Alam mo, sa tingin ko may gusto sayo si Terence, kasi never siyang naging ganyan sa isang babae eh." Sabi niya.
"Ikaw talaga, hindi no. We're just friends, and hindi pa rin ako nakaka-getover kay Charles. Mahal ko pa rin siya." Nakwento ko na kay Ashley na nagkaron nga ako ng ka-mu. Si Charles nga. Mahal ko pa rin yun.
Prom. Feb 25.
Nakasuot ako ng dark blue na dress. Simple lang. Tapos naka half-ponytail ako.
Ang boring ng prom promise. Bla bla bla here, bla bla bla there. Yun na nga, binigay yung mga awards, best dressed, queen of the night, face of the night, achuchuchu.
"Ladies and gentlemen, please enjoy the night." Sabi nung host.
Gusto kong first dance si Tim. Since siya yung naging crush ko dito. Kaso, may inaya na siyang first dance eh. Ako lang naiwan sa table. Mukha akong adik. Lahat ng kaibigan ko may kasayaw na, ako nalang wala. Pero dapat nagbibigay ng flowers yung boys pag first dance, mga walang kwenta talaga tong mga boys na to.
"Yas."
Napatingin ako sa likod ko. Si Terence. Naka red na suit. Black pants and necktie. May hawak siyang rose. Tapos inaabot niya yung kamay niya sakin.
Syempre, bawal tumanggi, tsaka naging friend ko na rin naman si Terence eh.
Ngumiti ako. Tapos hinawakan yung kamay niya at nagsayaw kami. Marry your Daughter yung song. Natawa lang ako. Kinakanta kasi sakin ni Charles yun. Tumingin ako sa kanya. Maganda rin pala mata niya eh. Kaso, hindi siya tumitingin sa'kin.
"Huy!" Sabi ko.
Tumingin lang siya sakin tapos ngumiti. Malandi talaga to si Terence.
Tapos second dance ko si Tim. Ok lang, basta nasayaw niya ako. Tapos madami ring nagsayaw sakin, from different levels eh.
Magtatapos na yung sayawan, hinihintay ko yung last dance ko. Sino kaya? Gusto kong maging last dance si Tim.
"Yas."
Tumingin ako sa likod. Si terence ulit. Ang kulit talaga nito. Hahahha. Wala kaming pinag-u-usapan pag nagsasayaw kami, nakatingin lang ako sa kanya. Tapos siya pasul-yap-sulyap na nakangiti. Enebenenmenyen. Ang awkward tuloy.
After prom... sa house.
Ka-chat ko si Tim.
Tim: Huy, yas. May ke-kwento ako sayo.
Me: Bakit ano yun
Tim: wag mo sasabihin kahit kanino ah
Me: uu ge
Tim: kagabi, sinayaw ni terence si ashley
Me: oh
(Expected ko na talaga na may gusto si Terence kay Ashley. Sino ba namang hindi mai-inlove kay Ashley sa ganda niya?)
Tim: tinanong ni ashley si terence kung may gusto daw si terence sayo.
Me: nako wag mo nga ako pinaglololoko
Tim: di, seryoso ako, alam mo sagot niya?
Me: ayoko malaman dre
Tim:" wala naman akong pag-asa dun eh." sagot ni terence.
"Wala naman akong pag-asa dun eh." Ibig sabihin... may gusto sa'kin si Terence?