REUNITED: PART TWO
5:15 am
*MITSUO'S POV*
ILAW LAMANG mula sa poste ang nagbibigay liwanag sa kalsada na tinatahak ni Mitsuo patungo sa kanilang dating paaralan. Bukod sa halos pumutok niya ng back pack dahil sa dami ng laman nito, may bitbit din siya na mga pagkain na binili niya sa palengke bago magtungo sa kanilang 'meeting place.' Napansin niya agad ang dalawang nakatayo sa tapat ng kaniyang dating paaralan, batid niya na kasamahan niya ito kung kaya't binilisan niya ang paglakad. Unti-unti niya ng naaaninag ang pagmumukha ng dalawa at hindi nakalampas ang ngiti sa kaniyang labi ng makilala niya ang isa rito ito.
"Oh si Mitsuo lang pala, akala ko naman kung sino na yung tumatakbo." –ani ng babae na may buhok na hanggang balikat ang haba na naka tokong na shorts.
"Jo-Jodie! Mas lalo kang tumo-tomboy ah! "– utas ni Mitsuo matapos tingnan ito mula ulo hanggang paa. Tinarayan lamang siya nito.
Napadako naman ang kaniyang tingin sa isa pa nilang kasama na naka jacket at leggings na naka-bun ang buhok at hindi man lang nagtapon ng tingin sa kaniya dahil nakapako ang dalawa nitong mata sa kaniyang cellphone.
"Te-teka.." – inikutan ni Mitsuo ang babae kung kaya't napahinto ito sa pagpipindot ng kaniyang cellphone at tinapunan niya ng masamang tingin ang lalaki. Nabitawan nito ang dala-dala niyang plastic na naglalaman ng pagkain at napanganga matapos makilala ang babaeng kaharap niya.
"ASHLEY IKAW BA YAN?!" bakas sa kaniyang boses ang pagkagulat. Medyo napayuko naman si Ashley sa inasta ng dati niyang kaklase.
"Kahit kami rin nung una hindi naming agad nakilala si Ashley dahil hindi na siya nakasuot ng salamin na makapal ang frame." – ani ng may malalim na boses na nagmula sa kanilang likuran. Nakasukbit sa gawing kanang balikat nito ang shoulder bag at buhat-buhat niya naman sa kaliwang kamay ang isang supot na naglalaman ng mga isda.
"Kaya ayoko mamili sa palengke eh ang dulas dulas muntikan na talaga ako kanina! Dapat di na talaga ako sumama sa inyo at nag stay na lang dito eh!" – pag-angal ng isang babae na pamilyar ang boses sa kaniya.
"Oh ibaba niyo muna yung mga pinamili natin mukhang matagal pa tayong maghihintay sa mga kasama natin. Hayss"
Napalingon naman si Mitsuo sa likuran niya at sumalubong sa kaniya ang may matipunong katawan na bumagay sa kaniyang 6 feet na height. Sa gawing kanan naman ay ang isang matabang lalaki na nawala ang ngiti matapos magsalubong ang kanilang mga mata. Hindi naman maalis ang ngiti sa mukha ng babaeng sobrang puti na naka shorts na ang maikli na animo'y 'proud' na ipaglandakan ang mahahaba nitong legs.
"Ka..kayo pala yan Chad, Yumi..Genta.."
"OMG Mitsuo na miss kitaaa!" – tumakbo si Yumi papunta sa kinaroroonan ni Mitsuo at niyakakap siya ng babae. Sandaling nagtama ang mga mata ni Genta at Mitsuo ngunit agad naman nag-iwas ng tingin ang isa't isa.
"Ahh guys tawagan ko lang yung iba pang wala- " -kinuwa niya sa kaniyang bulsa ang cellphone niya at medyo lumayo sa mga kasama bago mag umpisang mag 'dial' sa 'phone.'
"Dati binu-bully lang kita tapos ngayon sikat na news caster ka na!" – kumawala na ito sa pagkakayakap at hinampas ng mahina sa braso ang kaniyang kausap.
"Jusko naman Yumi wala na ibang i-iikli yang suot mong shorts!" – pagpuputol ni Jodie sa usapan ng dalawa.
"Ewan ko sayo hater talaga kita eh noh!" – tinaas niya pa ang suot niyang shorts upang asarin pa si Jodie.
BINABASA MO ANG
A Week in the Villa
Mystery / ThrillerWalang sinuman sa mga dating estudyante ni Ginang Juanita Maxwell, maging siya na ang inaasahang "masaya" nilang "reunion" ay mauuwi sa unti-unti nilang pagkakamatay mula sa kamay ng hindi matukoy na "Serial killer" sa kanila. Bilang dating Guro...