Ilang oras din ako nakatitig sa kawalan bago makapagsulat nit...Oh! What a surprise nandiyan ka pala. Mabuti naman at nagbabasa ka ng ganito. Pero teka, baka isa ka dun sa mahilig sa love story and stuff sa wattpad. Yung mga jonaxx tapos yung cinecelebrate yung birthday ng fictional character. If you are one of them then this is not for you. It is such a bummer. Simulan mo na pindutin yung arrow pabalik bago pa mahuli ang lahat *laughs* kasi eto sisimulan ko na. Welcome to your tape, ay hindi pala. Welcome my friend, you are exactly at the right place and at the right time for such nonsense.
Mabuti naman may natira pa na motivation sa'yo para magbasa at sayangin ang oras habang nakatitig diyan sa teknolohiya mo na may napakaliwanag na screen. Babaan mo naman yung brightness baka magising nanay mo tapos sigawan ka kase anong oras na di ka pa natutulog. Para din ito sayo bes.
Nagsimula ang lahat no...Tss...Akala mo talaga may simula eh. Pero seryoso di ko naman talaga alam dahilan ng mga nangyayari sa buhay ko basta whatever happens, happens. Malay ba natin kung meron ba talagang dahilan sa mga nangyayari sa atin o pati nasa naiisip natin. Baka meron pero di lang natin alam or it is beyond our comprehension. It can also be that we are just finding meaning in a meaningless world. Pero sigurado naman ako sa isang bagay ngayon sa punto ng buhay ko na ito. Baka nga ganito ka din nagkukunwari ka lang. Nakasisigurado ako na hindi ako sigurado. Ang gulo diba, masakit sa ulo pero oo, I am certainly uncertain. Isipin mo na lang yung sasakyan na matik tapos manual din. Yun semi-automatic. Di alam kung saan lulugar.
Sobrang inggit ako sa mga tao na malinaw landas nila sa buhay. Yung alam na nila kung ano gusto nila. What work (in what way they will sell their labor 😂). Yung mga tao na bigla nalang magiging motivational speaker kapag tinanong ng sometjing na gusto niya mangyari or magkaroon sa buhay niya. Kitang kita ko na passionate sila sa mga bagay na gusto nila at may plano na talaga sila. Well ako, I'm just a potato who doesn't know kung mahalaga ba talaga ako sa mundo or mahalaga ba ginagawa ko.
Napansin ko lang na kaya tayo nasasaktan kase we holdeaning onto things kaya kapag yung mga meaning na yun nabali, masasaktan tayo. Kaya for me no expectations=no disappointments. Pero eto ha pano ko ba nasabi na hindi ako significant or what-not? Kung titingnan mo kase kung gaano kalaki ang universe(considering that there can also be alternate universes)ay ganoon tayo kaliit. Isang bola ng lupa na may liquid water sa ibabaw. Para itong horror pero hindi lamang nananakot gamit ang mga multo, halimaw o mga espiritu kundi ang katotohanan mismo. Cosmic horror na nagiiwan ng mga tanong na. What there are no humans in the universe? Ano mangyayari? May mawawasak ba o uunlad ba ang kalawakan. Gaganda ba ang planeta na ito. Obviously the answer is that the universe can go on without us. Sorry to sound pessimistic pero sa sobrang lawak ng universe at sobrang liit natin, we were rendered nothing. Nothing but a speck of dust.
Okay, i got bored sa susunod uli na pagkikita. Sana may matutunan ka. Hindi mula sakin kundi sa mga ideya at mga argument. Stay Philosopizing.
BINABASA MO ANG
"Kaw Bahala"
Short StoryA reflection of various contexts created upon a mumbo jumbo of thoughts in a brain of an earthling that wields a very innovative piece of technology which happens to have the capability to render electricity as written text.