Leave Your Lover

261 18 44
                                    

Leave your Lover
QuiteWriter

Loving someone secretly is suicide. Loving your best friend is like dying while you're still awake. But loving someone that is forbidden is just plain stupidity. But what can I say, I fell in love with someone that is not worth loving.

Sabi nila masasaktan lang ako kapag mas nagustuhan ko na si Lance. Ewan ko ba kung sang lupalop galing yang sinasabi nilang lovebug na yan at ako pa talaga ang nataman. Ito namang si Kupido, dun pa talaga sa best friend ko.

"Yanna! Wait lang girl, naka high heels ako!" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses n'ya. Yung parang ipis n'yang boses na sa sobrang pagpilit niya sa pag-ipit dito ay para na s'yang dagang pinapatay kung papakinggan.

"Luh, grabe ka girl. Dedma ang beautilalo ng lola mo?" hindi ko maiwasang hindi pagpawisan ng malamig na pawis. Paano ba kasi ako nasundan ng taong 'to.

Huminga ka Yanna. Inhale, exhale, inhale, exhale. Yan, kalma walang mawawala, hindi niya alam okay?

"Huh? Ah sorry Lance, tumawag kasi si mama kanina na umuwi daw kaagad ako." palusot ko rito. Pinagpapawisan na ang mga kamay ko.

Tumaas ng kilay n'ya at kumunot ang noo niya. Baka na buking ako nito.

"Anong Lance ka dyan. It's Lanie nga diba? Ang baduy naman nun Yanna eh." pagpro-prostesta n'ya. Hay, akala ko nabuking na niya ako.

"Pero, mauna na ako Lanie huh?" tumango naman siya at umalis na ako dun. Baka paghinalaan pa n'ya ako sa kinikilos ko.

At you heard it right, yes I fell in love with a gay. Weird? Oo, pero hindi naman ako magkakagusto nalang sa kanya ng wala lang dahilan. Hindi ako bisexual, pero nagustuhan ko s'ya. Kalokohan diba?

Pero sabi nga nila, hindi batayan ang love sa itsura at hindi din ito batayan sa kung ano ang isang tao, minsan magigising ka nalang at mahal mo ang taong yun.

Nagsimula ang pagkagusto ko sa baklang yun nung lumipat kami dito sa Batangas, dito kasi inassign si Papa sa trabaho n'ya kaya kailangan naming umalis sa dating tirahan namin.

Okay lang naman ang lugar, tahimik at mababait ang mga tao. Ilang buwan na din kami nun nang pinapasok na ako ni Mama at Papa at isang paaralan dito.

Nung una, binubully ako. Hindi ako nakakakain sa canteen kasi natatakot ako na baka saktan nila ako. Pinagti-tripan din nila ako habang wala pa ang teacher namin.

Ganun yung buhay ko nung nasa paaralan pa ako, pero nung nakilala ko si Lance nag-iba na lahat yun.

Mayaman kasi sina Lance kaya isa ang pamilya nila sa nagspo-sponsore sa school na yun. At maswerte naman ang isang Yanna na makakilala ng mayaman, gwapo at mabait na kaibigan.
Noon kasi hindi pa siya ganun ka expose at sure na bakla ba s'ya o hindi. Oo kumekembot at minsan ay napapasigaw siya nang, "Ayyy!" pero para sa amin ay wala lang yun. Bata pa kasi kami nun nasa Grade 4 palang.

Para sa akin nun, siya ang knight ang shining armor ko at ako ang damsel in distress. Kagaya nung mga nasa story book, kasi s'ya yung palaging nagtatanggol sa akin. At kapag wala akong kalaro ay pinahihiram n'ya sa akin yung mga mamahalin niyang laruan at sabay kaming naglalaro. Medyo masasabi mong cool kid ako noon.

Pero habang lumipas ang panahon at mas nalaman na si Lance kung sino s'ya ay dun ko nalaman na hindi pala storybook ang buhay.

Nung nasa highschool na kami panay ang iyak ko nun kasi nung mga panahong yun ay nawawalan na ng oras si Lance sa akin. Hindi nga naman ako palagi ang sentro ng atensyon.

Leave your Lover [short story]Where stories live. Discover now