Chapter 3, Litong-lito

969 27 0
                                    

Kumakain ako mag-isa sa canteen nang biglang dumating si Third na magisa lang. Saan kaya yung so-called-friends niya? Tsk. Nandito lang para manggulo.


Bigla nalang akong nagulat nang umupo siya sa tabi ko sabay nagsialisan lahat ng tao sa canteen. Matatakot din ba ako? Tumigil ako sa kain ko at tumingin sa kanya at nagaalala na baka guluhin na naman niya ako.


''Kain ka lang. Wala naman akong gagawin na masama sayo eh.'' Sabi ni Third na kalmado lang kaya kumain ulit ako at nagtaka.


Kinukuha ko sana yung Ketchup sa kabilang table kaso hindi ko maabot at tatayo na sana ako para kunin iyon, pero pinigilan niya ako sa kinuha niya iyon para sa akin.


''Nagbait-baitan ba siya? Bakit sobrang bait niya saakin? May ginawa ba akong tama para maging mabait siya saakin? Pero okay lang saakin yung attitude niya. Sana palaging ganto nalang.''  Sabi ko sa isip ko.


Kinuha ni Third yung Ketchup at linagay sa pagkain ko ng maayos hindi mababoy, nakangiti at nakatitig siya saakin habang naglalagay ng ketchup sa pagkain ko. Nakakatakot naman-- charot! Hays, sana talaga palagi siyang ganito sa akin.


Kumain ulet ako ng isang subo pero napansin ko na tinititigan ulet ako ni Third at tinignan ko siya ng mabilis.


Nawala yung ngiti nya sa mukha niya at biglang tumingin sa side niya.


Habang kumakain, biglang dumating yung tatlong ibang bullies at napatingin kaming dalawa ni Third sa kanila.


Nagulat si Third at parang hindi alam yung gagawin kaya
tumayo si siya na nagku-kunwari na galit sa akin. Napakunot ako ng noo.


Biglang kinuha ni Third yung ketchup at linagay niya ng ketchup ng sobrang dami yung pagkain ko. Nagulat naman ako at nagalit ulit.


Yung mga iba tumawa lang at tinulak yung drink ko at nahulog.  Umalis yung bullies papunta sa taas kasama si Third habang tumatawa. Tinitignan ko sila habang galit.


Napahinto si Third sa hagdanan at hindi ko alam kung bakit. Bigla akong nagtaka ng sobra.


Bakit ganun si Third? Kapag kaming dalawa lang at wala mga kaibigan niya, mabait siya. Pero kapag nandyan naman, galit siya sa akin. Ano ba talaga ang gusto niyang ipakita sa akin? Nalilito na ako!

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon