Habang naglalakad ako, Napahinto si Third sa harap ng daan ko. Nakita ko naman na sinasakayan niya yung bike ko. Tinignan ko yung gulong at ayos na ayos na talaga.
Napangiti bigla ako ng malaki pero nakalimutan ko na nandito si Third kaya nawala yung ngiti ko.
''Salamat.'' Sabi ko ng nakasimangot at sumakay agad sa bike ko. Aalis na sana ako kaso hinila ni Third yung likod ng bike ko kaya napahinto ako.
''Ano?'' Sabi ko ng walang reaksiyon.
''Pwede bang sumakay?'' Sabi ni Third at biglang napangiti ako.
****************************************
Nasa likod ko na si Third sa bike ko habang nakaharap sa likod. Bigla kong naramdaman na pinatong niya yung ulo niya sa likod ko at hindi ko alam kung baki pero napangiti ako.
Habang nag bi-bike ako, Umalis si Third sa likod ko at tinigilan ko yung bike ko. Napalingon ako kay Third. Napansin ko naman na si Third tumitingin sa mga kaibigan niya na nagba-basketball sa court.
Tinignan ako ni Third at tinignan ko din siya.
''Ayos lang, punta ka na sa kanila.'' Sabi ko habang ngumingiti.
"Salamat, Sarina."
Bigla akong nagulat nang sinabi niya yung pangalan ko.
Tumango lang ako at umalis na siya papunta sa mga kaibigan niya. Napabuntong-hininga lang ako at nag bike palayo magisa.

BINABASA MO ANG
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠
RomanceImposible kayang mahulog ang isang sikat na heart throb campus sa isang simpleng nerd na inaayawan ng lahat? O 'di kaya'y sa ipinapakita ng isang heart throb ay pwedeng gawing posible and lahat sa kapalaran ng pag-ibig?