JoPay: A Happy Ever After

2.3K 35 9
                                    

Hi guys, fan din ako ni OwwSIC at ng Diary ni Pipay. Medyo hindi ako satisfied sa ending pero sino ba naman ako para kontrahin ang Author na pogi diba? Nakakalungkot lang na kung anong kinasaya ng buong Story mula Book 1, ay ganun din kalungkot ang ending. Ilang beses kong binasa at inulit ulit yung Story, hoping na baka nagkamali lang ako ng basa at hindi namatay si Josh Ko. Oo, feelingera ako, feeling ko ako si Pipay na may mabahong pempem. Hahahaha! Ayun, sana suportahan nyo to kahit one shot at fan made lang, para to sa mga may gustong ibalik ang kaligayahan ni Pipay natin hehehe. Enjoy reading. :)



------------------------------------------------------


Dear Diary,

Diary, namiss kita, ano? Hindi mo ako namiss? Gusto mo bang ipahid kita sa pempem ko? Kanina Diary galing si Josh dito sa amin.

"Pipay Ko!" sigaw nya ng makita akong lumalabas mula sa bahay namin.

"Josh Ko! Napadaan ka, namiss mo nanaman ang pretty kong face no? Hihihi" sabi ko naman sakanya.

"Syempre naman Pipay, Tara alis tayo." nakangiti nyang sabi sakin Diary.

Syempre agad akong sumama sakanya at sumakay sa motor nya. Nakayakap lang ako ng mahigpit sa taong mahal na mahal ko. Hindi ako nakapaniwalang may nagmamahal saakin ng ganito Diary. Si Josh ang patunay na love is Blind talaga. Pumunta kami sa plaza kung saan kami madalas mag date. Naalala ko tuloy ng unang beses na nag celebrate kami ng monthsary, dito sa Plaza, nakakatawa kasi nahuli pa kami ni Prince na ngayon ay humaling na humaling na abs ng ating Fafa Mong Diary. Malandi din talaga ang kaluluwa ni Prince at selos na selos tuwing nilalapitan ako ni Monjie, pero syempre ako ay loyal sa Josh Ko.

"Pipay, nasabi ko na bang mahal na mahal na mahal kita?" sabi nya saakin at agad naman akong namula ay Okay nangitin sige na.

"hihihi oo Josh Ko, bakit" with matching pretty eyes pa yan diary.

"eh nasabi ko na bang ang ganda ganda mo?" banat nya ulit. .

"Oo naman Josh Ko, diba ako ang pinaka maganda hihihi" sabi ko naman at kinurot ng bahagya ang pisngi nya.

"eh nasabi ko na bang..." binitin nya ako diary kaasar to si Josh.

"na ano Josh Ko?" tanong ko sakanya.

"na ang baho ng hininga mo" at bigla syang tumawa. Nakakainis Tong lalaking to. Bigla ko syang binatukan.

"Pipay naman hindi mabiro. Kahit mabaho yang hininga mo ikaw lang ang gusto kong halikan" sabi nya at agad akong hinalikan sa labi.

"kilig naman ako, si pempem din Kiss mo, sige ka baka magtampo to" pang aasar ko sakanya.

"ew, ayoko nga, kalokohan mo talaga Pipay" sabay irap nya saakin.

Buong maghapon ng araw na iyon ay puro lang kami tawanan at kuwentuhan. Napag-usapan din namin ang mga plano namin pagkatapos namin ng College at kung saan namin gustong ikasal.

"Josh Ko, gusto ko sa malaking simbahan tayo ikasal ha." sabi ko sakanya sabay pout.

"Oo Pipay, kahit saan mo gustong magpakasal, dun tayo. Kahit sa ibang planeta pa yan." sabi nya sakin at ngumiti.

Ang gwapo gwapo ng Josh Ko kapag nakangiti, Diary. Hindi ko ma imagine na mawawala saakin ang lalaking yan. Hindi ko kakayanin. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya nang bigla nya akong hilahin para sa isang mahigpit na yakap. Agad namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko Diary. Pakiramdam ko ay mawawala si Josh saakin. Ang higpit ng pagkaka yakap nya saakin.

"Sana hindi na matapos ang oras na to, Pipay. Ayoko nang kumawala sa mga yakap na to." sabi nya saakin. Nanginginig ang boses ni Josh at parang umiiyak sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JoPay: A Happy Ever After Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon