Bus 3 - "Kinilig ako ng sobra men!"

781 31 87
                                    

A/N: After 1 year, naka-update din. Last shot na 'to men! Lasing na kasi ako sa kaka-shot eh, kaya last na talaga 'to. Kayo na lang ang bahalang mag-imagine. Kayo na ang bahala kung meron man kayong dugtong sa kwentong 'to. 'Wag sana kayong mahilo sa kakabasa ha. Medyo mahaba kasi 'to eh. Medyo lang naman, hindi talaga as in mahaba tulad ng pasensya ko. Basta yun na yun!


____________________________________________________________


May 2014 – Bus Terminal


Napakainit.

Nakakainip.

Nakakabagot.

Kasi kanina pa ako dito sa terminal ng bus, naghihintay ng mahigit isang oras na yata. Ewan ko ba, may strike yata eh, di ko rin alam.

"Iho? Kanina ka pa?" tanong ng aleng nasa tabi ko— kakarating lang niya at may dala-dalang mga maleta, parang magbabakasyon.

"Ah... opo. Ewan ko, ang tagal po ng bus eh." sabay kamot sa ulo­— meron kasing chicks sa kabila men, pa-cute na rin. Type ko kasi eh, makapal ang kilay, mahaba ang buhok, sakto lang ang katawan na may pagka-chubby konti, matangkad, morena, at ang ganda ng kanyang mga matang may pagka-chinita. Pero di ko malapitan. Medyo shy type ako ngayon men.

Tumaas na naman kasi ang gasolina kagabi. Pero yung pamasahe, ganun pa rin daw. Buti pa ang gasolina, tumaas na, eh ako kaya? Hanggang 5'5'' na lang talaga ako. Hahaha!

Anyway, problema ba yun kung matagal o wala talagang ordinary bus ngayong araw na 'to? May bus namang air-conditioned. 'Pag wala pa rin, hay naku! Mapipilitan talaga akong sumakay dun. Bahala na! Kahit times two pa ang pamasahe at least makakarating din ako sa pupuntahan ko.

Nagsidatingan na rin yung iba pang mga pasahero.

Magkasalubong na naman yung kilay ko.

Ang hirap talagang makasakay. Ano ba kasing trip ng mga drayber eh. Panira ng araw.

Kaya umalis na lang muna ako at humanap ng makakain. Tom-jones na rin ako eh.

Pumunta ako sa may tindahan para bumili, alangan namang mangutang. Tapos yun, bumili ako ng Red Horse na nasa litro pack. Hahaha! Biro lang, bumili ako ng mineral water tsaka isang Piattos na cheese flavor, favorite ko yun eh.

Nang pabalik na ako.

May dumating na bus.

Pero nakakalungkot men! Napuno na agad ito, di ko namalayan kanina. Nakatadhana talagang sa air-conditioned bus na ako sasakay.

Kaya yun! Wala na akong ibang magagawa pa.

Tumapak ako sa may pintuan ng bus— air-conditioned na ngayon.

Humanap ako ng mauupuan, ang luwag-luwag pa. Konti lang kasi yung mga pasahero.

Nasa may ikatlong upuan ako mula sa drayber. May free Wi-Fi kasi eh. Para rin malakas yung signal. Maka-update na nga ng status, at maka-tweet na rin.

Hay! Sa wakas! Nakasakay rin ng bus. Papunta na ako... sa puso mo.

Ang korni ko talaga? Hahaha! Nag-selfie-selfie na rin ako para ma-post ko sa Instagram.

Buti pa sa bus na 'to, maganda ang ambiance. Cool lang, syempre may aircon eh. Hahaha! Basta tahimik lang.

Wala kasing tutang tumatahol, sanggol na umiiyak, mga babaeng nagtsitsismisan, matandang nagmamatigas ang ulo, lalaking naka-headset na walang paki sa mundo, batang nakakasagabal dahil sa kanyang dala-dalang lobo, isang ina na pinapagalitan yung anak niyang malikot, mag-asawang nag-aaway dahil sa selos. Kumbaga, wala nang extra, hindi kagaya nung dati.

The BUS LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon