A/N: One shot lang 'to men! Kaya may pagka-bitin. Hayaan mo, may kasunod pa naman oh. Dahil merong pumasok sa utak ko. Dahil meron akong nasulat. Sana magustuhan niyo.
____________________________________________________________
October 2010 - Bus Terminal
Tumapak ako sa may pintuan ng bus.
Humanap ako ng mauupuan, kaso medyo puno na, kaya bababa na lang sana ako.
Nang may kumaway sa aking isang mama.
"Dito, bakante pa. Wala akong katabi.", sabi niya.
Agad akong pumunta dun baka maunahan pa ako, sayang naman.
"Salamat po talaga, ang bait niyo po."
"Walang anuman.", sabay ngiti sa akin.
Uuwi na ako sa bahay namin kasi miss na miss ko na ang pamilya ko, buti na lang sem break na. Ang hirap kayang mag-aral sa malayo, sa tawag mo lang sila makakausap o di kaya'y sa text. Iba talaga ang higpit ng yakap ni inay at itay, at sa bunso kong kapatid.
Napakainit.
Nakakainip.
Nakakabagot.
Ang tagal kasi ng bus umandar eh.
Punong-puno na kaya, at tsaka marami na ring nakatayong pasahero. Ano ba yan?
May tuta pang tumatahol, sanggol na umiiyak, mga babaeng nagtsitsismisan, matandang nagmamatigas ang ulo, lalaking naka-headset na walang paki sa mundo, batang nakakasagabal dahil sa kanyang dala-dalang lobo, isang ina na pinapagalitan yung anak niyang malikot, mag-asawang nag-aaway dahil sa selos at isang... anghel, hindi! Hindi yun! Isang magandang dilag na chinita at maganda kaso may kasungitan nga lang. Kundi nga lang dahil sa kanya, sasabog na talaga ako sa sitwasyon ko. Sakit sa ulo men! Grabi kasi may tuta pang tumatahol, sanggol na umiiyak, mga babaeee... paulit-ulit? Unli? Di ko na itutuloy pa, nasabi ko na yan eh. Let's focus to that girl muna.
Basta yun! Mala-anghel talaga siya men, mala-Belong skin, malarosas ang lips at mala-softdrink yung katawan, di yung litro ha o kaya'y can... basta men, ang sexy talaga. Kasi naman gentleman ako kaya tumayo ako't pinaupo... hindi siya yung matandang nasa likod niya. Baka akalain niya papansin ako. Maski ganun siya kaganda, wala akong pakialam. Di ko naman siya maaangkin eh, kaya ayun nagkatabi na lang kaming nakatayo. Ehhhh, kinilig naman ako dun.
Tinanong ko siya kung ano ang pangalan niya.
Ang ganda ng mga mata niya, nangungusap. Taas-kilay nga lang nang sumagot...
"Excuse me?! I'm not talking to strangers."
Grabe men! Yung boses niya nakakaantok, sa sobrang lamiiiiig. Gusto ko na nga sana siyang itulak sa bintana, pasalamat siya malayo siya dun. Kaya sabi ko sa kanya...
"Bahala ka nga sa buhay mo! Nagtatanong lang yung tao. Akala mo naman kung sino. May strangers-strangers ka pa diyang nalalaman."
At dun nagtatapos ang love story namin sa bus.
Hephephep... joke lang, dun nagtatapos ang kwentuhan naming dalawa, grabe men! Ang haba noh? Nag-enjoy naman ako kahit papaano. Hekhek.
Hayyy naku! Sa tinagal-tagal, umandar na rin ang bus. At nung papaatras na yung bus, edi umatras yung bus. Di biro lang, nasha-shy akong sabihin eh. Pilitin niyo muna ako. Promise, di ko na ma-take. Ehermmm.
Basta men! Yung papaatras na yung bus, bigla siyang natapilok at nayakap niya ako, magkalapit lang yung mga mata at pisngi naming dalawa, biglang nag-slomo at tumugtog sa radyo ng bus yung "Sa Isang Sulyap Mo". Kinilig ako dun men! Kinilig akooooo! Cross my heart pa! Kinilig talaga ako.
BINABASA MO ANG
The BUS Lovestory
Teen FictionIsang ka-oahan lang na love story na nagsimula sa bus... kinilig ako men!