5 weeks pregnant

520 9 1
                                    

Demon Angelyze POV

Nandito ako ngayon sa bago kong kwarto dito sa mansion nila lolo,nakalipat na kase kami dati pa pero wala dito si zach dahil may business trip sila ni tito sa Qatar kaya ang lunglot ko,di pa naman alam ni zach na 5 weeks pregnant nako dahil 3 weeks na sila dun.

Ako palang ang nakaka alam na buntis na ako,di pa kase ako ready na sabihin kila dad na buntis na ako dahil naaalala ko pa ang sinabi ni dad samin ni zach na mauuna muna ang kasal bago ang baby pero nauna ang baby kaysa sa kasal.

Young lady...kakain na po ng break fast.sabi ng maid sa labas ng room ko

Susunod na.sabi ko at tumayo na

Mas malaki itong kwarto ko kaysa sa kwarto ko dun sa bahay ko,naka display na rin dito sa loob ng room ko ang mga sandata ko pero may two room pa dito para sa banyo at dressing room,may training room din dito,music room,pet room,office room ko,storage room,guest room.Hanggang third floor itong mansion ni lolo at ang kwarto ko nasa third para mas safe na safe ang kwarto ko.

May 26 room dito kasama na ang kwarto ko at guest room,dito na din nakatira sila ameera at andrei kauuwi nga lang kahapon ni andrei galing sa state dahil bakasyon na.

Inayos ko lang ang buhok ko at lumabas na ng kwarto ko,sumakay ako sa elevator at pinindot ang G means grand floor.

Pagbaba ko ay pumunta na ako sa dining table kung nasan na sila,umupo ako sa tabi ni kirby.

Pagkaupo ko at naamoy ko ang kape at dun ako nababahuan.

Ilayo niyo ung kape sakin ang baho.sabi ko habang nakatakip ang ilong,inalis naman ng mga maids ang kape

Nung isang linggo ka pa ganiyan.sabi ni kirby

Ayoko kase ng amoy ng kape.sabi ko

Buntis ka ba?ganiyan kase ang mga buntis maseselan ang mga pang amoy.sabi ni megan at ngumiti lang ako

Buntis ka nga?tanong ni stacey

Oo.sabi ko at kumain na ng bacon

Magiging ninang na ako.tili ni ameera

Kailan pa?tanong ni andrei

5 weeks na.sabi ko at kumain na,di ko na inintinda ang mga tanong nila

Nandito na rin pala nakatira sila charles dahil yun ang gusto nila lolo at lola.

Alam na ba nila tito?tanong ni ameera pagkatapos naming kumain

Hindi pa,balak kong sabihin sana kapag nandito na si zach.sabi ko

Mall tayo.sabi ni richard

Ano namang gagawin natin dun?tanong ni yumi

Bibili ng pagkain ni angelyze.sabi ni richard

Red eyes...di kami makakasama.sabi ni CN

Bat naman?tanong ko

Pupunta kami sa head quarters natin,titignan namin kung may makakalaban ang grupo natin.sabi ni CN

Sabihin niyo agad sakin kung meron hah,sasama ako.sabi ko

Bawal,makakasama sa baby mo.sabi ni kirby

Di naman eh.sabi ko

Bawal nga eh.sabi ni richard

Mag iingat naman ako eh.sabi ko

Kami malalagot kay zach kapag nalaman niya ito.sabi ni CN

Fine!sabi ko at pumunta sa harap ng elevator

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon