Tears of Joy

439 9 0
                                    

Demon Angelyze POV

Malapit na ata tayo,natatanaw ko ko na ung rest house.sabi ni richard

Maya maya lang ay tumigil na kami at pinark nalang ni richard ang kotse niya bago kami lumabas ng kotse.

Malaki ang rest house ni bryan sing laki ng bahay ko pero ang disign ng rest house niya ay vintage.

Nasa loob ba sila?tanong ko

Oo.sabi ni bryan

Pumasok na kaki sa loob at pagdating namin sa sala ay nakita ko sila megan at stacey na may hawak na mga pictures.

Madami ito at meron pang ilang box na puro pictures.

Mas gumanda sila ngayon at tumangkad kaysa sakin.

Megan...stacey.tawag ni bryan sa kanila

Oh bryan-bat nandito si richard at kirby?sabi ni megan

Sino naman yang kasama mong babae?nakangiting tanong ni stacey kay bryan sabay tingin sakin

Mabuti at di ko tinanggal ang shades ko kundi nakilala na nila ako

Wag ka nang matanong stacey,ang problema natin ay nakalabas na ng ospital si angelyze.sabi ni megan

Anong problema?tanong ni kirby

Nakakalat ang mga grupo ng mga nakabangga ni angelyze hanggang ngayon at malamang sa malamang alam na nila na nakalabas na si angelyze.sabi ni stacey

Maupo muna tayo.sabi ni bryan kaya umupo muna kami sa sofa at dun ko lang nakita na puro picture ko ang mga nakakalat dito sa sala

Bat puro picture ni angelyze ang nandito?tanong ni richard habang hawak ang iba

Palagi kaming nakamasid sa kaniya.sabi ni megan

Kamusta pala si angelyze?ligtas ba siyang nakauwi?tanong ni stacey

Okay lang naman ako.sabi ko at tinanggal na ang shades ko na ikinalaki ng mata nilang dalawa

Di sila makapagsalita kaya ngumiti nalang ako ng napakatamis.

A-a-angelyze.nauutal na sabi ni stacey na nasa harap ko at si megan naman ang nasa tabi ko

Ikaw ba yan?tanong ni megan

Andami kong pictures dito tapos tatanungin niyo pa ako kung ako toh.sarkastiko kong sabi

Angelyze!!!sigaw nilang dalawa at niyakap ako

Okay kana ba?tanong ni stacey

Hep.....bago kayo pwede hug muna na miss ko kayo eh.sabi ko at niyakap nila ako

Napaiyak nalang ako ng wala sa oras dahil namiss ko talaga sila.

Bat ka umiiyak?tanong ni stacey

Kayo kase eh........7 years kayong di nagpakita sakin at akala ko ako talaga ang may kasalanan kung bakit kayo namatay.sabi ko

Wag ka nang umiyak nandito na kami.sabi ni megan

Tears of joy lang ito dahil sa wakas di pala kayo patay at nandito kayo sa harap ko ngayon.sabi ko

Angelyze.....nagtetext na sakin ang pamilya mo pati ang mga pinsan mo,kung nasan ka.sabi ni kirby

Pati sakin.sabi ni richard

Pano nila nakuha ang number niyo?tanong ko

Hiningi nila.sabi ni kirby

Sabihin niyo may pinuntahan lang ako at matagal pa ako makakauwi,kapag nagtanong kung nasan ako sabihin niyo ayaw ko sabihin.sabi ko

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon