Hello Ako si Kathrina Dela Cruz. Kath for short. Isang 1st year highschool student. Nag-aaral ako sa Pateros Catholic School.
.. At dito ko nakilala ang mga new friends ko, at si... si... si.. si.. SI.. Prince Victor Corpuz. Vic for short. Hindi ko sya classmate kasi section 1 sya.
- Mabait, ( I guess) , Matalino, Mapagkakatiwalaan at higit sa lahat MAKA-DIYOS. Yang mga ugali lang naman na yan ang criteria ko sa isang lalaki. At sa kanya ko nakita yun.
--
Isang araw habang kumakain kami napadaan si victor malapit sa amin. syempre anong magagawa ko? eh di namutla ako. Kilig na kilig ako nun kasi napaka-cool nya.
-- ( Angela: Uy Vic! Hello! )
-- ( Victor: Hello Angela! Pwede bang maki-join kami ng mga barkada ko sa table nyo?)
-- Iba ang tingin sakin ni Angela. Mukha may binabalak syang masama.. Kaya kinabahan ako kaagad.
( Angela: Sure! Ikaw pa. Si Kath lang naman kasama ko dito eh saka si Chel.)
( Victor: Naku salamat! Sige kukunin ko muna yung mga pagkain namin dun )
-- Nang nakaalis na si Victor --
Sabi ko kay Angela: Gaga ka talaga! Bakit mo pinayagan na maki-share sila Victor dito? Alam mo naman na crush ko yun eh saka nakakahiya.
Angela: Akong bahala sayo. Trust me..
Hay kahit nakakahiya, tinanggap ko na lng kasi atleast matititigan ko sya ng matagal. :">
--
Habang naguusap sila Angela, Chel at sila Victor..
Angela: Victor sino ba crush mo?
( NAINIS AKO KAY ANGELA NG SOBRA. SINASAKTAN NYA YUNG PUSO KO. INAASAR NYA KO. >_< )
Victor: Hahaha. Ayun oh, Papadaan! :>
-- Napatingin ako sa babaeng dumadaan. Sya lng mag-isa. Kaya naisip ko siguro yun ang crush ni victor. Nang makita ko ang mukha nya ... nalaman ko na si.... ANGEL pala yung crush ni victor..
( Si Angel. grade 1 to 1st yr kong naging classmate yun.. Maka-Diyos, mabait, cute at iba pa. )
Angel: Hi Victor! :))
Victor: oh? angeL? haha. andito ka pala. :DD
sa isip ko: sana di ka na dumating angel. sinira mo ang maganda kong araw. :)) *choss
HANGGANG SAA. si angel at victor lang ang naguusap.. taposss. may biglang dumating na *cute* na lalaki. Sii, siii, siii, siii, siiii, siii MARK.
( Si mark. yung boy na nagka-crush sakin, kahit hanggang ngayon may gusto pa rin sya sakin. Hay. Kaya lang ayoko sa ugali nya. Napaka-ignorante at mayabang yun nga lng heart trob sya ng campus at cute.. Kaya nga maraming girl ang galit sakin eh dahil nagseselos sila sakin.. )
Nagsalita bigla si Angel..
Angel: Oh may gosh. si mark yung crush ko paparating. Victor, anung gagawin ko??
-- Nagulat si Victor, Hindi nya alam gusto ni angel si mark. syempre anung gagawin nya? Nasaktan ang puso nya pero hindi nya ipinakita. Parang ako. Nasasaktan yung puso ko nung naguusap sila angel at si victor.. Hindi ko lang ipinapahalata pero ang sakit sakit na talaga.--
Victor: Ha ehh? Kalma ka lng. Pretend na hindi mo sya crush. :))
Tapos biglang dumating si Mark sa table namin. TUMABI PA SYA SKIN. >_< Nakakainis nga eh.
Mark: Hi Kath, How are you?
-- Kitang kita ko sa mata ni angel na nagseselos sya . Kaya naman gumawa ako ng paraan para magusap sila mark at angel.
Ako: Hi mark! Si angel nga pala kaibigan ko.. :))
Mark: Hi angel. :D Nice meeting you.
( si Victor, nagselos naman sya.. :) )
Mark: Angel, wanna have some snacks? Treat ko! :D
( syempre kilig naman si angel, diba? kaya pumayag sya.. )
Umalis na sila Mark at Angel kaya yun.. kami na lng ni victor ang natira sa table. Kasi si chel naman at si angela busy sa pakikipausap sa kaibigan nila tor eh.
Ako: Vic, kita ko mukha mo kanina ah. Nagseselos ka?
Vic: ang sakit kasi eh.. anung gagawin ko?? :))
( pinayuhan ko sya na... na.. na.. at inamin ko ang katotohan sa kanya na.. )
TO BE CONTINUED. :))
Question: Anung kayang ipinayo ni kath kay victor para hindi na sya masaktan? at ano kaya ang inamin ni kath kay victor?
Tara at patuloy na subaybayan ang kwento nilang dalawa! TO BE CONTINUED.... <3