Part 2

17 0 0
                                    

Author’s Note: Sa mga readers, ito nalang muna at sorry kung late update for this chaper of my story. Tsaka sorry rin if ever may mabasa kayong mga wrong spellings. Typo error ho! Wala na rin kasing time para mag-edit  ^^

[Play the song “Not Like The Movies” by Katy Perry for this chapter at the right side]

Bakit kaya ganun nalang ang iyak ni bestfriend? May dapat ba akong malaman? Kung anu-ano na tuloy pumapasok sa utak ko.Naglakad ako papunta sa kinaroroonan nila.

*poke* *poke*

Nang bigla nalang na may kumalabit sa akin na isang babae na hindi familiar sa akin at pinunta niya ako sa isang sulok na malapit sa lugar kung nasaan sina Impyerno.

Maganda siya, maputi, matangkad, brownish ang kulay ng mata at matangos ang ilong pero hindi ko talaga siya kilala. “Much better sana Skye kung huwag ka munang pumunta dun kung pwede lang. They need space.” 

O.o Bigla nalang kumunot ang aking noo.Bakit they need space? At bakit hindi muna ako pwedeng pumunta dun? Eh umiiyak na ang bestfriend ko. Tsaka sino nga ba itong babaeng ito? Too confusing! >.<

Huminga ako ng malalim. “Huh? Can you explain kung anong nangyayari ngayon between may bestfriend at yung girl na yun? Tsaka wait, sino ka nga ba?” *taas kilay effect*

Bakit umiiyak naman na siya? Did I say something wrong na dahilan kung bakit siya iiyak ng ganun? Ang dami na tuloy pumapasok na tanong sa isipan ko. Curiousity kills! Masyado na ba akong outdated sa mga happenings sa life ni Impyerno? Deym! -_-

“Ako nga pala si Cyrienne Glaize Casuga.(The girl at the right side.) Isa ako sa stalker ni Japrhell. And hell, yeah. Crush ko ang bestfriend mo. No, it should be mahal ko ang bestfriend mo. Lahat na nga ata ng tungkol sa kanya alam ko na, yung mga favorites niya. Ako rin yung mga nagbibigay ng mga simple yet unforgettable na gifts sa kanya katulad nung scrapbook na puro pictures niya na stolen nung last birthday niya. Tawa nga ako ng tawa nung ginagawa ko yun.” Ganun na ba niya talaga kamahal ang bestfriend ko?

“Oh. Sige, ituloy mo lang.” kalmang sabi ko sa kanya.

“Sana nagustuhan niya yun. Ang tagal ko kayang ginawa yung masterpiece kong yun. Hahaha. Minsan nga, pag makakasalubong ko siya, nagpapansin ako pero hindi yung sobrang obvious. Mahal na mahal ko ang bestfriend mo Skye. Childhood friend ko siya then turns to crush at BOOM! Mahal ko na siya. Nakita mo yung babaeng kasama ngayon ni Impyerno mo? Classmate ko yun, si Nicole Ramirez. Nililigawan siya ng bestfriend mo pero ang pagkakahalata ko ngayon kanina, binasted na niya si Japrhell.”

At nagsimula na namang tumulo yung luha ni Cyrienne. Ang saklap naman sa side niya. Binigay koang aking panyo para punasan yung luha niyathen tinuloy na niya ang kwento.

“Todo effort pa nga si Japrhell sa panliligaw sa kanya. At ang tagal na rin niya itong nililigawan. Mahal na mahal ni Japrhell si Nicole at mahahalata naman yun pag magkasama sila. Hindi ko nga alam kung bakit niya binasted eh almost perfect na nga si Japrhell at pagkini-kwento pa niya sa amin yung tungkol sa kanila eh kinikilig pa siya. Naiinis nga ako sa babaeng yun pero ako nagpi-pretend nalang ako na parang hindi ako affected. Bakit hindi nalang kasi ako yung niligawan niya? I know, it really sounds like I’m too desperate to have Japrhell in my life but I’m still hoping pa rin.” Hinaplos ko yung likod niya sign para tumigil na siya sa pag-iyak.

Huminga muna siya ng malalim at huminto para maging kalma muna ang kanyang sarili.“My mind is gone. I’m spinning round and deep inside, my tears I’ll drown. I’m losing grip, what’s happening? I stray from love, this is how I feel. This time was different. I felt like, I was just a victim and it cut me like a knife when he walked out of my life. Now I’m in this condition and I’ve got all the symptoms of a girl with a broken heart.”

Tumayo na siya at naiwan akong tulala. Umiiyak na naman siya habang naglalakad. Malapit na rin kasing dumilim at wala na rin sina Impyerno at yung girl na si Nicole ata yun. Basta. Ang galing naman niyang mag-pretend na okay kahit deep inside, it hurts. Kung ako ata yun, sasabihin at paprangkahin ko yun. Hahaha. Dejoke >.<

Tumayo na rin ako at hinintay yung service ko. Habang nasa loob ako ng sasakyan, ang daming questions ang pumapasok sa isipan ko. Bakit hindi sinasabi sa akin ni Impyerno na may liniligaw na pala siya? Bakit hindi nalang kaya mag-confess si Cyrienne kay Japrhell? Bakit parang ngayon ko lang nakita yung babaeng niliigawan ni bestfriend? Bakit kaya?Ang gulo! -_-

I want to be happy and sad at the same time. Hell yeah, I know it sounds like sappy. Minsan talaga, kailangan nating dumistansya sa taong ating minamahal para malaman natin kung ano ba talaga tayo sa kanila at kailangan ding mawala para malaman natin kung ano tayo sa kanila.

I’m home. Pagpasok ko sa bahay, umaakyat agad ako sa room at nagpahinga. Sa sobrang pagod ko, nakatulog nalang ako kahit hindi pa ako kumain ng dinner. Hindi ko na rin muna tinext si Impyerno. He needs space and I don’t want to ruined that one.

JAPRHELL’S POV

Nandito kami ngayon sa locker room ni Langit nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Nicole Ramirez, ang babaeng matagal ko ng nililigawan. May sasabihin daw siyang importante kaya hindi na nakapagpaalam kay Langit. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya tungkol kay Nicole. Ngayon lang ako naglihim kay Skye. Masakit din sa side ko. Pero sasabihin ko rin naman sa kanya pag naging kami ni Nicole. Daydream again!

Nandito na ako ngayon at nakaupo sa meeting place namin ni Nicole sa  mini garden dito sa labas sa gilid ng school. Pero bakit wala pa siya?tatayo na sana ako nang..

“Sorry for being late. Inutusan pa kasi ako nila Ma’am.Kanina ka pa ba diyan? Sorry talaga.” Sus. Basta para sa kanya, gagawin ko  ang lahat. Pinaupo ko muna siya sa tabi ko. Then..

“It’s okay, Niknik. Ano pala yung sasabihin mo sa akin?” bigla siyang yumuko. Tinignan ko siya at parang basa na yung palda niya. Umiiyak ba siya?Bakit?

Itinaas ko ang kanyang ulo. “Why are you crying, Niknik? May nangyari ba?” Yinakap niya ako ng mahigpit at yinakap ko din siya pabalik. Bumulong siya sa akin, “Japrhell, I’m really sorry!”

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin. Tinignan ko ang mukha niya. Magang-maga na ang mata niya sa kakaiyak. Nilabas ako ang aking panya sabay punas sa kanyang mga luha. Ano ba talagang nangyayari sa kanya ngayon? Hindi naman siya ganito last meet namin.

Itinaas ko ang kanyang mukha. Ang mestiza niya talaga. Ang pula na ng kanyang buong mukha. Nagtinginan kami eye-to-eye at parang may pinapahiwatig ang bawat tingin niya sa akin. It’s like nagpapaalam at nagmamakaawa siya.

“Ja.. Japrhell!” bulol niyang sabi sa akin. “Niknik, ano ba talaga nangyayari sayo ngayon?” Tumayo ako sa harapan niya. Oo, hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya nasigawan ko siya.

“I didn’t mean it, Japrhell pero hindi ko na talaga kayang itago pa. Hindi kita mahal. May mahal na akong iba. So, stop this courting thingy because you’re just wasting your time. Salamat sa lahat!” bigla akong natulala. Para akong binagsakan ng langit at lupa. My tears started to fall. I never expect this na ganito ang mangyayari. Okay naman kami. Tanggap naman kami ng mga parents namin.

It hurt when something good ends, but it hurt even more if you cling to it, knowing that it’s not there. This is the problem with getting attached to someone. When they leave, you just feel lost. This fucking moment are really getting into my nerves!

Hindi ko talaga matanggap yung nangyari ngayon. Iniwan ko siya sa kinatatayuan niya habang umiiyak. Naglakad ako na parang lasing, pagiwang-giwang para maalis na sa lugar na iyon. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay pero hindi ko control ang kanyang puso’t isip. And I admit, umiiyak ako that time. Masakit eh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Don't KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon