Chapter One.

38 1 0
                                    

          Napagising siya sa biglang malakas na pagpasok ng hangin sa loob ng kotseng sinasakyan niya. Binuksan pala ni Vivi yung bintana ng sasakyan. Napansin ni Anna ang daanan na pinasukan nila, Bukid. Palay. Isang Hacienda. Nagtaka siya kung bakit sila biglaang napadpad rito. Alas dose na ng tanghali kaya malamang kumakain ngayon ang mga magsasaka. Napakasarap ng hangin.

          Ngunit hindi ito nakapaggising sa katotohanan kay Anna, patagal ng patagal lalong sumasakit ang loob niya, gagawin na niya sana ang nararapat kung hindi lang siya tinawag ni Agnes kanina para bumaba. Tumigil ang kanilang sinasakyan sa harap ng isang mansyon. Pamilyar sa kanya ang lugar na ito pero bakit kaya sila nandito? Isang lalaki ang sumalubong sa kanila, sa itsura nito mukha siyang nasa mid 50s pero kitang kita pa rin dito ang dating magandang itsura niya noong kabataan pa niya.

          "Alfonso! Mabuti't nakarating kayo!" bati ng ginoo sabay yakap sa ama ni Anna. Narinig na lamang ni Anna ang mga bungisngis nina Agnes at Vivi.

          "Salamat sa imbita, Vincent. Kay parang mas lumaki pa bahay mo ah! Talagang umaasenso ka na rin!" Nagkamustahan ang dalawang magkumpare at naglakad na papunta sa mansyon. Sumunod naman ang dalawang magkapatid ngunit napako lamang sa kanyang pwesto si Anna. Hindi niya maramdaman ang kanyang mga paa.

          "Hoy Anna, ang weird mo! Lumakad ka na nga!" bulyaw ni Vivi sa kanya. Walang nagawa si Anna kundi sundan ang Ate Vivi niya. Nang makapasok na sila, pinagmasdan niya ang loob ng bahay. Lahat halos ng mga gamit sa loob ay gawa sa ginto, malalambot ang mga tela ng mga upuan, makintab ang puting sahig. Napatingin siya sa malaking litrato na nakadisplay sa taas ng fireplace nila. Si Uncle Vincent, ang asawa nito na mukhang mestiza at maganda at ang limang anak nila na nakatayo sa likod nila. "Sino po sila?!" may halong gulat at pagbighani ang boses ni Agnes.

          "Eto si Laura, ang namayapa kong asawa." May bahid na lungkot ang boses ni Uncle Vincent. "Eto ang mga anak ko, Si Zeus, ang panganay ko na nasa London ngayon. Si David, neurosurgeon sa New York. Si Alexander, siya ang nagmamanage ng business namin sa France. Si Trinity naman ang nagiisa kong unica hija, nagaaral siya ng masters niya sa Harvard at eto naman ang kakambal niyang si Isaac, siya ang kasama ko dito sa hacienda." Napangiti si Uncle Vincent habang tinitignan ang litrato ng kanyang mga anak.

         
          "Ang gwapo nila! Lalo na yung Zeus!"
Si Vivi.

          "Ang fafa ni Isaac at yung David at yung Alexander!" Si Agnes.

          Pinagmasdan ni Anna ang mga lalaki sa litrato, magaganda ang mga itsura nito. Sobra siyang nabighani sa itsura ni Trinity. Maputi ito at matangos ang ilong, kumikislap ang kanyang mga mata at mapula ang labi nito. Sa itsura niya ngayon, parang imposible siyang maging kasing ganda ni Trinity. Pero sa ngayon, wala ito sa isip niya.

          Natawa na lamang si Vincent sa pinakitang ugali nina Vivi at Agnes, mukhang tuwang tuwa ito sa mga anak niya. "Kung gusto niyo, puntahan niyo muna si Isaac sa bukid. Baka tapos na yun kumain kasama yung mga katrabaho niya." Napatalon sa tuwa si Vivi at sabay silang umalis ni Agnes papunta sa bukirin. Natira na lamang si Anna na patuloy pa rin sa pagtingin sa litrato. Hinawakan ni Alfonso ang nanghihinang balikat ng kanyang anak.

          "Hija, okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" mahinhin nitong tanong kay Anna. Para kay Alfonso, si Anna ang kanyang paboritong anak, ngunit nalulungkot ito kapag tuwing nakikita niya si Anna na umiiyak, nakatulala at hindi nagsasalita. Nawala ang dati nitong ngiti na abot langit at ang kislap ng kanyang mga mata. Umiling lamang si Anna sa kanyang ama. Napatingin na rin si Vincent sa kanila. "Kung gusto mo hija, magpahinga ka muna dito sa sala. Mukhang pagod na pagod ka na." Sabi nito pagkalapit kay Anna.

          "O sige anak, upo ka muna dito sa sofa, aakyat lang kami saglit sa study ng Uncle Vincent mo. Hintayin mo ko dito para sabay na tayong pumunta sa White Crest." Iniupo ni Alfonso ang anak sa itim na sofa malapit sa fireplace. Nagpaalam siya saglit sa anak bago ito umakyat papunta sa study ni Vincent.

          Wala pa ring kibo at tahimik pa ring nakaupo sa sofa si Anna. Ang tanging naririnig lamang nito ay ang tunog ng apoy sa fireplace at ang chismisan ng mga katulong sa sulok. Kahit pa siya'y pinaguusapan ng mga babae sa gilid, wala na siyang pakialam. Umabot na ng ilang minute nang biglang makarinig siya ng tunog ng alarm ng kotse. Pumasok bigla sa sala ang isang lalaking nakasandong puti at nakaitim na pantalon. Pinagmasdan ni Anna ang binata na nakatingin na sa kanya. Maputi ito at matangos ang ilong, mapula ang labi at higit sa lahat, maganda ang pangangatawan nito at matangkad. Ngumiti sa kanya ang lalaki bago umupo ito sa tabi niya.

          "Kasama mo ba yung dalawang babae dun sa bukid kanina?" tanong nito gamit ang malalim niyang boses. Diretso lang ang tingin ni Anna na parang hindi ito nakaramdam ng pagbighani at kilig. Umiling lamang ito.

          "Are you a mute?" tanong ulit niya ngunit iling lang ang natanggap nito ulit.

          "Ang cute mo naman, What's your name?" isa pa niyang tanong sa dalaga. Nagiwas lamang ito ng tingin na parang walang narinig. "Ako nga pala si Isaac Yeshuah Monteverde. Oh ayan buo na para hindi ka na magtanong. Ikaw?"

          "Anna." sa wakas ay sumagot na ito sa kanya pero mahina lamang ang sagot nito na parang tinatamad pa.

          "Anna lang? Hindi Annalisa? Anna Kendrick? Anna Karenina?"

          "Anna." ulit nitong sagot.

           Napabuntong hininga na lamang ang binata sa inakto ni Anna sa kanya. 'Kakaibang babae ito ah!' Sabi nito sa isip. Bago pa man makapagsalita ulit siya sa kanya, bigla na lang pumasok at lumapit sa kanya sina Vivi at Agnes. "Finally, nahanap ka rin namin!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anna.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon