IU's POV
Humakbang ako patalikod feeling ko kasi anomang oras mawawalan na ng lakas ang mga tuhod ko.
Hakbang..
Hakbang...
Hakbang..
Hanggang binilisan ko na at tumakbo na ko.
Nanlalabo na ang paningin ko at basa na rin ang mukha ko dahil sa dami ng luha ko.
Bahala na kahit san man ako mapunta. Dire diretso lng ako.
Sa loob ng limang taon akala ko walang magbabago umasa ako na pagbalik ko ang dating Kookie pa rin ang makikita ko.Sino ba naman kasi ako?
Best friend nya lng nman ako.
Siguro kung dati pa sinabi ko na ang nararamdaman ko eh di sana kahit papano hindi ako nagsisi.
"Miss..Miss!! Saglit lng. Ji-Eun!"
Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya napatigil ako napalingon..
Lumapit papunta sakin yung babaeng katabi ko kanina. Tapos inabot nya sakin yung I.D ko.
"Grabe ka teh! Napagod ang beauty ko sa paghabol sayo."
Inabot ko yung I.D tapos ngayon ko lng namalayan na nasa roof top na pla ko ng University.
"Bakit ka naman tumatakbo? Teka..umiiyak ka ba?"
Umupo ako sa may plant box tapos dun ko pinunasan yung mukha ko.
Sumunod naman sya at umupo din.
"Ano ba kasing problema mo? Kanina pa ko humahabol sayo. Mukhang ok ka lng nman kanina."
Tuloy tuloy pa rin ako sa pagpupunas ng mapansin ko tumayo sya.
"Alam mo wala ka namang mapapala kung iiyak ka lang. Tumayo ka na jan malelate na tayo."
BINABASA MO ANG
Paper Hearts: A Chain to Forever
Teen FictionTwo people that made a promise to each other... To keep the Special Feelings.. To keep the Friendship and To keep the LOVE. Their promise is sealed by their Paper Hearts: Their Chain for their Forever.. ~^~^~ Haha mema lng...first time ko lng kasing...