Ache Anniversary Special | Circa 1950

6.3K 208 47
                                    

Likha ni mchay101



Ika-sampu ng Enero 1950

Isang nakakasuklam na balita ang aking natanggap ngayong araw. Hindi ko lubos maisip na ako ay gagawing pusta ng aking ama sa sugal, sa kanyang kaututang dila sa negosyo. At sa susunod na limang araw, ay itinakda ang aking kasal sa pilay at matandang hukluban na iyon na kahit ano pa ang aking gawing pagtutol ay huli na.

Subalit sa kabila ng aking pagkasuklam, mas nangingibabaw ang aking pag-aalala sa mararamdaman ni Felipe. Batid kong siya ang una at lubos na masasaktan sa magaganap na kasalan.

Napahinto si Maine sa pagbabasa ng lumang journal ng Lola niya sa tuhod na si Donya Nicomena y Angeles, dahil para siyang sinasakal dahil sa nalaman. May ideya na siya kung bakit watak-watak ang nakagisnan niyang pamilya. At batid niyang hindi aksidente lang ang pagkakahanap niya sa journal na iyon.

Huminga muna siya ng malalim, bago muling buklatin ang sumunod na pahina.

Ika-labing dalawa ng Enero 1950

Aking hinintay na mainog ang gabi, bago palihim na makipagkita kay Felipe sa aming lihim na tagpuan. Sa aking pagtapak sa tuktok ng kampanaryo, muntik ko ng maitapon ang aking ilawan nang bigla akong hatakin ni Felipe at ipinilig sa dingding. Kasunod nito ay ang marubdob niyang paghalik sa aking mga labi, na kasing bagsik ko din na ginantihan.

Ang naramdaman kong pananabik at pagsinta sa kanya, ay syang nagbigay hudyat upang hayaan ang aking sarili na gawin ang hindi nararapat. Ang bawat halik at yapos na iginawad niya sa aking kahubaran, ay nagdulot ng tila bumubulusok na apoy sa aking mga ugat. Nakadadarang. Ako ay tuluyan nang nawala sa aking katinuan, nang sandaling naramdaman ang mapaglaro niyang mga labi sa pagitan ng aking mga hita, sinipsip ang aking talulot ng buhay. Piniga ang bawat patak ng nektar mula roon, na tila ba siya ay isang gutom na bubuyog. Gumapang ang kilabot sa kabila nakadadarang na init sa aking kahubdan. Ako ay napaliyad habang sinasambit ang kanyang ngalan, aking pagtangi -- aking pagmamakaawa na siya ay matikman. Hindi naman niya ako binigo. Buong pag-iingat niya akong pinasukan, inangkin at sinamba.

Kami ay mga mananayaw sa dilim, kapwa umiindayog sa saliw ng musika na gawa ng pagsasalpukan ng aming katawan, kasabay ng aming mga halinghing at daing hango sa mabilis na ritmo ng aming mga pulso. Ang sarap. Buong puso kong tinaggap ang kanyang bawat mabilis na paglabas-masok, ang bawat matalim at sagad na pagbayo na daig pa ang isang malakas na bagyo. Sabay na pag-ikot ng bawat balakang patumbok, na tila pag-ikot ng isang mapaglarong ipo-ipo. Kami ay walang pakialam sa mundo, maging sa ingay ng mga kuliglig sa paligid. Sapat na ang nakakabinging tunog ng takam naming mga laman, na tila ba isang sabik na daluyong na nagnanais basain ang tuyot na dalampasigan. Ang padaskol niyang pag-ulos sa aking ibabaw ay hindi ko na pansin, hindi ko na ramdam ang ngalay. Dahil mas nangingibabaw ang sarap at ang init ng aming makamundong paghahangad, nang kapwa namin narating ng sabay ang mga ulap. Ang ligaya.

Aking inilahad kay Felipe ang aking suliranin sa pagitan ng aming pagkakayakap. Ako ay nagmakaawa na kanya nang tangayin palayo at kami ay magsama na. Malugod naman syang tumalima. Kaya sa makalawa, kami ay nagkasundong magtanan.

Nasapo ni Maine ang sariling bibig dahil sa  rebelasyong nabasa, "Diyos ko, La! Hindi kita kinaya!" anya sa sarili, kasunod ng narinig na tila diskusyon mula sa labas. Kaya mula sa pagkakahiga, agad siyang tumayo upang alamin ang gulo.

"Pasensya na po talaga, sir. Wala na po kasi talagang bakante." Narinig ni Maine na paumanhin ni Diane, receptionist nya sa Casa Nicomena. Kasunod ay ang baritonong boses ng isang lalaki, na kahit tagalog ay may accent.

I, Ache Anniversary IssueWhere stories live. Discover now