I Love You ... Forever

20 1 0
                                    

"And you're gonna hear me roar..... thank you po." after nun bumaba na ako sa stage. Nakakahiya pero nagawa ko sya. Binalik ko na sa banda yung acoustic guitar na ginamit ko.

Today is our j.s. promnade. At yung mga walangya kong kabarkada pinagtulakan ako sa stage. Pwede kase magrequest ng kanta and kakanta. Pinakanta nila ako ng version ko ng roar yung parang sweet at slow lang, pagnagcocover kase ako gusto ko na ginagawang slow/soft/ smooth/sweet yung song tsaka acoustic. Buti na nga lang at masquerade ang theme. Di nila ako makikilala.

"Girls sino first dance nyo?"  tanong ni Camille pagka dating na pagkadating ko.

Agad syang nabatukan ni Krizza . "May sira ka din no? pano namin malalaman eh tagong tago nga yung mga muka ng mga tao dito."

"Oo nga no?"  sagot ni Camille " eto nalang, sa tingin nyo sino kaya ang first dance nyo." Si Annika naman ang nagtanong.  "Si Luhan my laabss!!"  sabi ni Joan na kpop addict.  "Luka wala yun dito." pambabasag ni Annika sa pagdedaydreaming ni Joan. "Ikaw? " tanong naman sakin ni Joan "A-ako?" sabay turo sa aking sarili. "Oo ikaw mismo Clarice." joan. " Ahh.. di ko alam eh pero sya rin yun 4th dance ko pagkatapos ng isang prod. Sya din yung patatlo, I think , pagkatapos kumanta ng choirs. Ewan ko nga girls pero kinabahan ako , pamilyar kase yung voice nya. Tapos may mga sinasabi sya na di ko maintindihan. Lalo akong kinabahan mga prend."  sagot ko. "Hala maghanda ka na aabangan ka nya sa lbas. Baka holduper yan prend. " pagbibirong pananakot ni Annika. "Luka ka prend, baka si Destiny yan." sabi naman ni Camille. " Huh ? sino namn kaya yun ?" ako

"Aba at bakit samin mo tinatanong eh kahit nga crush namin di namin ma identify."

Nag nagannounce na pwede n ulit mag sayaw. sayaw dito at sayaw doon. hahaha madaming humihila sakin eh.. kekeke .. 7th dance si kuya Marvin yung  crush ko ng konti na bestfriend ng kinaiinisan kong tao. Mabait sya at di mapagmataas di tulad ng bestfriend nya porke top one sa school at 3 lang ako grabe mampula at mang api T.T . Top 2 si kuya Marvin at kahit ganun di nya ako nilalait at inaapi , pinupuri pa nya ako.

Di ba ang galing ko manghula. Hahaha yung boses palang alam ko na pati yung nunal nya sa leeg. Stalker ako eh. chos. "Hi." bati nya "Hello." bati ko din . "Good luck" sabi nya. "Huh?!"

"Last Dance!!" sabi nung announcer. "Bye." Huh iniwan ako dito?

"ahm..ahm..ahm... can i have a dance again" si kuyang di ko parin kilala. "O-ok." yun lang nasabi ko.

After ng last dance pinag pahinga na kami. Then after ng ilang minutes.

"Ladies and Gentlemen, ito na ang pinakahihintay natin. Awarding na. " Sabi nung teacher sa unahan.

achuchuchu blah blah blah..

" And now for the prom. Queen...."

"Pabitin naman oh." pagrereklamo ng mga kasama ko.

"... may we call on our Ms. Prom Queen, wpearing a black and white cocktail dress... "

Ang dami namang ganun. ".... spotlight please." sabi nung teacher.

"Aww nakakasilaw naman." ako

"Gongrats girl!" sabi ng mga kabarkada ko. Pagtingin ko nakatingin lahat sa kin at nagpapalakpakan. Napatulala ako pero natauhan din naman ako at umakyat sa stage para kumuha ng award. "And the prom king is... " huh? sino kaya? "...Spotlight!" sigaw ng teacher sabay turo dun sa may nasa sulok. Wait ,sya ba yun? No no no..

After nya magannounce ng mga awards echos...

"Ngayon mapapanood natin ang pagsasayaw ng awardees.Lets give them a round of applause. "

I Love You ... ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon