AAKG 3

375 3 0
                                    

Nakadalawang stick na ako ng marlboro blue pagkatapos namin kumaen... Ayaw ba namang bumaba ng kinaen ko, bigat sa tiyan 😣 Pinipigilan ako ni Yuhan yosihen pa yung isa, pero wala siyang nagawa saken para pigilan ako....... Ano siya boss????

Oo boss nga...... -_- kase hindi ko na inubos yung isa pang stick ng yosi.. . Pag hindi ko pa daw itinapon ipapasubo daw niya saken ang lahat ng kaha =____= takot ko lang...

Tapos ang lakas ng trip ng mga to.... Katanghaliang tirek nagiinuman -_- at ang nag aya guess what??? yung pinaka mabilis malaseng samen... Hmm.. Tama nasa isep niyo... Si baboy na Yumi nga!!!

- Flashback

"Hindi paba kayo tapos manigarilyo jan??? Nalanghap ko na lahat ng usok niyo oh! Alam niyo bang second smoke can harm my body??? Tara't maginom nalang.. Ang dameng san mig sa ref nila Yuhan... Nakita ko! Hihi" habang binubugaw ng kamay niya yung usok...

"Bilis ng mata mo ha??? Siya tara... Dito tayo sa terrace! Baby pakikuha ng alak sa ref palagay sa bucket, nakalagay sa taas ng ref yon." Ako?? Ako ba inuutusan ng unggoy na to??

"Ako kukuha???" baka nga kase mali pagkakarinig ko..

"Yes baby... Kuha kana den ng pack of ice sa freezer..." ako nga ang inuutusan =____= boss na boss datingan ah!?

"Ayako nga <(`^´)>" habang nakapamewang at nakatingen sa taas.

"Sige na baby..." nilalambeng ako.

"Ayako nga... Say please and thankyou muna <(`^´)> "

"Baby pakikuha naman beer and ice please!!! Thankyou!" marunong naman pala unggoy na to e!

End of flashback -

At dahil jan... Eto. Nagiinum na kame dito sa terrace nila! Naka rami na nga kame eh! At tatlong balik naden ako sa loob nila para kumuha sa ref ng maiinom....

At oo hindi agad agad mauubos ang alak at yelo sa ref kase ubod ng dame... Yung isang ref puro alak at yelo lang laman at sa isang ref dun na yung mga pagkain at iba pa.... Oo dalawa ref nila.. .

Halatang mga lasenggero ang mga unggoy.... Halo halo ba naman nasa kabilang ref nila, kase may san mig na iba iba flavor tas redhorse, may mga hard beer den, sa ibabaw naman ng ref may wine at tequila....

And speaking of... .

"Wala ng yelo...." sabe ni Yumi na namumula na kanina pang pangalawang bote palang naiinom niya! Tapang mag aya ha? Haha!!

"Wag niyo ko mautus utusan jan... Kukutusan ko na kayo..." Nakakapagod kaya magpabalik balik 😒

____

Hindi paden kame tapos maginom... Lalakas no?? Palibhasa hindi hard iniinom namen eh... Hindi ko naden alam kung nakailan na kame! Si Yumi naman hindi na nainom... Hindi na niya kaya. Kaya ayan nag gegames nalang siya ngayon kasama namen habang namumulutan.

____

Napatingen ako sa selpon ko para tingnan kung anong oras na "Shit!! 3pm na... Magsasara na remittance... Jan muna kayo???" nagulat sila saken...

"Baket san ka pupunta?" - Yuhan.

"Sa remittance.. Nagpadala kase si tito... Kukunin ko muna... Balik nalang ulit ako... Chi jan ka muna ha???" tumayo na ko..

"Pagpabukas mo nalang yan babe..." - Gian

"Eeeh??" tanga to si Gian..

"Oo nga baby! Pagpabukas mo nalang.. Nakainom ka pa" isa pang tanga to si Yuhan -_-

Ang Astig Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon