Yuhan 9

341 6 0
                                    

- Yuhan:

Pagdating namen sa remittance sarado na... May "sorry we're close" na ngang nakalagay sa may pinto nila.

"Sayang.. Sarado na!" mahinang pagkakasabe ni baby... "Tara na..." bigla na den niya ko inaya... Tumalikod na siya pero ako syempre sayang naman pinunta namen. Halos paliparin na nga niya motor makarating lang dito... Kaya tiningnan ko kung bukas pa ang pinto nila... At swerte dahil bukas pa pagkatulak ko...

Kaya pumasok ako sa loob at iniwan si Punks sa labas.... Wala naman akong ibang sinabe sa kanila eh, kundi "Miss, pede pa ba??" tas nginitian ko sila, yun lang ... Tapos sila mga akala mo naging estatwa kase hindi makagalaw sa pwesto nila... "Sure sir.." maikling sagot nung isa... Iba na talaga pag pinanganak kang gwapo no?? Nagagayuma mo babae sa kahit na simpleng ngiti mo lang.... Wag naman sana lumakas ang hangin.. Hahaa!

Paglabas namen sa western, halata mo sa kanyang nagseselos siya sa mga babae don.. "Sorry girls taken na kase BOYFRiEND ko eh! Masyado siyang gwapo para magustuhan kayo... Anyway! Bye! Blah blah blah!" pakataray talaga ng baby ko... Minsan hindi niya alam na, sa simpleng salita lang niya nakakasaket na siya ng iba. Palibhasa tinarayan den siya nung mga babae don...

____

Papunta na kame sa motor niya kung san niya pinark... bago pa man yon, inabot niya saken ang susi... "Ano to?" sabe ko sa kanya..

" Susi."

" Alam kong susi to.. Anong gagawen ko dito?? " pilosopo ha?? -_-

"Malamang ikaw na mag dadrive... Tara dinner na tayo.." Pasado 8pm na nga pala... Lunch lang kaen namen, tapos naginuman pa..

Pinaandar ko na motor niya.. Mga 5meters away, pinahinto niya saken yung motor sa tabi at pagkatapos ko ma ipark, hinila na niya ako....

Andito kame ngayon sa kalsada... Napakaraming street foods na nagtitinda habang may mga nagdadaanang sasakyan.....

"Anong gusto mo??" tanong niya saken... habang pili siya ng pili ng gusto niya. Alam kong nasa isawan kame ngayon, at alam ko tawag sa nilalagay niya sa ihawan, bituka, b-b-q atsaka atay ata to. "Ano? Anong gusto mo?" ulit niya saken. Habang may nguya nguya ng bituka...

"Masarap ba yan?" ang tanga ng tanong ko no?? Nakakahiya! Tumingen tuloy saken yung lalakeng nagpapaypay sa ihawan.

"Hindi ka pa ba nakakatikim neto??" umiling ako.. "Oh tikman mo!" tinapat niya saken yung stick ng bituka.. Honestly hindi pa talaga ako nakakatikim ng kahit anong street foods kaya hindi ko alam ang lasa... Pinagbabawalan kase ako ng ex ko kumain ng ganyan nung gusto ko subukan noon. Madume daw kase mga pagkaing ganyan tapos pwede ka din daw makakuha ng sakit...

Kinuha ko yung inabot niya saken.... Oo masarap nga. Actually naadik ako, halos natikman ko lahat ng klase sa stick dahil gawa niya, isinasawsaw ko pa nga sa sauce sabay sa suka eh! Turo kase sa aken ni baby.. Sabe niya kase "try mo isawsaw sa sauce tapos suka. Mas masarap."

Sunod sa kabila naman niya ako hinila.... Alam ko den ang tawag sa pagkaing yon pero never ko padeng natikman... "Kwek-kwek" yung mga kinain niya nung gabeng yon kinain ko den... Fishball, kikiam, kalamares, siomai, etc.. "Alam mo dapat madumihan den yang katawan mo kahit minsan? At minsan den kung sino pa yung sobrang linis yun pa yung dinadapuan ng sakit..." Habang may nginunguya siya. "Panget yung puro arte sa katawan" sinabe niya saken yan.. At tama si Punks.. Baket nga ba hindi ko natikman mga yan dati pa.. Para tuloy akong mangmang kase ginagaya ko siya kung paano siya kumain... Ang sarap sa feeling nung natikman ko yung dating dinadaan daanan ko lang tapos tinitingnan!

At kahit ganon ako kanina, hindi manlang ako nakarinig ng kahit anong salita kay baby, yung tulad ng " ang tanga mo naman, hindi ka pa nakakatikim nan... Ang arte mo, etc." kulang na nga lang ituro pa niya saken kung pano isubo mga yun eh..

Yung katarayan at pagkamaldita niya parang nabura sa utak ko, kase ang bait niya sa asta niya ngayon tapos hindi pa maarte... Humanga ako sa kanya.. Tapos nung may naglilimos na matanda sa kanya nilibre niya ng kinakain namin, imbes na pera ibigay niya pagkaen nalang daw... Ganon den ginawa niya nung may nanglimos naman na bata sa kanya...

____

"Busog kana??? Ako hindi pa eh! Hehee!" tumawa siya saken.. Hindi pa siya busog ng lagay na yun??? Halos lahat kaya ng tindang nakapwesto dito binilhan namen... Ang takaw.

"Saket na nga ng tiyan ko eh..." oo sumasaket tiyan ko ngayon.. Nabigla siguro sa kinain ko, nanibago ata sikmura ko dahil ngayon lang ako nakakain ng mga ganon...

"Mainit na sabaw lang yan... Tara! Dinner na tayo 🙂" nginitian niya ulet ako habang hila hila kamay ko... Hindi pa pala dinner yung kinaen namen... Parang hindi ko na ata kaya kumaen ulet >_<

Sa hindi ulet kalayuan... Dinala niya ako sa mga may lutong ulam! Karinderya ata to... Pero muka siyang canteen.. And yes hindi ko paden nasusubukan kumaen dito.. Hindi naman kase nawawalan ng pagkaen sa bahay..

"Sinigang nga po, tsaka isang kanin." Aw! sinisikmura ata ako. Amp! "Tsaka eto pa po ginataang tilapya at isa pa pong kanin. Penge naden pong sabaw. Thankyou po :)" nakangiti siya habang umoorder sa tindera, kakaiba. Sanay na sanay na si baby sa mga gantong kainan..

"Baket dito?? Pwede naman tayo sa restaurant ah? Oh kaya sa mga fastfood." takang tanong ko sa kanya.. habang inaabot samen nung babae yung pagkaen namen...

"Kumaen ka nalang. Hindi naman sa nagtitipid ako pero mas gusto ko sa mga ganto kesa sa mga pasosyalang kainan.. Higupin mo tong sabaw.. Alam kong sinisikmura ka."

"Paano mo nalamang sinisikmura ako??? " kukunin ko na sana yung kutsara sa pinggan ko para humigop ng sabaw pero bigla niyang inagaw saken at pinunasan muna niya ng tissue, ganon den sa tinidor ko...

"Oops. Hindi sa pag iinarte pero kelangan safe ka. Hindi lang ikaw ang nagamet ng mga to kundi madame tayo... Lalo na't alam kong first time mo lang den dito makakain." pinunasan den niya kutsara at tinidor niya.. "At alam ko kase puro suka tinira mong sawsawan, hinihigop mo pa, kaya panong hindi ka sisikmurain."

At ano tong busog daw ako??? Eh nakailang kanin ako, at ang lagay namen parang nagpaparamihan kame ng kanin ni Punks.. . kababaeng tao ang lakas kumaen.. . ay hindi, lamon na ginawa neto e.. . kulang nalang magkamay siya habang nakaen.. . hmm! Nawala den pagkalam ng tiyan ko, dahil nga sa sabaw.. .

Salamat sa sinigang.. . .. .

Ang Astig Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon