Dear Superman,
Tanda mo pa ba ako? Siguro hindi na. Magpapakilala ulit ako. Simulan natin kung paano tayo ganoon kadaling nagkakilala hanggang sa ganon mo din ako kadaling kinalimutan.
Naaalala ko pa nung mga panahong Linggo-Linggo ako nagsisimba. Para kanino pa? Siyempre para sa Panginoon. Lagi akong nagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap ko. Kuntento na ko na nagsisimba kasama pamilya ko, kung minsan o kadalasan ako lang magisa sa umaga. Estudyante pa lang ako kaya mas pinipili kong magsimba ng umaga kaysa gabi dahil don ako nag-aaral o may iba pang ginagawa. Gusto ko munang unahin ang Diyos bago ko gumawa ng ibang bagay. Kahit may exam ako kinabukasan, hindi ako lumiliban ng pagsisimba. Binigay niya ang buhay niya para sa atin at araw-araw niya tayong binabanatayan. Isang oras lang ang hinihingi niya sa loob ng isang linggo, ipagkakait pa ba natin?
Lagi akong umuupo sa dulo kapag ako lang magisa. Nahihiya kasi ako na umupo sa medyo unahan. Saka nakikita ko lahat mula sa likod.
Pagdating ng bakasyon, hindi pa din ako tumigil sa pagsisimba. Paglipas ng ilang Linggo, may isang lalaki na lagi kong nakakatabi at ikaw yung lalaking yon. Medyo pamilyar ang mukha mo noon sakin. Pinilit kong wag na lang pansinin ang iniisip ko at lagi na lang akong nakikinig sa misa. Pero di talaga mawala sa isip ko kung san kita nakita. Isang beses kinausap mo ko. Tinanong mo kung anong oras na kasi alas nuwebe pasado na pero wala pa si father. Sumunod non, tinanong mo ang pangalan ko at sinabi mo din ang iyo... Clark.
Simula non, bago magumpisa ang misa, lagi na tayong naguusap. Makalipas lang ang ilang Linggo pa, naging komportable na tayo sa isa't isa. Kaya nga nung isang beses, malapit nang magsimula ang misa, hindi ka pa din dumadating. Hindi ko alam pero nalungkot ako. Siguro nasanay lang ako na may nakakausap bago ang misa. Pero ang dami pa dig tanong na pumapasok sa isip ko kung bakit wala ka. Makalipas ang ilang minuto, nasagot din ang mga tanong ko. Nakita kita at nakatingin ka sakin. Suot mo ang sutana na suot din ng iba pang sacristan. Dun ko lang narealize kung saan kita unang nakita. Lagi kang nasa altar kasama si father at ang iba pang sacristan. Ngumiti ka at ganon din ako. Masaya ako kahit di tayo nagkausap noon. Pagkatapos ng misa, pinuntahan mo ko sa kinauupuan ko at kinuha mo number ko.
Kahit wala tayo sa simbahan, nagkakatext na tayo. Ang dami nating pagkakapareho at madami ding pagkakaiba. Pero kahit ganoon, hindi naman nagiba tingin ko sayo. Parang mas lumalim pa na di ko mawari.
At sinong mag-aakala na pareho pala tayo ng school na pinapasukan? Ako nasa first section, ikaw nasa last. Pagakalipas ng bakasyon, halos araw-araw na tayong nagkikita. Sabay na din tayong umuuwi kasi halos magkalapit ang mga bahay natin. Siguro nga bestfriend na matatawag ko sayo non? Nagiging komportable na kasi tayo sa isa't isa. Kahit noong nakipagbreak ako sa boyfriend ko dahil sa babae niya, dinamayan mo ko. Ikaw yung nandiyan para sakin. Binilhan mo pa ko ng paborito kong stick-o.
Hanggang sa unti-unti na kong nakakamove on, don ka nagtapat ng nararamdaman mo para sakin. Umamin ka na lagi mo akong nakikita noon sa simbahan at sa dulo umuupo. Kaya nagbaka sakali ka at hindi muna nagserve at hinintay ako sa upuang yon. Matagal mo na pala akong gusto. Sinabi ko yon sa mga kaibigan ko. Una ayaw nila sayo kasi magkaibang magkaiba daw tayo. Matalino daw ako, ikaw hindi. Maganda daw ako, ikaw hindi daw kagwapuhan. Pero anong pakialam nila? Hindi naman ako dun tumitingin. Siguro yung ibang babae ganon. Pero ibahin mo ko. Basta mamahalin ako ng totoo, ayos na ko. Nagsawa at napagod na kasi ako sa paulit-ulit na sakit. Iniiwanan nila ko para sa ibang babae. Kaya tuloy lagi kong naiisip, may kulang pa ba sakin? Binibigay ko na naman lahat..