Kabanata 4

4 0 0
                                    


Isang nakakabinging katahimikan ang nag-hahari dito sa Library. Library nga diba? So ano ang ineexpect ko? Madali ko lang natapos ang pinapa research ng teacher namin sa Math kaya naman ay nabagot na ako dito. Hindi pa kase tapos si Janella dahil namangha siya sa mga bagong librong nandito sa Library. Mula kasi noong first day of school, ngayon lang siya nakapasok dito. Hindi ko na talaga kaya ang katahimikan. Kaya ay inayos ko na ang nga nagkalat kong libro sa mesa.

"Aalis ka na?" , sa puntong ito ay itinuon ni Janella ang pansin niya saakin.

Bumuntong-hininga ako. "Oo. Pwede?"

"Sige, tapos ka na naman eh." , nginitian ko si Janella at dali-dali akong umalis sa library. Ng makalabas na ako ay hinabol ko muna ang hininga ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa ako nakakalayo sa library ng sumulpot sa harapan ko si Jacob. Napairap nalang ako ng palihim ng nakita ko ang nakangisi niyang labi.

Umirap ako. "Ano na naman, Jacob?"

Nginitian niya ako ng ubod ng laki. "Alam mo na."

"Ayoko nga diba?" Pinipilit kong umalis ngunit hinarangan niya lang ako.

"May ipapakita ako sayo." , kinuha niya ang cellphone niya at may pinakita saaking isang litrato. Nanlaki ang mata ko ng makitang ako ang nasa litrato. At ang mas ikinabahala ko ay halos iluwa na ang kaluluwa ko sa litrato. Naka Two piece ako at sakto pa ang pagkakakuha nito nung nadulas ako. The picture was taken 2 years ago sa isang falls nung nag outing kami. Aksidenteng nadulas ako dahil madulas doon at sakto naman na na-click ni Venice Sofia ang capture ng camera.

I gave him my death glare. "Ang sama mo! Saan mo nakuha yan?"

Tumawa siya ng malakas. "Ang sexy mo diyan! Epic!"

"Saan mo nga sabi nakuha yan?!" , sa pagkakataong ito ay tumaas na ang boses ko.

"Sophomore's cellphone were confiscated. Napag-alaman kong may dalawang kapatid ka pala dun. So I grab the chance at hinalukay ang phone nila. Then nakita ko to, naisip kong pwede ko tong gawing pam-blackmail sayo. I got this from someone named Venice Sofia Montage." , he smirked. Syempre, Okay lang na pakialaman niya yun. Afterall, pagmamay-ari niya ang paaralang to.

"Ang kapal ng mukha mo! Pwede kitang kasuhan sa pakikialam mo sa cellphone ng kapatid ko!" , sasapakin ko na sana siya ng pigilan niya ako.

"Tandaan mo Ms. Shane! Inaapakan mo ngayon ang teritoryo ko." , cool nitong sabi.

"Kapal ng mukha mo Toppings ka!" , galit na ako ngayon at gusto ko ng patayin tong lalakeng to. Tangina.

"So, ano? Payag ka na?" , sambit nito ng hindi man lang pinapansin ang galit ko. Feeling ko anytime sasabog na ako pero pinipigilan ko lang dahil ayokong mapa expel. Ano nalang ang sasabihin ni Daddy at Mommy sakin? Ako pa naman yung panganay.

Inirapan ko siya tsaka ako tumango. "Basta wag mo lang ikakalat yan!" I don't have any choice. Ayoko naman masira ang reputasyon ko dahil lang sa pesteng picture na yun.

Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nagpapigil sa kanya. Binangga ko siya tsaka ako naglakad patungo sa kung saan, basta humupa lang ang galit ko. Nakasalubong ko ang mga babaeng inaway ko sa CR ng cafeteria kahapon kaya naman ay inirapan ko sila. Nakita kong napayuko silang dalawa. Good! Kasi wala akong panahon sa inyo ngayon. Galit ako at baka sila lang ang mapaglabasan ko ng galit.

Buong hapon ay wala ako sa mood. Hindi ako kumikibo dahil galit ako kay Jacob. Nang makauwi ako ay dumiretso ako sa kwarto ko. Bumaba lang ako nung pinatawag na ako ni Mommy. Nadaanan ko ang mga kapatid ko sa sala. Dumiretso nalang ako sa kusina. Akmang uupo na ako ng mapansin kong sobra ang mga plato na nakalagay sa hapag-kainan. Pito lang kaming kakain pero naging walong plato ang narito. May bisita bang inaasahan sina Mommy?

Series 1 : Lit Her FireWhere stories live. Discover now