Kabanata 11

2 0 0
                                    


Balik na naman kami sa pag-aaral kaya ay kahit pagod na pagod ay kinakailangan naming gumising ng maaga. Nasa van na kami at ang boys nalang ang hinihintay namin. Sabi nila sasabay daw sila saamin dahil tinatamad daw silang magdrive dahil narin sa pagod sila sa swimming kahapon. Panay ang hikab nila ng makapasok sila. Si Vincent naman ay nagreklamo kung bakit ang lapit lang ng paaralan. Konting minuto lang daw siyang nakatulog sa van. Kitang-kita ko kung paano lingunin ng mga kababaihan ang mga pinsan ko. Since parehong building lang kami nina Arrione, Axel at Janella ay sabay na kami. Si Georgia, Venice, Riley at Gabe naman ang magkasabay sa building nila samantalang sa freshmen ay magkasabay sina Vincent at Zenelle. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at tinungo na ang daanan patungong corridor ng building namin.

"Ang cool ng school na to ah." Panay ang puri ni Axel sa mga nakikita niya.

"Tss. Hindi parin. Alam mo naman siguro kung anong klaseng gago ang anak ng may-ari nito!" Saway naman ni Arrione sakanya. Alam kong si Jacob ang tinutukoy ni Arrione, tiningnan ko si Janella at nakatuon lamang ang atensyon nito sa libro.

Iba ang section nina Axel at Arrione kaya ay lumiko na kami ni Janella pero ang dalawa ay nagpresenta pang ihatid kami. Baka raw kase may pumorma saamin pag-nawala na sila. Pinasalamatan namin sila matapos nila kaming ihatid. Hindi kami sabay mag lunch dahil kailangan nilang makahabol since late sila ng ilang weeks.

Pumasok na kami sa classroom namin at as usual binati ko ang mga kaklase ko. Panay rin ang puri nila dahil sa pinansin daw ako ng Bts. Nagpakwento rin sila kung ano yung sinabi raw ni Rapmon bago sila umalis. Pagkatapos ng kwento-kwento namin ay tumabi na ako kay Janella dahil dumating narin ang professor namin.

Gutom na gutom ako pagdating ng lunch time. Nagpaalam si Janella sakin na di siya sasabay dahil dadaan muna siya sa Library. Nagliligpit na ako ng gamit ko ng may maramdaman akong presensya sa likod ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Brent Marco.

"Let's go?" Sabi nito sakin at doon ko lang naalala na may kasunduan nga pala kami nung nasa falls kami. Tinanguan ko nalang siya at tinapos na ang pagliligpit.

Tahimik kami ng naglakad kaming dalawa sa corridor. Panay rin ang bati ko sa mga nakakasalubong kong kakilala ko. May iba ring sinabihan ako ng Ang swerte ko raw dahil napansin ako ng bts. Nginitian ko nalang sila at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Saan pala tayo?" Tiningnan ko ang seryosong mukha ni Brent na diretso lang ang tingin sa dinadaanan.

"Sa condo ko." Sambit nito ng hindi man lang ako tinitingnan.

Nagkibit-balikat nalang ako hanggang sa makasakay kami sa fortuner nito. Good taste huh!

Nang makarating kami sa condo niya ay wala parin itong imik. Seriously? Hindi ba siya marunong mag initiate ng topic?

Para naman mawala ang awkward na atmosphere ay nagsalita na ako. "Ikaw lang mag-isa dito?"

"Oo." Yun lang yung sagot niya kaya ay napairap nalang ako sa kawalan. Paano kami makakapag-usap kung sa bawat sagot niya ay pinuputol na niya ang usapan namin? Gaguhan lang?

Pumasok na kami sa kusina niya at manghang-mangha ako sa kalinisan ng mga ito. Naka-arrange lahat ng utensils pati narin sa sala niya. "Anong gusto mong kainin?"

"Gusto ko ng adobo." Nag-iwas pa ito ng tingin na parang nahihiya sa tinuran nito. Umupo siya sa island counter niya at tiningnan ako habang nagluluto. I feel so conscious sa mga galaw ko. Nang tiningnan ko ito ay nakapangalumbaba ito sa mesa at tinitingnan ako. Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanya at pinagpatuloy ang pagluluto. Sa wakas at natapos ko naman ito ng hindi man lang nagkakamali. Kinabahan ako dun ah!

Sabay kaming kumain ng matapos ko ang pagluluto, hindi muna ako kumain at hinintay muna siyang tikman ang luto ko. Sa isip ko ay kinakabahan ako dahil baka pumalpak ang lasa nito.

Series 1 : Lit Her FireWhere stories live. Discover now