Chapter FOUR... [Pinakamasayang Araw ng buhay ko]

155 4 1
                                    

Enjoy reading Chapter 4 of my story! ^^ Keep on voting. =)

Hayss.  Isang buong araw ako nag-antay ng text niya.  December 18, buti nalang nakachat ko siya.  Nanakaw pala cellphone niya.  Feeling ko tuloy kasalanan ko kasi ako yung katext niya nung mga panahon na yun.  I was like.. "Pano na 'to?  Hindi ko na siya makakatext?  Kaya ba 'to?"

Kinabukasan, December 19, hindi ko naman siya nakachat.  Nakakalungkot.  At ito pa, tumigil na sa panliligaw si crush.  Wala daw siyang laban sa dancer.  Siyempre naiyak pa din ako.  Crush ko nga kasi eh.  Pero di ko nalang masyadong inisip.  Mas deserving nga siguro si Jonel.

Ayan, December 20 na, aalis na si Mama.  Pupunta na siya ng Singapore.  Sasama ako sa airport.  Kaso teka, magkikita kami ni Jonel!  Hala.  Pano 'to?  Sasama ba ako sa airport para makasama sa huling sandali si Mama o magkikita kami ni Jonel ng kaming dalwa lang for the first time?  So confusing!

Until I decided na...  makikipagkita nalang ako kay Jonel.  Nung last time na umalis si Mama, sumama naman ako.  Tsaka sayang yung chance.  Kaso bwiset!  Nagpaiwan si Ate!  Ang shunga naman eh.  Pano ako makakatakas nito?  Kung sabagay, naglalaptop lang naman siya sa taas.

Usapan namin ni Jonel, 4pm.  Naisip ko kasi na 3pm naman aalis sila Mama.  Ang saklap nga lang!  5pm na umalis sila Mama.  Tapos ayaw pa akong palabasin ng bahay.  Nagdahilan nako na magpapaload ako.  Pero sila nalang daw magloload sakin.  Shitness!  Anong gagawin ko?

Gumawa talaga ako ng paraan.  Nagpasama nako sa katulong namin.  That's why 5:30 na ako nakapunta.  Sabi ko sa katulong namin,

"Ate, samahan mo naman ako sa Ministop.  May ibibigay lang ako sa kuya ng classmate ko." sabi ko sa kanya.

"Ha?  Eh baka mapagalitan tayo ng Papa mo." sabi niya sakin.  Natatakot siya masyado. Ano ba yan.

"Sabi ni Papa bawal daw lumabas, pero ate saglit lang. Sige na." ngpupumilit kong sagot.

"Osige. Pero saglit lang tayo ha.  Nagsasaing kasi ako." sa wakas!  Pumayag din siya!

Habang naglalakad kami papuntang Ministop, sabi ko sa sarili ko, "Andun pa kaya siya?  Inintay niya kaya ako?  Hayss.  Sana naman."  Grabe, habang di pa naalis sila Papa kanina, nagsusulat nako sa Filipino notebook ko.  Sorry letter ba. Hahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pwede bang ikaw na yung last..?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon