"Shay! Mauna na kaming mag swimming ah!" un ang unang lumabas sa bibig ni Kamille as soon as makapag settle in na kami sa loob ng room. Maganda ung resort na tinuluyan namin, lalo naman ung room. Ung room kasi, nasa second floor at kapag binuksan mo ung bintana kitang kita ung beach, kaya sobrang ok sa akin. Masarap ang simoy ng hangin, kahit mainit presko at malamig ang hangin.
"Anyways! time to change!" Sabi ko sa sarili ko. Bumalik ako sa loob ng kwarto at nagpalit na ako ng swimsuit ko tapos naglagay ako ng net. medyo weird ba? haha. Ayoko lang talagang sobrang exposed ung skin ko, kaya eto, nag nenet ako. Kinuha ko ung phone ko pati ung camera ko na waterproof saka ako lumabas, pati na din ung bag ko. Wala akong planong mag swimming sa hindi swimming pool, nakamamatay.
Maraming tao no doubt. ang daming kids na naglalaro dun sa kiddie pool, siguro ayaw pa nilang pumunta sa beach kasi medyo mainit na. Ang dami na ding taong nag sun bathing at ung iba naka upo lang sa mga chair sa may resort at kumakain ng breakfast. Kumain kaya muna ako?
Tinignan ko ung right ko at nakita ko ung mga kumakain, kaya yun, pumasok na din ako. Hindi talaga tinatanggihan ung pagkain especially kapag free! hindi naman literal na free pero dahil sa Kams ang magbabayad eh di free na din un! Nothing is better than free food and free vacation! Well, I'm kind of enjoying it now.
"Hi miss. Can I sit down here?" Napatingin ako sa left at may nakita akong foreigner. Ilang beses na akong nakakakita ng foreigner ngayong linggo ah. Ung lalaking nakita ko, mukhang in his mid 40's na tapos may kasama siyang mga bata, mga anak niya siguro. They were both pretty and they could be twins, actually, if it weren't for their big gap in height. Parehas silang may long hair, pero.ung mas matangkad mas curly ung buhok niya sa dulo habang ung younger naman, curly talaga ung buhok, mukha silang dolls. Fudge.
"Daddy I want to eat now" Sabi nung younger kid habang ung older, paupo palang sa seat niya. Tumawa ung daddy nila at napatingin sa akin, then nag smile siya, syempre nag smile ako pabalik, pero nahiya na ako. Baka isipin nila I'm very very weird.
"Ok then, why don't you sit beside this pretty lady, Carol?"
"Ok" Si Carol, yung younger kid, umikot saka tumabi sa akin. Ha! Ako pala ung pretty lady, sabi ko na nga ab maganda ako eh. Ayaw pang maniwala ng letseng Derrick na un ehhh. Tahimik akong kumain sa tabi nung bata, habang naririnig ko siyang magkwento ng mga ginawa nila nung ate niya, na ang pangalan, Lianne. They are so freaking adorable.
"Daddy I want bacon and eggs"
"Again, sweetheart?"
"Yes, please" Nag smile siya sa daddy niya and I saw this sweet soft smile spread on his face. Mukha silang mga anghel, nakakaiyak. Sinubo ko ung pagkain ko then I felt a tap, pagkatingin ko, tinitignan ako ng foreigner. "Uhh..Yes?"
"If it wouldn't be too much to ask, can you look after my kids for a while?"
"Oh sure! No problem sir"
"Thank You"
Pagkaalis niya, nakaramdam ako ng excitement dahil pwede ko na silang tanungin. Yes, I love kids. I love kids so much. Tumingin ako kay Lianne then nag hi ako, nag wave naman siya pabalik sa akin then tinanong ko siya. "Hi! I'm Shay, You're Lianne right?"
Tumingin siya sa kapatid niya bago siya nag nod sa akin at mukha talag siyang shy. "How old are you?"
Tumingin ulit siya kay Carol then tinaas niya ung kamay niya then nakalagay dun, 7. Hindi siya masyadong nagsasalita ah. Actually, hindi ko pa siya naririnig magsalita, kahit kanina.
"Your sister isn't very talkative, is she?"
"My sister can't talk nor hear" Nag flinch ako pagkasabi ni Carol nun at napatingin ako kay Lianne na nakatingin lang sa amin.
"Then how is she answering me?" Kanina pa ako sinasagot no Lianne pero hindi pala siya nakakarinig?
"Through hand sign!" May ginawa si Carol sa kamay niya at nakita ko si Lianne na ngumiti. Wow. This kid is so effin bright, bakit hindi ako ganito nung bata ako!? "So don't bully her, because if you do, I won't forgive you"
Woah. Feisty personality for a young girl. Nag thumbs up ako kay Carol. "Rest assured, I won't"
After kong sabihin un, nag smile sa akin si Carol at siya naman ung tinanong ko. Since Lianne can't speak nor hear, she uses hand sign to talk to people. Mahirap nga un eh, kasi konti lang ang nag aaral ng hand signs...hmmm...konti nga ba? Sa family kasi namin walang nakakaalam ng hand signs eh.
Bumalik na und dad nila Carol at nagsimula na ulit silang kumain, habang ako patapos na. Ang bagal ko talaga kumain.
-Ping!-
Message? Sino toh?
+639xxxxxxxxx
Received at 9:37 a.m.Shay, anong kababalaghan ang ginawa mo kaninang umaga at may lumabas na article ngayon!?
-Shaine
Shaine? Sinong epal na Shaine toh? Ay wait...Shaine...Si Kyle! Jusko, pwede naman kasing ung isang phone ang gamitin, ang arte niya talaga.
Re:
Sent at 9:40 a.m.Pwede naman kasi ung isang phone ang gamitin diba? malakas din topak mo eh.
Makaraan ang 10 seconds nag reply agad siya. Bilis niya mag reply ah!
+639xxxxxxxxx
Received at 9:40 a.m.Wag mo nga munang pansinin ung number ko na toh. Ito nalang save mo, ung article munaaa. May model ka palang boyfriend!?
Whuuuut!? Did I read this right? Model na boyfriend? Anong model na boyfriend? Wala nga akong boypren eh.
Re:
Sent at 9:45 a.m.What article? Nasan ba kayo, pupuntahan ko kayo. Wag sa malapit sa tubig, pangit niyo.
Pagkasend ko ng message, sinave ko na ung number ni Kyle sa phone ko, tapos hinintay ko ung reply niya. Article?
-Ping!-
Panget
Received at 9:53 a.m.Nasa mga upuan kami, malapit sa resort, nasa harapan lng siya, nag sun bathing si Kams eh.
Ok, time to go.
"You're going?" Sabi sa akin ni Carol at nag nod ako sa kanya. "Are you staying in this resort?"
"Yes, I am"
"Let's see each other again!"
"Ok!" Ngumiti ako kay Carol then kay Lianne, saka ako umalis. Sana nga makita ko sila ulit, sobrang adorable nila. huhu. Naglakad ako sa resort hanggang sa makarating sa beach. Shizz, nakakatakot. Habang naglalakad ako, hinahanap ko silang 3, pero na didistract ako sa tubig dahil feeling ko, lalamunin ako. Ok, Shay, kalma ka lng. It's just water, bakit ka natatakot?
"Shay!" Tignan mo, tinatawag na din ako ng tubig! "Shay!!!"
"Shay nandito kami!" Oh my god. I'm hearing things. Pagtingin ko sa right side nakita ko si Derrick na kumakaway at huminga ako ng malalim, ok, praning lang teh?
"Hey guys" Sabi ko pagkadating ko dun at instantly, tumayo si Kams sa pagkakahiga niya. Hawak hawak niya ung phone niya na may picture nila ni Derrick na nakahug sa isa't isa. Ew.
"Nang-iinggit ka ba at yang picture nio naghuhug ang pinapakita mo?" Tinaas ko ung kilay ko at biglang namula si Kam. Ho may gad. Hahaha! Namula ang bata!
"Nag hug? sino?" Napatingin ako kay Kylw and obviously hindi niya alam.
"Hindi mo alam?"
"Alam ang alin?"
"ETO NA!" Inilapit ni Kam ng sobra sa mukha ko ung cellphobe at nakita ko, in bold letters and mga katagang.
BREAKING!
Model soon to be actor Raven Alano spotted with an unknown girl!
What the fudge is this!?