After ng 1 hour and 40 minutes, finally! nakarating na din kami sa Kalibo, expected ko na ung dami ng tao, after all it's summer at ang mga tao ay kailangang mag enjoy. Speaking of arrivals and enjoyment, kanina, natandaan ko na may isang naiibang plane. Iba ung design pati konti lang masyado ung pumasok na mga tao. Yun siguro ung private plane nung mga models...Shet ang ganda! Nasaan na kaya ung plane na un?
"Huy! Shay stop spacing out! Baka yung gamit mo hindi mo makuha!" Nag snap out ako sa ginagawa ko nung bigla kong marinig ung boses ni Kamille na inuutusan ako..este pinapagalitan pala. Nung pagkatingin ko dun sa mga luggages na umiikot akala ko hindi pa dumadaan ung akin. Shizz! pabalik na pala sa loob! Kaya yun hinabol ko.
"Excuse Me!..Ay Sorry!...Aray!...Pasensiya na po!!" Ma effort ang paghahabol ko sa bag ko, lalo na at sobrang dami ng taong nakapalibot sa may kuhanan ng luggage. Nung pagkadating ko sa dulo may biglang kumuha nung bag ko at nagulat ako. Akala ko may magnanakaw na pero pagkatingin ko sa taas, si kuyang guard lang pala, nakahawak siya sa bag ko at nakangiti. "Ma'am kawawa naman po kayo, eto na po ung bag niyo"
"Ay salamat kuya!" Kinuha ko ung bagahe ko sa kamay ni Kuya, pagkatapos inilapag ko sa floor tsaka ko nilagay ung sling bag ko sa taas. Pati si kuyang guard nakita kung gaano ako ka clumsy -.-
"Well. If it isn't Coke girl...medyo mukha kang tanga dun ah" Napa freeze ako nung narinig ko ung magandang accent ng letseng lalaki na natapunan ko ng coke earlier....Wait...What the Fudge!? Hindi ko naman siya nakita sa plane kanina eh bakit nandito siya sa Kalibo? And exactly at the same time katulad namin.
"Hay nako kuya. Imbis na pistihin mo ako dito with your bako bako na tagalog, try mo kaya mag practice!" Tumalikod ako at nagsimula maglakad ulit papunta kayla Kam na masayang nag uusap usap. Bako bako na tagalog my arse. Wala ka na bang maisip na ibang insulto at yun nalang ang sinabi mo Shay?
But who am I kidding. Muntik ko na masabi kay kuyang foreigner na ang ganda ng accent pati ng boses niya. Fuuudge. Bakit kaya hindi ganun ung akin? Ma try ngang mag practice...Baka nga ako pa ung may kailangan ng practice kesa sa kanya ehh. But seriously, where did he come from?
"Oh? Kamusta paghahabol sa bag?" Tanung agad ni Kamille pagkabalik ko. Si Derrick natatawang nakatingin sa akin habang si Kyle naman nag space out?
"Masaya. Naka-attract pa nga ng unwanted na peste sa paligid eh"
"Ha?"
"Sabi ko nakakapagod" nag raise ng eyebrow si Kamille tpos nag shrug nalang siya. Si Kyle naman napansin kong tumingin sa akin saka ngumit. "So Shay, anong nangyari sa adventure mo sa pagkuha ng bag mo?"
"Kakasabi ko lang eh, nakakapagod."
"Besides sa nakakapagod. Ano pa nga ba?" Nag smirk siya saka niya tinangyal uny shades niya. minsan kapag adik or kapag may sadyang sayad si Kyle, nag iiba ung ugali niya and obviously isa to sa mga pagpapalit niya ng ugali. Ngayon na tinaggal na niya ung shades niya, alam ko na kung ano nga ba ulit talaga ung pagkumukha niya. Ang wafu niya nga pala.
"Nakakasilaw ang kapangitan mo Kyle. Pakshit" Dumaan ako sa gilid niya at natawa nalang siya.
"Aminin mo ang gwapo ko!" Wafu mo nga, kung hindi ka sana engaged. Haha. mukha lng nagseselos lang ako pero hindi naman masyado, nagseselos lang ako dahil ang gwapo niya at ang swerte niya sa naka engage niya dahil ang ganda din! I sound like some weird girl.
"Whatever! ang loser mo kaya Kyle! Inaantok na ako, ikaw na ang magdala ng gamit ko" Tumigil ako sa paglalakad at binitawan ko ung bagahe ko, ng bigla aking nakarinig ng sobrang lakas na mga tili.
Pagkatingin ko sa gilid ang daming babae sobra. Parang kanina wala pa sila ah! Pero ngayon na nakita ko na, they're not the ones from the airport. They're different. Mga tiga dito siguro sila. At may mga hawak na banner pa!