6

7K 169 37
                                    

Sana's POV

"UMMA, I'M HOME!" Masaya kong sigaw habang tumatalon-talon papasok ng bahay.

"Ang saya mo naman ata ngayon anak." Sabi ni Umma habang naka-upo sa sofa at nanunuod ng TV. "Anong meron?"

Walang manyak na umaligid sa akin ngayon!

Pero syempre hindi ko sinabi.

"Wala lang, masama?" Pabirong tanong ko kay Umma.

"Pinipilosopo mo ba ako Minatozaki Sana?!" Sabi ni Umma.

"Hindi Umma! Ano ba yan hindi mabiro e." Sagot ko sa kanya.

Papaluin na sana ako ni Umma ng bigla akong tumakbo papuntang kwarto.

"Gagawa na po ako ng homework ko!" Sigaw ko.

"Mabuti naman!" Pabalik naman na sigaw ni Umma. Panigurado naka-upo pa rin siya sa sofa habang nanunuod.

"Ang ingay niyo may natutulog!" Sigaw naman ni Appa. Siguro nasa kwarto siya nina Umma.

Nilabas ko naman na yung librong kaylangan ko at nag-umpisa ng gumawa ng homework.

Syempre para ganahang gumawa ng homework nagsa-soundtrip din ang dyosa habang kumakanta-kanta pa.

Maganda naman boses ko kaya okay lang.

"Sana! Wag ka ngang kumanta!" Sigaw naman ni Umma. "Nakakahiya sa bista!"

Napahinto naman ako sa pagkanta at pinatay ang music.

Bisita?

"Sinong bisita?!" Pasigaw na tanong ko.

"Lumabas ka kaya!" Pabalik na sigaw ko kay Umma.

Inayos ko naman ang mga gamit ko at inayos ang buhok ko. Paglabas ko ng kwarto may nakita akong babaeng nakatayo pero naka-talikod sa akin.

Parang familiar.

"Nandiyan ka na pala Sana." Sabi naman ni Umma.

Pagkaharap naman sa akin nung bisita bigla namang kumulo ang dugo ko.

"Ano namang ginagawa mo rito sa pamamahay ko?!" Mataray na tanong ko sa BWISITA na'to.

Si kapreng manyak lang naman yung tinutukoy ni Umma.

"Umayos ka nga Sana." Sita naman sa akin ni Umma. "Maupo ka Tzuyu."

"Thank you po Mrs. Minatozaki." Naka-ngiting sabi nitong manyak na'to at umupo sa sofa.

"Iwan ko muna kayo dito. Kukuha lang ako ng meryenda niyo." Paalam naman ni Umma. "Umayos ka Sana." Sabi naman ni Umma bago umalis.

Umupo naman ako sa dulo ng sofa malayo dito sa manyak na'to.

"Bakit ka nandito?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Baka kasi na-miss mo'ko hindi pa naman ako pumasok kanina kaya pinuntahan kita dito." Naka-ngiting sagot niya.

Akala ko hindi ko siya makikita ngayong araw. -_-

Umikot naman ang mata ko sa sinabi niya. "Mas gusto ko ngang wala ka."

Dumating naman si Umma at nilapag ang pagkain sa centre table.

"Kain ka lang Tzuyu. Wag ka ng mahiya." Sabi naman ni Umma.

"Opo."

Sus akala mo magalang.

Umalis naman si Umma at pumunta sa kwarto nila Appa.

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon