12

5.7K 145 41
                                    

Sana's POV

"Sana."

"5 minutes."

"Minatozaki Sana!"

"Umma naman e!" Reklamo ko at naupo sa kama.

"Mag bihis ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Tzuyu sa labas."

Napatakbo naman ako sa drawer at kinuha lahat ng kaylangan ko. Nang maka-labas ako sa kwarto, napa-hinto
naman ako ng saglit sa sala at nakita si Tzuyu na naka-upo sa sofa.

"Goodmorning." Naka-ngiti niyang bati.

Yung buhok at mukha ko!

"Ah... morning." Bati ko din sa kanya at tumakbo papuntang CR para maligo.

Mga ilang minuto lang ay natapos na akong maligo at mag-bihis kaya lumabas na ako at nakita sina Umma at Appa na naka-upo sa mesa kasama si Tzuyu.

Happy family? LANDEEEE! HAHAHA!

"Kain na Sana." Sabi naman ni Appa.

Naupo naman ako sa tabi ni Tzuyu at nag-umpisa ng kumain.

"Bakit mo ba ako ginising ng maaga Umma?" Tanong ko at sumubo ng pagkain.

"Kanina ka pa hinihintay ni Tzuyu mahiya ka naman." Sagot naman ni
an ni Tzuyu at ngumiti.

"Tita na lang Tzuyu."

"Okay po Tita."

"Tito na lang din sa akin." Singit naman ni Appa.

"Sure Tito." Sabi ni Tzuyu at ngumiti kay Appa.

"So close na kayo niyan?" Tanong ko naman kayla Umma at Appa.

"Sana umayos ka." Banta naman sa akin ni Umma.

Sumimangot naman ako sa sinabi ni Umma.

"Alis na ako." Sabi naman ni Appa at dumiretso na sa labas.

"Thank you po sa food." Sabi naman ni Tzuyu. "Ang sarap niyo pong mag-luto."

"Naku Tzuyu, sige na baka ma-late pa kayo." Sabi naman ni Umma.

"Alis na kami Umma!" Sigaw ko.

"Ingat kayo!"

Lumabas na kami ng bahay. Pinag-buksan naman ako ni Tzuyu ng pinto at sumakay na sa kotse niya.

"Hon." Sabi naman ni Tzuyu habang nag-da-drive pero hindi ko siya pinansin.

Baka isipin niya gustong-gusto kong tinatawag niya akong hon. -_-

"Hon." Sabi niya ulit kaya tinignan ko siya ng masama. "Are you angry?"

Umiling naman ako sa kanya at tumingin sa bintana.

"Why are you quiet?"

"Mag-drive ka na lang diyan." Sabi ko naman imbes na sagutin siya.

"Sanaaaaaa!" Napatingin naman kami sa sumigaw pagbaba pa lang namin ng sasakyan.

Ano ba yan Jihyo!

Tumakbo naman silang lahat sa akin at niyakap ako.

Anong meron sa mga to?

"Guess what?" Masayang bati ni Nayeon-unnie habang hawak hawak ako sa balikat.

Tumaas naman ang isa kong kilay habang naka-tingin sa kaniya.

"Malapit na ang Intrams!" Sigaw nila ng sabay-sabay.

"Manahimik nga kayo." Sita ko naman sa kanila. "Kapag si Jihyo nga sumigaw masakit sa tenga mag-sabay-sabay pa kaya."

"Whatever." Sabi naman ni Jihyo at pinalo ako sa braso.

"Aray naman! Ano namang meron kapag malapit na ang Intrams?" Tanong ko naman sa kanila.

Hinila naman ako nila Nayeon-unnie palayo kayla Tzuyu, Chaeyoung, Jeongyeon-unnie at Momo.

Kami na lang pala ni Tzuyu ang kulang.

"Makikita natin silang mag-laro!" Kinikilig na sigaw ni Nayeon-unnie.

"Kyaaaaaaah!" Sigaw din namin habang magka-hawak ang mga kamay at tumatalon-talon pa.

"Emegesh!" Sabi ko habang pinapaypayan ang mukha ko.

Ang landi ko na. T_T

"Sana." Sabi ni Mina napatingin naman ako sa kanya. "Kami na ni Chaeyoung."

Nagulat naman ako sa nalaman ko pero yung mga kasama ko tumatango lang.

Huli na ako sa balita. -_-

"Congraaaats!" Sigaw ko at niyakap siya.

"Tara na nga. Baka kanina pa tayo hinahanap ng mga yun."

Tumango naman kami sa sinabi ni Dahyun at dumiretso na sa kanila Tzuyu na kanina pa naka-tayo sa harap ng kotse niya.

"Ang tagal niyo naman ata?" Sabi ni Jeongyeon-unnie.

Lumapit naman sa kanya si Nayeon-unnie at nag-cling sa kamay niya.

Goodmorning students. We have no classes until the day of our Intramurals please go here in the gymnasium and register yourself for the sport you want to join. Thank you!

"Yeees! Walang pasok!" Sigaw naman ni Momo habang tumatalon-talon.

"Unnies anong sasalihan niyong sport?" Tanong ni Tzuyu.

Umiling naman kami nina Dahyun, Jihyo, Mina, Nayeon-unnie at Jihyo meaning na hindi kami sasali.

"Tara na!" Aya naman ni Jeongyeon-unnie sa kanila. "Magpa-register na tayo sa office."

Tumango naman sila at umalis na. Pumunta naman kami sa Cafeteria at naupo habang hinihintay sila.

"Kamusta naman pag-papanggap niyo ni Tzuyu, Sana?" Tanong ni Jihyo sa akin.

"Mahirap." Sagot ko. " Lalo na't nahuhulog na ako sa kanya." Dugtong ko at tinakpan ang mukha ko.

"Kyaaaaaaah!" Kinikilig na sigaw nila.

Malalandi tong mga to. -_-

"Sana tama si Momo." Sabi ni Mina. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Tao ka na talaga!"

Leche!

"Ewan ko sa inyo!" Irap kong sabi.

Nag-vibrate naman ang phone ko at binasa ang text.

Hon, punta daw tayong bahay nila Jeongyeon-unnie hintayin niyo kami sa harap ng gate.

Pinabasa ko naman sa kanila ang text niya tumuli naman silang lahat kasi textmate na daw kami.

K.

Reply ko naman sa kanya at nag-lakad na kami papuntang gate. Syempre nag-dadaldalan kami habang hinihintay sila.





-----------------------------------------------------------

Sorry for the late UD.

-Kris

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon