After 20 years,"MIRAAAAAAAAAAAACLE!!!"
Sigaw ng aking mama sa akin habang busy'busy kong nilalabhan ang mga damit ng aming amo. Alam ko kung bakit sumigaw yun, kaya ipinasok labas ko na lang ang narinig ko. Kasi naman wala na akong nagawang maayos dito sa lugar na to. Kung hindi mga pinggan yung mababasag ko, malamang mga mamahaling vases.
Kaya di na ako magtataka kung sisigaw si mama sa akin ng ganyan... palagi naman yan. Immune na ako diyan. Ang kaso ko ngayon sa kanya ay ---yung pagkabasag ko sa mamahaling salamin ng bintana dito sa bahay ng amo namin.So yeah! Before anything else. I'm Miracle Season known as the Princess of clumsiness.
Sikat ako dito sa bayan namin dito sa Despia, Pano ba naman kasi naturingan na ngang bobo Princess tapos napakalampa pa. Hindi ko naman nilelet down yung sarili ko. It just that alam ko sa sarili ko na ganun ako. Di na kailangan pang magpanggap dahil tanggap ko na sarili ko ever since nung isinilang ako sa sinapupunan ng aking ina. At yung mga tao dito? Inggit lang yan sa akin kasi Famous ako at naturingan akong Princess, Princess nga lang ng katangahan. Wala akong pake sa kung ano man ang sabihin ng mga tao dito sa aming bayan sa akin dahil kung hindi nila ako tanggap, bahala sila. Pake ko ba?.
Pero naawa na rin ako sa aking mama, bukod sa matanda na ito, pinapagalitan pa rin ako. aba'y dalaga na rin ako 20 na edad ko kaso pinapalo pa rin ako. Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako ganito , eh sadyang ganito ako eh. Siguro nung pagpanganak sa akin ,dun ako inanak sa C.R at nauntog ulo ko sa bowl kaya siguro ang galing galing ng utak ko.--di man lang marunong itukoy kung saan ang kaliwa at kanan.
As I was saying naawa talaga ako sa mama ko dahil siya lahat ang umaako sa kalampahan ko. At kung tutulungan ko naman siya. Ayaw niya akong patulungin kesyo baka daw mas dumami pa yung lilinisan niya. tsk!
Pero mahal na mahal ko yung mama ko kahit ganyan niyan yan. Kadalasan nga tuwing gabi pag hindi siya makatulog kakantahan ko yan ng llulaby. Tapos yun... tulog mantika na sya.
"MIRAAAAAACLEE!"
Tawag naman ni mama ulit.
Pinuntahan ko si mama dala dala ang dalawang walis at binasa ko ng konting tubig ang mukha ko para magmukha akong pawisan.
Paika ika rin akong maglakad para mapansin niyang pagod ako kahit hindi naman totoo. Gusto ko lang talagang magpahinga."M-mama... masakit ulo ko at pagod na ako , pwede na po ba akong magpahinga?"
Binatukan niya lang ako. Hay naku. Buking na naman pagpapanggap ko.
"Siraulo kang bata ka! Lumang style na yang pagpapanggap mo!
Wag kang mag alala hindi kita pinatawag para utusan""Huh? Talaga Ma? Yes!Ye--"
Putol niya sasabihin ko."Pinatawag kita dahil, simula bukas, mag aaral ka na sa STEINFIELD ACADEMY"
BINABASA MO ANG
"EXTRAORDINARY SERVANT"
FantasySi Miracle isang, katulong sa bayan ng Despia. Ang kanyang kapangyarihan lamang ay ang pagalawin ang mga bagay bagay at ilagay sa dapat nitong paglagyan. Ganyan ang kapangyarihan ng isang katulong.Dahil sa kalikutan ng isipan ni Miracle at kung ano...