CHAPTER 1. MIRACLE

4 0 0
                                    

Sa mundo ng mga mortal, isang babaeng nakatayo,sa bukana ng kakahuyan. Umiiyak at nagdarasal sa isang maliit na puntod na tila ba may isang batang nakalibing duon.
Kung titingnan ang babae,  nasa edad 30 na ito kung iiestimahin. Maganda siya, ang kanyang mukha'y sing aliwalas ng araw. Subalit bakas sa kanya mga mata ang hirap at pagod.

Mahigit isang oras syang nanatili sa kaniyang puwesto.

Iwinasiwas niya ang kanyang kamay at pinalapit ang mga dahon na animo'y kusa itong lumalakad papunta sa direksiyon ng kamay ng babae.

Pinalibutan nya rin ng mga bulaklak ito gamit ang pakumpas kumpas niyang paggalaw papunta sa puntod.

Muli siyang  umiyak at pagkalaon'y ngumiti ng makahulugan na para bang sinasabi nitong pinapakawalan nya at ipinapaubaya sa may Kapal ang bata

"May you rest with the love of your mother ... in peace"

Mabigat ang bawat paghakbang ng babae. Mahirap ito para sa kanya subalit kailangan nya itong gawin dahil ito ang nararapat at dapat niyang gawin. Nang papasok na sya sa portal papunta sa kanyang mundo biglang kumidlat,  kumulog,  at lumindol na siyang ikinagulantang nya dahilan upang matumba sya. Kasabay ng pagsiklab ng unos ng sabay sabay ay siya ring pag alingawngaw ng isang sanggol  umiiyak.

Hinanap nya ang sanggol upang iligtas sa masamang unos na ito.
Nang mahanap niya,
Ilang hakbang lang ang kanyang layo ng biglang kumidlat at ang kidlat ay saktong tumama sa direksyon ng sanggol.

"WAAAAAAAAAAAAAG!!!!!!. "
Sigaw ng babae nang  tumilapon sya sa malakas na pagsabog nito.

Unti unting ipinikit ng babae ang kanyang mga mata at sumilay muli sa isa pang pagkakataon ang napakaklarong pagkain ng kidlat sa kaawa awang sanggol.

"Hanggang dito na lang ba ako?"

Dahil sa malakas ng impact na tama ng kanyang ulo sa sanga ng kahoy, Kaniyang  isinara ang talukap ng kaniyang mga mata at tuluyan ng nawalan ng malay.

Makalipas ang ilang oras, nakaramdam ang babae na para bang may humahaplos ng kaniyang mukha. Nag alinlangan syang imulat ang kanyang mga mata dahil baka guni guni nya lamang ito. Nang biglang tumawa... Isang tawa ng sanggol.

"PANGINOON KO!  ANG SANGGOL"

Agad nyang iminulat ang kaniyang mga mata at , nakita ang isang napakaamong mukha  bata sa kanyang harapan, na nilalaro laro ang mga dahon at inilalagay sa  mukha ng babae. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang mga dahon na iyon ay mga gamot pampapabalik ng lakas ng katawan..

Nang bumalik ang babae sa kanyang ulirat at inaalala bawat detalye ng nangyari kanina...
Nagulat siya. Sapagkat papaanong nabuhay ang isang sanggol na halos lamunin na ng kidlat sa pagbulusok nito.

"OH MY! ISA ITONG HIMALA! BINIGYAN NIYA AKO NG GAMOT AT P-PAANO SYA NAKALIGTAS SA MALADEMONYONG PAG TAMA NG KIDLAT!

ANG BATANG ITO AY HINDI ISANG ORDINARYONG BATA LAMANG".

Tumayo ang babae sa kaniyang puwesto habang karga karga ang sanggol.

Tumingin tingin sya sa paligid. Nang matapos niyang masigurado na walang nilalang na nagmamasid sa kanila. Agaran siyang gumawa ng portal, papunta sa Despia. At iniwan ang mga katagang...

"Simula ngayon ako na ang mag aalaga sayo..
Ako na ang magiging ina mo.
At ang magiging pangalan mo ay--- Miracle.

"EXTRAORDINARY SERVANT"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon