Chapter 1

14 2 13
                                    

Kyra.

Naglalakad ako sa isang madilim na lugar.

Wala akong makita.

Puro itim lang ang nasa paligid.

Nasaan ba ako?

"Kyra..."

Lumingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses nya.

"Sky..."

Nakita ko sya sa malayong parte ng silid na ito.

Naka sumbrero sya na puti, nakaputing damit at pantalon din.

Sya lang ang nakikita ko sa ngayon.

Lumalapit sya sakin...

Hindi ko mapigilang umiyak, parang nakakita ako ng tagapagligtas sa akin sa madilim na lugar na ito.

At sya iyon...

Nakalapit na sya sakin...

Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha.

Nakatingin lang ako sakanya pero hindi ko sya maaninag dahil malabo parin ang paningin ko.

Bigla nyang pinunasan ang mga luhang lumalandas sa mga pisngi ko.

Niyakap nya ako...

Nakaramdam ako ng panlulumo dahil sa yakap nya.

Sa yakap nyang iyon ay parang sinisiguro nyang ligtas ako sa piling nya.

"Wag ka ng umiyak, nasasaktan ako... Andito lang ako para sayo."
Pagpapatahan nya sakin.

Nakayakap parin ako sakanya napasubsob sa dibdib nya.

Parang lalo lang akong naiiyak sa ginagawa nyang pag-aalo sakin.

"S-sky."

"Hmmm?"

"Salamat..." iyan na lang ang nasabi ko sa pagitan ng paghikbi ko.

Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin na para bang ayaw na nya akong mawala.

"Mahalaga ka sakin, Kyra"

Bago pa ako makapagsalita, bigla nya akong hinalilkan sa noo.

Gulat na gulat ako sa nangyari, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong sensasyon.

Halos hindi ako makahuma kaya naitulak ko sya ng bahagya.

"B-bakit mo..."
Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil hindi padin ako makapaniwala sa mga nangyari.

Hinawakan nya ang balikat ko at tinignan nya ako sa mata.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Sa unang pagkakataon ay naaninag ko na ang maamo niyang mukha.

Matangos ang ilong, may mahabang pilikmata na bumabagay sa kulay brown niyang mga mata.

Makinis ang kanyang mukha.

Napatingin ako sa mapupula nyang labi.

Dumagundong ang aking puso ng maalala ko ang halik nya kanina.

Napatingin ulit ako sa mga mata nyang nakatitig sa mga mata ko

Animo nang aakit ang kanyang mga mata.

SkyWhere stories live. Discover now