Chapter 5

12 2 0
                                    

Kyra.

Pagkatapos ng hilahang naganap kanina ay kinaladkad ako ni Cloud papuntang locker area.

As usual, nag over protective cousin na naman sya.

Nakakaloka na nga yung pagka over nya eh.

Sinabe ba namang lumipat nalang daw kami ng school! Dahil lang dun eh. Tss.

Pero syempre, di ako pumayag.
Kung kailan last year na namin ng HS, tsaka pa naisipan nitong si Cloud magtransfer. Sayang kaya ang loyalty award! Medal din yon.

At dahil napahaba ang bangayan namin ni Cloud, dito sa Canteen ang bagsak namin.

Nakakagutom makipag-away sa kanya eh! Eksakto namang lunch break na kaya ayon, nag order na ng pang lunch namin si Cloud.

Habang wala si Cloud ay biglang sumagi sa isip ko si Steven...

Bakit ganon sya?

Ngayon lang naman kami nagkakilala pero masyado syang nag fi-feeling close sa akin. Psh.

Kahit nung 3rd year kami dito, hindi ko naman sya masyadong kilala. Ni hindi ko nga alam yung pangalan nya. At lalong hindi ko sya nakikita.

Pero sabi naman ni Yuri, simula 1st year ay dito sya nag aaral...

Tatlo lang naman ang section kada year level dito?

Palagi siguro syang nasa 1st section...

Well, palagi naman kasi akong nasa 2nd section kaya siguro di ko sya kilala.

Eh bat ganon? 4 years na akong nag aaral dito pero ngayon ko lang sya nakilala?! Seriously???

Sabagay, si Cloud lang naman kasi ang palagi kong kasama...

"Hoy!"

And speaking of Cloud...

"Ano?!" Lakas kasi manggulat eh, nag de-daydream ako dito. Psh.

"Wag mo ngang isipin yong kumag na 'yon!" Umupo na sya sa harap ko at binigay na sakin yung inorder nyang lunch.

"Sinong kumag?" Tanong ko ng hindi nakatingin sakanya. Ang sarap ng ulam ah, Adobo. Waah! My favorite.

"Tss, ito pala sayo!"

Kinuha nya yung adobo ko at ipinalit yung inorder nyang...

"AMPALAYA?!"

"Woah! Wag ka ngang sumigaw!"

"Eh paanong hindi ako sisigaw! Waaah akin na nga yan!" At inagaw ko ang Adobo ko dahil para sa akin naman talaga yun.

"Akin 'to! Tama lang yang ampalaya na yan sayo, tataba ka dito sa Adobo. Sige na kain na!" At kinuha nya naman yung Adobo ko. Aba't! Lakas makapang utos ah?!

"Ehhh! Bakit ito pa inorder mo?! Alam mo namang hindi ako mahilig dito eh!" Letse talaga 'tong Cloud na 'to! Hmpf!

"Weh? Favorite mo kaya yan nung bata tayo, kumain ka nalang dyan!"

Wala na akong nagawa dahil sinubo na nya yung patatas! Huhu, tignan mo 'tong lalakeng 'to! Nang iingit pa! Huhuhu.

Humalukipkip na lang ako, wala naman akong balak kainin yung ampalaya no! Hindi ko favorite yan! Ewwiness kaya.

"Tss, bili lang akong tubig." Si Cloud yan, ugh! Nabibwiset ako sa kanya eh!

Tuluyan na syang umalis kaya napatingin ako sa adobong kinakain nya.

Eww kadiri sya eh! Kinagatan na talaga nya lahat! Psh. As if naman na kukunin ko pa yan? Bwiset.

Gutom na talaga ako. Huhu.

SkyWhere stories live. Discover now