Chapter 3
CRISTINA'S POV
Hi!!!! Im Maria Cristina Rafols, Tin for short, 18 years old.
Naku lagot ako kay Mafriejen iniwan ko siya nasan na kaya yun, hindi bale na nakita ko naman ang Z-B-JAM at nakapagpapicture pa ako with matching Autograph pa, kaya lang wala si Zack, tapos sila Blen, John, Akie, at si Matt umalis na kaagad, mabuti na lang at nakapagpapicture pa ako sa kanila.
Kinabukasan
School
"Hoy Tin bakit mo naman ako iniwan dun?"sabi ni Mafriejen tapos nag pout
"SORRY naman kala ko sumusunod ka sakin eh"
"So ako pa ngayon ang may kasalanan? HUH?"naku galit ata siya
"Ako na may kasalanan bati na tayo plsssss!!!!!!!"hindi ko ata kakayanin na magkagalit kami
"sige na nga with one condition"hay hindi naman pala galit buti naman.
"Ano yun?"
"Sabihin mo sakin kung ano yung Z-B-JAM"
"Iyun lang pala eh may picture ako nun sa cellphone pakita ko sayo"kinuha ko yung cellphone ko tapos pinakita ko yung Z-B-JAM ay B-JAM lang pala wala si Zack eh
"Teka parang nakita ko na yang apat na yan"
"talaga? saan?"
"oo nga yan yung kasama nung lalakeng nakakainis dun sa mall"
"lalakeng nakakainis?"tanong ko. Sino kaya yun? Hindi kaya si Zack yun?Hinanap ko yung picture ng Z-B-JAM na dinawload ko na kasama si Zack at saka ko pinakita kay Mafriejen
"eto ba yun"
"oo yan nga yung nakakainis na lalake"
"ANOOOOO nakita mo sya ako HINDIIIIIIIIIIIii"sana all nakita si Zack
"Sana nga hindi ko na lang nakita nakakaasar lang eh"
"Bakit naman ganyan mo pagsalitaan ang idol ko"nakakasakit kaya sa feeling na yung bestfriend ko pa mismo ang mangbabash sa idol ko.
"Basta! Wag mo ng alamin naiinis lang ako pag naaalala ko yun eh"
"Sige na men kwento mo na plsssssss!!"ano naman kayang ginawa ni Zack sa kanya para mainis siya dun
"sige na nga pero mamaya na lang akyat na muna tayo sa Classroom"
"hoy Mafriejen bilisan mo naman ang bagal mo eh" hehe tumakbo ako eh, atat na kung atat gusto ko na kasi agad malaman
"iniwan mo nanaman ako"habol niya sakin ng nakasimangot
Nagpunta na kami sa classroom, tapos kinuwento niya lahat ng details. Buti pa sya nakita na si Zack. Ako hindi ko pa nakikita hanggang poster at picture parin ako.
Mafriejen's Pov
Nandito kami ni Tin sa Canteen. Recess kasi namin ngayon.
"pwede ba ako tumabi sa inyo?"sabi ni Lianne, yung babae kahapon na tinulungan ni Tin.
"oo naman, halika upo ka"sabi ni Tin
"salamat"nakangiting sabi ni Lianne
Nagkwentuhan lang kami. Maya maya bigla na lang dumating si Mariden yung babae na sinampal ni Tin kahapon, kasama ang mga alipores nya
"Ikaw babae"tinuro nya si Tin
"At BAKIT?"sabi ni Tin sabay smirk
"Wala naman"tapos inagaw nya yung hawak na juice nung babaeng dumaan at tinapon niya kay tin
Nagulat si Tin sa pagtapon sa kanya pero nung nawala na ang pagkagulat ni Tin, kinuha nya yung ketchup na nakalagay sa lamesa tas tinapat kay Mariden tsaka niya pinisli. Sumirit sa uniform ni Mariden yung ketchup. Tiningnan ko yung paligid halos lahat pala sa kanila na nakatingin. Makikita sa mukha ni Mariden na galit na galit na siya, bigla na lang ako hinila ni Tin pati si Lianne hinila nya din.
"Ayos ka lang ba Tin?"tanong ko sa kanya
"oo ayos lang to may dala naman akong pampalit eh. Paano palit muna ako ng damit ha, intayin niyo na lang ako dito sa labas"
Pagtapos ni Tin nagpunta na kami sa room, tutal malapit na din naman magbell. Pagtapos ng klase inaya kami ni Lianne sa Mall.