Chapter 4

68 6 2
                                    

Chapter 4

Zathan's Pov

Nandito na ako ngayon sa tapat ng Lao University. Ngayon kasi ang first day of school namin. Hindi tulad sa ibang school na nung isang linggo pa nagsimula, kami ngayon palang.

"Oy!"bigla na lang may kumalabit sakin

"Oh Tol kaw pala yan, san sila??"sabi ko kay Blen

"Well, alam mo naman si Akie at si Matt baka nakikipaglandian nanaman yun. Si John baka nasa room na yun alam mo naman yun ilag sa babae eh"

"wow, huh?? kung makapagsalita ka sa dalawa akala mo hindi nakikipaglandian eh"

"tol parehas lang tayo"natatawang sabi niya

"oo na parehas na kung parehas"sabi ko habang tumatawa

Papunta na kaming apat ngayon sa room. Tutal si John panigurado nandun na yun. Pagtapat namin sa pinto binuksan ni Akie yung pinto.

"KYAAAAAAAAAAAHHH"

  "WAAAAAAAAAHHH"  

"ZB-JAM" yan kaagad ang bumugad sa amin. Wala kaming magagawa gwapo kami eh. Hahaha

"Boys upo na kayo"sabi no Ma'am Laylo yung teacher namin sa Filipino and class adviser.

Sinunod naman namin siya. Dun kami naupo sa nakareserve na bangko para saming lima, paZB-JAM parin ang ayos namin pag-upo. Ako sa kabilang dulo, sunod sakin si Blen, sunod naman si John, sunod naman si Akie at sa kabilang dulo si Matt.

"Tutal dati nanaman kayong magkakakilala yung mga bago na lang ang magpapakilala"sabi ni Ma'am "simulan natin sayo binibini"dagdag pa ni Ma'am, sabay turo dun sa babaeng medyo kulot ang buhok.

"Ahm. Hi Im Cristina Rafols. 18 years old. You can call me Tin. Sana maging nice kayo sakin"sabi nung babaeng medyo kulot. Next naman yung katabi nya.Si....wait si Lianne yun ah, bakit yun nandito?

"Hi Im Zandra Lianne. 17 years old. Be nice to me"sabi ni Lianne. Sunod naman sa kanya yung katabi nya.

"Im Marissa Friesella Jennygail Madrigal."sabi nung babae tsaka upo na agad.Parang nakita ko na nga yun, well wala na kong pakialam kung nakita ko na sya. Hindi naman siya maganda eh. Ang sama ko, pero Im just telling the truth.

"Tutal naman wala tayong gagawin ngayon, eh di ngayon na lang tayo mag-eleksyon para sa ating class officers"sabi ni Ma'am 

"Binibining Reinelle ikaw ang manguna sa botohan"dagdag pa ni Ma'am

After 55 mins. Eto yung mga nanalo

President: Matthew Aczelle

Vice President: Johnny Lee

Secretary: Cristina Rafols

Treasurer: Zandra Lianne Lao

Auditor: Reinelle Adoviso

Sargent at Arms: Blen Hance Aczelle

                                 : Akie Leo Tan

Muse: Khaigaimeline Jharalano

Escort: Zack Nathan Lao

Mariejen's Pov

Akala ko tatagal na kami ni Tin dun sa public, kaso gaya dati kick out nanaman kami. Take Note: nanaman-means lagi kaming nakikick out. Hindi naman kami sobrang sama, medyo lang. Nga pala siguro nagtataka kayo kung bakit nandito kami sa Lao University ano?

FLASHBACK

Kinabukasan pagkatapos yung nangyari sa canteen. Nandito kami ngayong tatlo sa school ground, break time ngayon eh. Maya-maya bigla na lang dumating sila Mariden at kasama yung apat na alipores niya nanaman. Mukhang gulo nanaman to ah.

"Hoy kayong tatlong panget umalis nga kayo dito teritoryo namin to ah"sabi ni Mariden

"Aba ang kapal naman ng mukha mo. Pwede ba sa susunod tingnan mo muna yang sarili mo sa salamin, bago ka umasta na maganda ka. Hoy! Girl gising gising din pag may time, antaas ng pangarap mo eh ni hindi ka nga tatablan pag nagparetoke ka alam mo yun? Well kung hindi mo pa alam, pinapaalam ko lang ngayon sayo"sabi ni Tin

"Aba lalabanan mo nanaman ba ako?"sabi naman ni Mariden

"Eh kung sabihin kong OO. Lagi naman kayong TALO, palibhasa puros KALANDIAN lang ang alam niyo eh"sabi ni Tin

Pagkatapos sabihin ni Tin yun eh sinampal siya ni Mariden, tas yung mga kasama ni Mariden hinawakan siya sa magkabilang braso. Bigla na lang sinipa ni Mariden ng malakas si Tin sa tiyan, na naging dahilan ng paglabas ng konting dugo sa bibig niya. Syempre tinulungan ko na si Tin. 

Sinuntok ko ng malakas sa mukha yung isang nakahawak kay Tin, ayun tulog. Si Lianne naman nagtatakbo para siguro humanap ng tulong. 

May humila sa buhok ko mula sa likod "ARAAY!" shet ang sakit nun ah. Sinipa ko siya patalikod kaso nakakailag siya, sinubukan ko din magpakawala ng suntok kaso nasasalag nung isa niyang kamay. 

"Etong sayo"tas bumulagta yung sumabunot sakin. Pinalo lang naman ni Lianne ng dala niyang kahoy.

Si Tin naman pinatutulungan ni Mariden at nung dalawa pa nitong kasama. Agad din naman namin siyang tinulungan. Si Lianne pinagpapalo yung isa. Hinila ko naman yung isa sa buhok abot anit niya. Si Tin naman ginantihan ng isang malakas na sipa si Mariden.

Tapos maya-maya dumating yung teacher namin at diretso kaming lahat sa Office.

Sa huli nakick-out kami. Sabi ni Lianne sa Lao University na lang daw kami mag-aral. Lolo daw niya may ari ng Lao University.

END OF FLASHBACK

Kaya ngayon dito kami nag-aaral. Yung sinasabi ni Tin na ZB-JAM dito nag-aaral kasama yung lalaki sa mall na nagsabi na hindi niya daw alam yung ZB-JAM yun naman pala kasama sya dun. GRRRR...naiinis ako dun sa lalaking yun eh.

5 Lovers in 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon