"Beleb telege eke seye bespren!" sabay tawa at palo sa balikat ng aking lalaking bestfriend na si Ran. Akalain mo, daig pa sa babae kung maka reject sa lalake yung umamin sa kanya bago lang.
(Bestfriend Ran - as Kim SooHyun)
"Nakakalima ka na sa akin Pahit ha! Masakit na!" sigaw niya sabay action ng suntok sa akin. "Akala mo naman magaan lang yung kamay, para namang nakasipa gamit ang talampakan ng paa." naglalakad kami ngayon sa school ground.
"Mga utol! Ang Pahit and Ran tandem oh! HAHAHAHA" lumingon kami sabay ni Ran sa mga magbabarkada di kalayuan sa amin. "Paano ba yan Cindy, parang naunahan ka na ata nyang PANGIT NA PAHIT kay Ran!" aba pasigaw pang pasabi sa akin.
(This is me, lagyan niyo lang ng pimples ako na yan. - as IU)
"Mga gunggong!" padabog akong papalapit sa kanila. Hindi naman ako pinigilan ng bespren ko, hala! gusto niya talagang mapalaban ako no? "Kung manglalait na man lang kayo, lakasan niyo pa!" ngumisi naman ako sa kanilang nagtatakang reaksyon pati na rin si Ran. "Para naman yang Cindy niyo eh walang kalaban-laban para agawin si Ran sa PANGIT NA PAHIT na to! At para naman mapag-alaman na i-rereject ka lang ng demonyong to! Hindi ba alam mo na kung saan papatungo iyon, Cindy the Ma-lan-di?"
"Ulitin mo nga ang sinabi mo Pahit!" hinigit ng isa sa kanilang barkada ang uniporme ko. Pustahan may gusto 'to kay Cindy. Pero mga bes, nasasakal ata ako sa kanyang ginagawa eh. Pero keri lang mga ter, dapat maging mapanuri, mapagmatyag, mapangahas! MATANGLAWIN! Niyuyugyog na ako ng lalaking to. Di rin kalayuan ang kapangitan sa akin.
"Bingi ka ba?! Di hamak na mas maganda si Cindy sayo!" mas hinigpitan pa niya ang ang paghigit sa aking uniporme. Gusto ko ng umubo pero ayaw kong maging mahina sa harap nila.
"At di naman hamak na mas matalino ako sa kanya. Hindi matuturuan ang kagandahan kung walang utak at libog lang ang pinag-aabalahan." mahinang pagsagot ko dahil nawawalan na ako ng hininga dahil sa gunggong na to.
"Pu*a ka!" Sasampalin na sana ako ni Cindy pero agad napigilan ni Ran sa kanang kamay niya. "Ran my loves" tss nagpapa-amo ng mukha parang asong malandi.
BINABASA MO ANG
Gehenna: A Vampire Story
VampireGehenna, which mean hell or in a state of misery. A normal girl living in a normal world turns to be a Gehenna for her. Supernatural experiences thus made her believed that vampires are real. What made her the prey of the newborn vampires? Chased...