Nagising ako sa alarm ng aking phone.
"Kwarto ko naman to ah." Akala ko naman kung saan na ako dinala kagaya nalang sa mga napapanood ko. Tapos doon na ako pinatira habang buhay, extra bonus nalang kung may mga gwapo.
Inilibot ko ang aking tingin sa silid. Ipinagtataka ko kung bakit maayos parin ang kwarto. Walang basag na binta at umaandar naman ang light bulb. Baka naman inayos kaagad nong lalakeng yun.
*Sniff Sniff* Bumaba ako at nakitang may naka topless at naka sweat pants na lalakeng nakatalikod sa akin. Humarap naman siya habang may hinahawakang sandok at cooking pan. Ay papi! ang chalap ng pandesal. Lutong-luto mehehe.
"Saan banda ang gusto mo kainin?" nagulat ako sa tinanong niya.
"Ha?" itinatanong pa ba yan?
"Thigh, neck, breast, back part, or anong gusto mong part?"
"Pwede whole? hehe" chalap chalap kasi, d pa naman summer ang init na.
"Ang takaw, kaya pala pangit." natauhan ako sa kanyang sinabi. Ang ganda na ng umaga, sinira pa. "Oh ano na? Lalamig na yung chicken." uminom naman siya ng tubig sabay lapit sa akin.
"Ah yung chicken pala, akala ko naman ikaw." mahina kong sagot. "EUNCSKHAG! Bwst, ano ba?!" pinunasan ko yung mukha kong nabugahan, let me re(word) that, binugahan ng tubig.
"Ayan! Di na oily ang face mo." nag peace sign naman siya with matching poker face.
"Ugh! Maligo na nga lang ako." padabog akong dumiretso sa banyo. Narinig ko na siyang tumatawa, makalayo na nga. "Good Lord, wag mo na pong dagdagan ng malas yung buhay ko huhuhu"
Habang nagsho-shower, naalala ko yung mga nangyari kagabi. "Araaaay!" sinampal ko naman kasi yung sarili ko para malaman kung paniginip ba to.
Imposible namang may mga supernatural things sa mundo ng tao. Naguguluhan na ako sa nangyari kagabi at maayos parin ang bahay na to. Matanong ko nalang yung lalakeng yun. Lumabas na ako ng banyo at nagbihis ng uniporme.
"Oy pandesal! Matanong nga kita, sino ka ba talaga?" sigaw ko mula 2nd floor habang pababa na ako patungong kusina.
"My name is Ran Richard Laux. Your bestfriend since Kinder. Kinakausap mo yung pandesal?"
"Ran? Bakit ka nandito?" nilinga-linga ko yung paligid kung nandito pa yung lalake kanina, pero wala na ata siya.
"Bawal ba sunduin ang reyna ng kapangitan?"
"Animal! Tara kain na tayo." yaya ko sa kanya sa hapagkainan.
"Di ikaw yung tipong Ris na marunong magluto. Sinong nandito?" nawerla na ako mga bes. Tiningnan ko naman yung lababo pero malinis naman, walang bakas na may nagluto. Yung nakahain lang na kanin at manok.
"Ah kasi yung ano... ay oo, wala kasi yung kapitbahay namin tapos nagpa-deliver sila kaya ako nalang yung tumanggap. Binayaran ko naman, wag kang mag-alala." ang lame ng palusot ko huhuhu.
"Ah okay, sipag mo ata ngayon." nauto? galing naman.
"Pagdiriwang dahil buhay pa ang reyna ng kapangitan." sarkastikong sagot ko.
"I miss you." tanging nasambit ko sa kanya habang kami'y kumakain.
"I miss you too." inangat ko yung tingin ko upang pantayan yung titig niya sa akin. Ngumiti kami sa isa't isa.
Alam niya kung anong ibig sabihin ng sinabi ko sa kanya. I miss the old him na palangite at madaldal. Minsan, nag-oovernight pa yan sa bahay namin tapos magkatabi pa kami. Pero simula nong namatay yung mama ko, parang siya yung todong naapektuhan sa nangyari. Paminsan-minsan nalang siyang pumunta sa bahay at naging emotionless alien btch na to. Buti na lang medyo nababawasan na yung pagka-alien niya ngayong malapit na 18th birthday ko. Yun kasi yung hiling ko sa aking kaarawan na maging ganoon ulit.
BINABASA MO ANG
Gehenna: A Vampire Story
VampireGehenna, which mean hell or in a state of misery. A normal girl living in a normal world turns to be a Gehenna for her. Supernatural experiences thus made her believed that vampires are real. What made her the prey of the newborn vampires? Chased...